wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 8-SANHI AT BUNGA

Total questions: 46

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Kumakain ako ng gulay araw-araw kaya ako ay malakas.

a)

sanhi

b)

bunga

2.

Mataas ang aking mga iskor kasi nakikinig ako palagi sa aking mga guro.

a)

sanhi

b)

bunga

3.

Maaga akong natutulog sa gabi kaya nakakapasok din ako nang maaga sa klase.

a)

sanhi

b)

bunga

4.

Madali kong mahanap ang aking mga gamit dahil inaayos ko ito palagi.

a)

sanhi

b)

bunga

5.

Maraming langgam sa mesa kasi naiwang bukas ang mga tsokolate.

a)

sanhi

b)

bunga

6.

Ang sarap ng luto ni Tatay kaya marami akong nakain na gulay.

a)

sanhi

b)

bunga

7.

Tayo ay ligtas at walang sakit kasi sumusunod tayo sa Stay at Home na utos ng gobyerno.

a)

sanhi

b)

bunga

8.

Madilim ang ulap kaya malakas ang ulan kanina.

a)

sanhi

b)

bunga

9.

Hindi ako palaging nagsesepilyo kaya nabulok ang aking ngipin.

a)

sanhi

b)

bunga

10.

Mabilis na akong magbasa sa Filipino kasi palagi akong nagsasanay magbasa ng Buribooks.

a)

sanhi

b)

bunga

11.

Ibigay ang sanhi:

Ang isang bayani ay hinahangaan ___________________.

a)

sapagkat ito ay handang tumulong samga inaapi.

b)

kaya siya sikat, lalo na sa mga bata.

c)

kung kaya marami ang umaasang darating siya.

d)

kasi nakakaaya ang kanilang pisikal na anyo.

12.

Ibigay ang sanhi:

Inutusan ng hari ang kapatid na prinsipe upang labanan ang mga halimaw ________________________.

a)

kaya namatay ang prinsipe sa pakikipaglaban.

b)

dahil nangangailangan ng tulong ang mga tao.

c)

tuloy napatay niya ang tatlong halimaw.

d)

kaya naman mabilis na sumunod ang kapatid na prinsipe.

13.

Ibigay ang sanhi:

Sinundan ni hari Indarapatra ang kapatid na prinsipe __________________

a)

bunga nito siya ang nakapatay sa pang-apat na halimaw na.

b)

dahil ang pagkalanta ng halaman ay tanda ng pagkasawi ng kapatid.

c)

kaya nakita niya ang bangkay nitong nadaganan ng ibon na si Pah.

d)

palibhasa alam niyang hindi kakayanin ng kapatid ang makipaglaban sa mga halimaw

14.

Ibigay ang bunga:

Dumating ang apat na halimaw na kumakain ng tao sa pulo ng Mindanao ______________________________.

a)

dahil ang lugar na ito ay pawang kabundukan na tirahan ng maraming tao.

b)

sapagkat maraming tao ang maaari nilang kainin.

c)

kaya naman walang makikitang tao sa paligid.

d)

palibhasa ang pulo ay sagana sa likas na yaman.

15.

Ibigay ang bunga:

Nabuhay muli si prinsipe Sulayman _____________________________.

a)

kaya naman pinauwi na siya ng haring Indarapatra.

b)

palibhasa ay may kapangyarihan ang hari.

c)

dahil sa bisa ng iwnisik na tubig ni Indarapatra.

d)

tuloy si Indarapatra ang sumunod na nasawi.

16.

Ibigay ang bunga:

Nakita ng haring Indarapatra ang bangkay ng kapatid na Sulayman nadaganan ng ibon ___________________________.

a)

kasi sinundan niya ito nang makitang nalanta ang halaman.

b)

palibhasa'y matalas ang mga mata nito.

c)

kaya labis ang pagtangis nito sa pagkamatay ng kapatid.

d)

sapagkat ikinamatay nito ang bigat ng pakpak ng halimaw na ibon.

17.

Madaling magkamali sapagkat tayo'y tao lamang.


Ang may salungguhit ay hudyat ng

a)

sanhi

b)

bunga

18.

Araw-araw niyang dinidiligan ang kanyang pananim kung kaya tumubo ang mga ito ng malusog.

Ang may salungguhit ay hudyat ng _____

a)

sanhi

b)

bunga

19.

Lumaking mabait na bata si Raj palibhasa'y puno siya ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang.


Ang may slungguhit ay hudyat ng ___

a)

sanhi

b)

bunga

20.

Mabilis na nagtakbuhan ang mga bata dahil akala nila'y may multo.


Ang may salungguhit ay hudyat ng ____

a)

sanhi

b)

bunga

21.

Hindi agad siya nagpalit ng bagong kamiseta pagkatapos maulanan tuloy nagkasakit siya kinabukasan.


Ang may salungguhit ay hudyat ng ____

a)

sanhi

b)

bunga

22.

Nag-aral siya ng maigi ng kanyang mga leksyon kaya malaki ang nakuha niyang marka sa mga pagsusulit.


Ang may salungguhit ay hudyat ng ____

a)

sanhi

b)

bunga

23.

Maraming tao ang natutuwa kay Eunwoo kasi siya'y mabait at mapitagang tao.


Ang may salungguhit ay hudyat ng ____

a)

sanhi

b)

bunga

24.

Maraming nanonood ng kdrama na "True Beauty" kaya naman lalong mas nagiging sikat si Cha Eunwoo.


Ang may salungguhit ay hudyat ng ___

a)

sanhi

b)

bunga

25.

Binilhan si Sanha ng bagong cellphone pagkat nasira ang dati niyang ginagamit.


Ang may salungguhit ay hudyat ng ____

a)

sanhi

b)

bunga

26.

Paalis na sana sila nang biglang dumating ang kanilang mga iniintay.


Ang may salungguhit ay hudyat ng ___

a)

sanhi

b)

bunga

27.

Natatawa ang bata dahil naduling ang unggoy. Natatawa ang bata ay...

a)

Sanhi

b)

Bunga

28.

Tumahol ang aso kaya nagulat ang magnanakaw. Tumahol ang aso ay...

a)

Sanhi

b)

Bunga

29.

Sapagkat nahirapan kang tumakbo, mag-ehersisyo ka araw-araw. Mag-ehersisyo araw-araw ay...

a)

Bunga

b)

Sanhi

30.

Kailangan akong pumunta sa paaralan dahil may gagawin kaming proyekto. May gagawin kaming proyekto ay...

a)

Sanhi

b)

Bunga

31.

Masaya ako dahil magkakasama kami ngayon. Ang masaya ako ay...

a)

Sanhi

b)

Bunga

32.

Dahil sa kaliksihan, nanalo si Roan sa laro. Nanalo si Roan sa laro ay...

a)

Bunga

b)

Sanhi

33.

Maraming gumagaling sa sakit dahil sa tiyaga ng mga frontliners. Ang maraming gumaling sa sakit ay isang Bunga.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Si Hannah at Hans ay hindi naiinip kaya masaya ang kanyang mga magulang. Si Hannah at Hans ay hindi naiinip ay isang Bunga?

a)

Tama

b)

Mali

35.

Humingi tayo ng tawad sa ating mga kasalanan at patatawarin tayo ng Diyos. Patatawarin tayo ng Diyos ay...

a)

Sanhi

b)

Bunga

36.

Dahil sa Quarantine marami ang nanumbalik ang pananampalataya sa Diyos. Dahil sa Quarantine ay...

a)

Bunga

b)

Sanhi

37.

Piliin ang sanhi sa mga sumusunod na pangungusap:


A. Ang mga mamamayan ay nakinig sa pamahalaan

B. kaya't napigilan ang paglaganap ng sakit.

a)

A

b)

B

38.

Piliin ang sanhi sa mga sumusunod na pangungusap:


A. natuwa ang mga pinuno ng barangay

B. hindi lumabas ng mga bahay-bahay ang mga tao

a)

A

b)

B

39.

Piliin ang sanhi sa mga sumusunod na pangungusap:


A. dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID

B. ipinasya ng pamahalaaan na sumailalim ng kwarantin ang iba't ibang lugar

a)

A

b)

B

40.

Piliin ang sanhi sa mga sumusunod na pangungusap:


A. nagpasya ang kinauukulan na manghuli na ng mga lumalabag sa batas

B. hindi na mapigilan ang mga tao sa paglabas ng bahay

a)

A

b)

B

41.

Piliin ang sanhi sa mga sumusunod na pangungusap:


A. maraming doktor ang tumugon sa panawagan

B. labis ang pasasalamat ng gobyerno

a)

A

b)

B

42.

Piliin ang sanhi sa mga sumusunod na pangungusap:


A. maraming mamamayan ang tumulong at nagbigay-inspirasyon sa kanila

B. sa labis na dedikasyon ng mga frontliners

a)

A

b)

B

43.

Piliin ang sanhi sa mga sumusunod na pangungusap:


A. naalerto ang mga kinauukulan upang gumawa ng mga hakbang

B. labis ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit

a)

A

b)

B

44.

Piliin ang sanhi sa mga sumusunod na pangungusap:


A. tila matatagalan pa ang ganitong situwasyon

B. mas naghahanda pa ang mga mamamayan sa mga posibleng mangyari

a)

A

b)

B

45.

Piliin ang sanhi sa mga sumusunod na pangungusap:


A. maraming mamamayan ang hindi nawawalan ng pag-asang matatatapos din ito

B. patuloy na tumutuklas ang larangan ng agham at medisina ng lunas

a)

A

b)

B

46.

Piliin ang sanhi sa mga sumusunod na pangungusap:


A. sa labis na pagmamahal ng Diyos sa tao

B. ang laht ng ating nararanasan ay may mabuting ibubunga

a)

A

b)

B