Worksheets2nd LE Summative Test
Total questions: 25
Worksheet time: 15mins
Panuto: Piliin Tama kung ang sinasaad ng bawat pangungusap ay wasto ay Mali naman kung hindi.
1. Ang mga madahong gulay tulad ng petsay ay ay dapat nang anihin bago magsi-igkas ang mga dahon na anim o higit pa ang bilang.
A. Tama
B. Mali
2. Inaani ang patola kapag husto na ang laki ng bunga o tama na ang bilang ng araw nito.
A. Tama
B. Mali
3. Ang talong ay maari nang anihin kung ang mga buto ay magulang na.
A. Tama
B. Mali
4. Maari nang anihin ang dahong sibuyas habang ang mga ito ay mura at sariwa pa.
A. Tama
B. Mali
5. Inaani ang patatas kapag nagsisimula nang matuyo at matumba ang mga dahon.
A. Tama
B. Mali
6. Iimbak o ilagay sa isang malamig at tuyong lugar upang mapanatiling maayos ang kondisyon ng mga gulay.
A. Tama
B. Mali
7. Maipagbibili ng mahal ang mga inaning produkto kung tama ang
pagkakaayos sa lalagyan.
A. Tama
B. Mali
8. Pagsamasamahin ang magkakaparehong laki ng mga gulay at ilagay sa ilalim ang medyo hilaw at sa ibabaw ang malapit ng mahinog.
A. Tama
B. Mali
9. Napananatili ang magandang kalidad ng produkto kung matutuhan ang wastong pag-iimbak nito.
A. Tama
B. Mali
10.Maaaring iimbak sa isang mainit at basang lugar ang mga produktong inani upang mapanatili ang kondisyon nito.
A. Tama
B. Mali
Panuto: Tukuyin ang paraan ng pag-aani ng mga sumusunod na inaning gulay. Piliin ang tamang sagot.
11. Okra, Sayote, Talong
A. Pinipitas
B. Binubunot
C. Kinukutsilyo
D. Hinuhukay
12. Kalabasa, Upo at Langka
A. Pinipitas
B. Binubunot
C. Kinukutsilyo
D. Hinuhukay
13. Patatas, Labanos, carrots
A. Pinipitas
B. Binubunot
C. Kinukutsilyo
D. Hinuhukay
14. sitaw, sili, kamatis
A. Pinipitas
B. Binubunot
C. Kinukutsilyo
D. Hinuhukay
15. Mustasa, letsugas, petsay.
A. Pinipitas
B. Binubunot
C. Kinukutsilyo
D. Hinuhukay
Panuto: Piliin ang W kung wasto ang sinasaad ng pangungusap at H kung hindi.
16. Pumili ng gagamiting lalagyan ayon sa uri at dami ng aanihing gulay.
A. W
B. H
17. Ang mga bungang gulay tulad ng ampalaya, patola at upo ay inaani sa pamamagitan ng paggamit ng matalas na kutsilyo.
A. W
B. H
18. Ang mga madadahong gulay tulad ng petsay, mustasa at letsugas ay binubunot kasama ang ugat na nakaangat sa lupa at saka hinuhugasan.
A. H
B. W
19. Ang labanos, kamote at patatas ay inaani sa pamamagitan ng paghuhukay.
A. H
B. W
20. Anihin ang mga gulay sa umaga kapag matindi na ang sikat ang araw.
A. W
B. H
Panuto: Punan ang bawat patlang ng wastong sagot:
21. Ang (a) ay isang lugar na kung saan dinadala ang mga prutas at gulay na inaani sa mga taniman.
22. Pagsama-samahin ang magkakaparehong laki ng gulay at ilagay sa ilalim ang medyo hilaw at sa ibabaw ang malapit ng (a) .
23. Ang labanos, kamote at patatas ay (a) matapos hukayin at anihin.
24. Maraming organismo tulad ng bacteria at fungi ang madalas na sanhi ng mabilis na (a) ng prutas at gulay na inilalagay natin sa mga kaing o sa mga lalagyan.
25. Iimbak o ilagay sa isang malamig at (a) na lugar ang mga inananing gulay upang mapanatiling maayos ang kondisyon ng mga ito.
