NEW
Font size
WorksheetsPaano Nabubuo ang Isang Batas
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Alin sa sumusunod ang nagsasabi tungkol sa isang panukalang batas?
Nilalagdaan ito ng pangulo bago ito pinagtitibay
Kasama ang pangulo sa pagtitibay nito sa Kongreso
Maaaring tutulan ito ng pangulo bago maging batas.
Hinaharap ito sa pangulo bago pinagtitibay ng Kongreso
Alin sa sumusunod ang unang nagaganap sa pagbuo ng isang batas? (Literal)
Hinaharap ang panukala sa pangulo upang lagdaan.
Ipinapamahagi ang kopya ng panukala sa mga kagawad.
Pinagtitibay ang panukala sa tatlong pagbasa sa Kongreso.
Ibinabalik ito ng pangulo sa Kongreso kung may mga tutol dito.
Kailan ginagamit ng pangulo ang kanyang kapangyarihang betohan ang isang panukalang-batas ? (Paghinuha)
Ginagamit ng pangulo ang veto power kapag ______________________
sang-ayon siya sa panukalang batas
hindi sang-ayon ang Kongreso sa panukalang batas
may mga dahilan siyang tutulan ang panukalang batas
hindi ipinagtibay ng tatlong beses ang panukalang batas
Ano ang salitang maaaring kasingkahulugan ng sumaklaw sa ikalawang pangungusap ng selekyon? (Paghinuha)
bumanggit
magsama
mag-usisa
tumalakay
Ano kaya ang dahilan kung bakit kinailangang makapagpatibay ng mga bagong panukalang-batas? (Paghinuha)
Isinasaalang-alang nito ang ikabubuti ng Kongreso.
Kailangan ng batas para sa ikabubuti ng mga mamamayan.
Pinagtitibay ang batas para sundin ang panukala ng pangulo.
Trabaho ng Kongreso na makabuo at makapaglimbag na batas.
Ano kaya ang mangyayari kapag hindi napagpatibay ang isang batas sa Kongreso? (Paghinuha)
Ito ay hindi maaaring maipatupad.
Madadagdagan ang batas na susundin.
Ipaaalam na ito sa lahat para ipatupad.
Hindi ito lalagdaan ng pangulo bilang pagtutol.
Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng pangunahing ideya ng seleksyon? (Paghinuha)
Sa Kongreso nabubuo ang isang batas.
Maraming paraan para makabuo ng batas sa Kongreso.
May paraang pinagdaraanan ang pagbuo ng bagong batas.
Ang isang panukalang batas ay dapat sumaklaw sa isang paksa.
Saang bahagi ng seleksyon matatagpuan ang pangunahing ideya nito? (Pagsusuri)
Makikita ito sa ___________________ ng seleksyon.
gitna
katapusan
simula
simula at katapusan
Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Pagsusuri)
Hatid nito ang isang balita.
Hangad nitong manghikayat
Nais nitong magbigay ng kaalaman.
Gusto nitong magbigay ng mungkahi.
Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito? (Pagsusuri)
Binanggit ang kasaysayan ng pagbuo ng batas.
Nakasaad ang mga dahilan ng pagbuo ng batas.
Inilarawan ang sanhi bunga ng pagbuo ng batas.
Tinalakay ang pinagdaraanan sa pagbuo ng batas.
