wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SUMMATIVE TEST 2 IN FILIPINO 5 QUARTER1

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Sa paghahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan, kailangang unawaing mabuti ang isyu o balitang napakinggan.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Tingnan ang magkabilang panig ng balita. Kung maaari, ilista ang masama at mabuting dulot sa pangkalahatan upang masuri ito ng mabuti.

a)

Mali

b)

Tama

c)

Hindi sigurado

3.

Maging magalang sa paghahayag. Huwag gagamit ng masasamang salita na makasasakit sa damdamin ng iba.

a)

Mali

b)

Tama

c)

Hindi sigurado

4.

Kailangan simulan ang pagpapahayag ng isang opinyon sa, para sa akin, sa aking palagay, kung ako ang tatanungin, at iba pa.

a)

Mali

b)

Tama

c)

Di-sigurado

5.

Kung tayo magsusulat ng reaksyon o opinyon, dapat isang side lang ang ating titingnan.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Hindi sigurado

6.

Hindi dapat pinag-aaralan o inuunawa ang mga isyu na ating isusulat

a)

Tama

b)

Mali

c)

Hindi sigurado

7.

Si Leslie ay masipag gumawa ng kanyang takdang-aralin. Tuwing hapon bago siya maglaro ay gingawa na muna niya ang kangyang takdang aralin. Tumutulongdin siya sa ga waing bahay kaya naman tuwang tuwa ang kanyang magulang. Ipinagmamalaki siya sapagkat siya ay mabait at masunuring anak. Si Leslie rin ay mapagmahal na anak.

a)

Ang magagandang ugali ni Leslie.

b)

Ang pag- aaral ni Leslie

c)

Ang paglalro ni Leslie

d)

Ang takdang aralin ni Leslie

8.

Tuwing hapon pagkatapos gumawa ng takdang aralin ni Mary Rose ay pumupunta siya sa palaruan. Nakikipagkita siya sa kanyang mga kaibigan. Doon ay marami na silang nakikitang naglalaro at iba’t iba ang mga ginagawa. Abala ang lahat at halos walang maupuan. Libangan na niyang pumunta sa palaruan.

a)

Ang pinupuntahan ni Mary Rose

b)

Tuwing hapon pagkatapos gumawa ng takdang-aralin

c)

Ang paglalaro ni Mary Rose

d)

Ang Takdang-aralin ni Mary Rose

9.

Mahalaga ang bitamina sa ating katawan. Ito ay nagbibigay lakas at sustansya. Ang mga pagkaing may taglay na bitaminang ito ay ang pagkain ng gulay at prutas, Kaya kung gusto mong malayo sa sakit kumain ka ng gulay at prutas upang ang iyong katawan ay lumakas.

a)

Prutas at gulay

b)

Pagkaing may taglay na bitamina

c)

Mahalaga ang bitamina sa ating katawan

d)

Kumain ng gulay at prutas

10.

Panuto: Basahin ang mga talata at ibigay ang angkop na pamagat.


1. Ang puto bumbong, bukod sa kilalang pagkaing Pinoy ay kabilang din sa tradisyon ng Paskong Pilipino. Ito ay kulay ube o lila at kakaning gawa sa giniling na malagkit na bigas o galapong. Isa ito sa mga popular na pagkaing mabibili tuwing sasapit ang panahon ng kapaskuhan.

a)

Ang Puto Bumbong

b)

Pagkain ng mga Pilipino

11.

2. Ang mga karaniwang sintomas ng COVID-19 batay sa World Health Organization o (WHO) ay lagnat, pagkapagod, at dry cough o tuyong ubo. Ilan sa mga pasyente ay nakararanas ng sipon at baradong ilong, sore throat, o diarrhea. Habang isa lamang sa anim na pasyente ang nagkakaroon ng hirap sa paghinga at nagiging malubha ang kalagayan.

a)

World Health Organization o (WHO)

b)

Mga Sintomas ng Covid-19

12.

Nakita mo ang isang batang naglalakad sa kalye at walang kasama. Ano ang iyong gagawin?

a)

Tatanungin ang pangngalan ng bata at kung taga saan siya.

b)

Hahayaan ang bata sa paglalakad

c)

Isusumbong sa Kapitan ng barangay

d)

Ihahatid sa kanyang mga magulang

13.

Pagsasaranggola

Maraming bata ang nagtatakbuhan paakyat ng bundok. Ang saya-saya nilang lahat. Maaliwalas ang langit at hindi mainit ang sikat ng araw. Katamtaman lamang ang ihip ng hangin at bagay na bagay para sa pagpapalipad ng saranggola. Higit na mababa ang paglipad ng malaking saranggolang pula ni Luis kaysa sa saranggolang dilaw ni Albert. Tila naman eroplano ang saranggola ni Samuel. Iyon ang pinakamataas sa lahat ng saranggola na lumilipad sa himpapawid. “Kuya,” tawag ni Ana, ang maliit na kapatid ni Samuel. “Tulungan mo po akong paliparin ang aking saranggola.” Hawak ni Ana ang isang saranggolang kulay lila at gawa sa makapal na papel. “Sige, halika at tuturuan kita,” ang sagot ng kanyang kuya. Masayang nagpatuloy sa paglalaro ang mga bata. Alin sa mga salita ang naglalarawan sa mga bata sa kwento?

a)

malikot

b)

malungkot

c)

Masaya

14.

Ano ang ginagawa ng mga bata?

a)

Naglalaro ng taguan

b)

Nagpapalipad ng saranggola

c)

Nagpipiknik sa parke

15.

Kaninong saranggola ang pinakamataas ang lipad?

a)

Kay Samuel

b)

Kay Albert

c)

Kay Luis

16.

Sino ang nagpapatulong na magpalipad ng kanyang saranggola?

a)

Si Ana

b)

Si Samuel

c)

Si Albert

17.

Saan yari ang saranggola ni Ana?

a)

Sa mahabang tela

b)

Sa manipis na plastik

c)

Sa makapal na papel

18.

Ito ay ginagamit na pamalit o panghalili sa pangngalan

a)

panghalip

b)

pandiwa

c)

pangngalan

19.

Ako at ang aking mga kaibigan ay maglalaro sa gym. _________ ay maghahabulan.

a)

Kami

b)

Kayo

c)

Sila

20.

Si Sophia, Luisa at Ella ay aking kapitbahay. ________ ay nakatira sa Fourth Street.

a)

Kami

b)

kayo

c)

Sila

21.

7. Saan galing si Marga?

a)

Panaklaw

b)

Pamatlig

c)

Pananong

22.

Pumunta sa palengke si Ate Joy. _______ siya bibili ng mga gulay at karne.

a)

diyan

b)

iyan

c)

doon

d)

dito

23.

Wow! Ang ganda naman nitong laroan ko. Dadalhin ko ______bukas sa bahay ng kaibigan ko.

a)

iyan

b)

dito

c)

diyan

d)

ito

24.

Taimtim ______ ng nagdarasal. Ito ang gawain namin bago matulog sa gabi.

a)

Ako

b)

Ikaw

c)

Kami

d)

Tayo

25.

Palitan ng panghalip ang salitang may salungguhit.

Ako at ikaw ay aalis mamaya.

(a)   ay mamasyal.