WorksheetsESP 9
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
A. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kanya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
B. Hindi nito maapektuhan ang buhay pamayanan
C. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
D. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makgagawa ng moral na kilos.
2. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin ang isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
A. Nakasalalay ang tungkulin sa isip
B. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral
C. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay pamayanan
D. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad sa mga tungkulin
3. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?
A. Iniiwasan ni Milang kumain ng karne at matatamis na pagkain
B. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa mga batang biktima ng pang-aabuso
C. Sumasali si Danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing
D. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Jospeh Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye
4. Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ang tungkulin naman ay ____________.
A. Obligasyong Moral
B. Likas na Batas Moral
C. Karapatang Moral
D. Moralidad
5. Si Senador Manny Pacquiao ay nagmungkahi na ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga kriminal o nagkasala sa batas. Sinasangayunan mo ba na ibalik ang ganitong klaseng parusa?
A. Opo, para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
B. Opo, para mabawasan na ang kriminalidad sa ating lipunan.
C. Hindi, dahil may mga taong napagbintangan lamang sa krimeng hindi naman ginawa.
D. Hindi, dahil ang buhay ay sagrado. Ang Diyos ang tagapagbigay buhay at tanging Siya lang ang may karapatang bawiin ito ayon sa Kanyang kalooban.
6. Ang mang-aawit na si Aiza Siguerra ay kinasal sa Amerika sa kaparehang kasarian. Sinasang-ayunan mo ba ang naging pasya ni Aisa na pakasalan ang kapwa niya babae?
A. Opo, dahil kapwa naman sila nagmamahalan.
B. Hindi, dahil hindi sila nagpakasal sa simbahan.
C. Opo, dahil malaya ang tao na gumawa ng pasiya kung sino ang pakakasalan.
D. Hindi, alam ng bawat isa na ang pagpapakasal ay para sa lalaki at babae lamang
7. Ang sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa ___________.
A. Terorismo
B. Iligal na pagmimina
C. Pagpatay sa sanggol
D. Diskriminasyong pangkasarian
8. Ang pamilya ni Ferdie ay nagmamay-ari ng malaking lupain sa probinsiya ngunit isang araw sapilitan silang pinaalis ng mga armadong mga tao na nais kamkamin ang kanilang lupain. Anong karapatan ang nilabag sa sitwasyon?
A. Karapatan sa buhay
B. Karapatang sumamba
C. Karapatan sa pribadong ari-arian
D. Karapatang magpakasal
9. Sa karapatang sumamba at pumili ng relihiyon, paano nasasabing tayo ay magkakapareho kahit iba-iba ang ating relihiyon?
A. Sa kadahilanang lahat tayo ay tao
B. Sa kadahilanang iisa lang ating ating sinasamba
C. Sa kadahilanang tayo ay kawangis ng Diyos
D. Sa kadahilanang tayo ay may dignidad
10. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin kapag nakapunta ka sa ibang lugar/bansa?
A. Mamamaasyal buong araw upang mag-enjoy
B. Igagalang ang batas at pribadong boundary
C. Mamimili ng mga souvenirs upang may maipasalubong
D. Makikipagkaibigan sa mga banyaga
