WorksheetsANG TULA
Total questions: 15
Worksheet time: 4mins
1.Ang paggamit ng bantas na padamdam (!) – Ito ay hudyat ng masidhing damdamin, maaaring masaya, malungkot o pagkabigla.
Tama
Mali
2. “Magdilang anghel ka sa iyong sinabi.” Ang pahayag ay______
Tuwiran
Di Tuwiran
3.1. “Maraming sundalo ang nakapaligid na nagbabantay ___” Ang angkop na bantas sa pahayag ay
!
?
.
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng tula?
A. Pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay.
B. Nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita
C. Maikling kathang pampanitikan.
D. Maayos ang banghay nito.
5. Uri ng tula na nagtataglay ito ng mga karanasan, guni-guni, kaisipan at mga pangarap tungkol sa pag-ibig, ligaya, lungkot, hinanakit atbp.
Tula ng Damdamin o Liriko
Tulang Dula
Tulang Patnigan
Tulang Pasalaysay
6. Tulang sagutan na itinanghal ng mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula.
Tulang Pasalaysay
Tulang Patnigan
Tulang Dula
Tulang Liriko
7. Kadalasan ang bantas na patanong ay damdaming nag-aalinlangan subalit nag-iiba ang tindi nito base sa taong bumibigkas.
Tama
Mali
8. Ang pinagsama-samang taludtod ay makakabuo ng ______
tugma
sukat
tayutay
saknong
9. Piliin ang damdaming angkop sa pahayag.
“Ang Pilipinas ay napapalibutan ng malalawak na karagatan at magagandang tanawin na dinarayo ng mga turista.”
A. nagyayabang
B. Ipinagmamalaki
C. Ikinahiya
D. Nag- aanyaya
10. Sa pagsikat ng araw bagong pag-asa ang natatanaw Bagong yugto ng buhay, pagbabago ang malaking isinisigaw Ang pagsubok na itoý hindi hadlang kundi pagkatuto Gawing inspirasyon para sa ating lahat at sa buong mundo -tula ni Yanmar Delos Angeles
Ano ang paksa ng saknong na ito?
A. Pagbabago
B. Pag-ibig
C. Paghahanda
D.Pag-asa
11. Imulat ang mata at gumising na
Hindi tayo laging umaasa
Kumilos tayo sa pagkakaisa
Sa tunay na pagbabago ng ating sistema.
Ano ang kaugnay na pahayag ng salitang may salungguhit na makikita rin sa tula?
A. Gumising na
B. Laging umaasa
C.Tunay na pagbabago
D.Kumilos tayo
12. Mahalagang matutuhan ang pag-alam sa paksa ng isang tula. Ang paksa ay tumutukoy kung tungkol saan ang isang tula/ kaisipan ng buong tula. Ano ang ibang tawag sa paksa?
A. Tunggalian
B.Kaisipan
C.Tema
D.Kahulugan
13. Tumutukoy ito sa pagkakapareho ng tunog ng huling pantig sa bawat taludtod
A. tugma
B. Sukat
C. bilang
d. Saknong
14. Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ay tinatawag na __________
A. sukat
B.sinukat
C.panukat
D.panukatan
15. ANg kalapati ay simbulo ng__________
kalayaan
kapayapaan
kalinisan
kabutihan
