WorksheetsAP Q1 M7
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
1. Tuwing tag-ulan, ang temperatura ay ________.
A. mainit
B. mainit-init
C. malamig
2. Ang _____ay may kaugnayan sa temperature at pag-ulan.
A. panahon
B. tag-init
C. tag-ulan
3 ___________________ang temperatura tuwing tag-init,
A. Mainit
B. Malamig
C. Malamig-lamig
4. Mula buwan ng Nobyembre hanggang Abril ay panahon
ng __________.
A. pagbagyo
B. tag-init
C. tag-ulan
5. May iba’t ibang _______________ na nararanasan ang ating komunidad tulad ng baha, bagyo, sunog, lindol at
pagsabog na bulkan na nakakaapekto sa mga kabuhayan
ng mga tao.
A. kalamidad
B. panahon
C. temperatura
6. Kung tag-ulan, ang komunidad nina Alyssa ay palaging bumabaha. Ano ang maaari nilang gawin?
A.Linisin ang mga kanal at estero
B. Ipagbigay alam sa pamahalaan
C.Pabayaan na umagos ang tubig
D.Paalisin ang mga tao sa komunidad
7. Kung tag-ulan, nagtitinda ng sopas at mainit na pagkain si Aling Coring. Kung tag-init naman ay halo-halo at scramble. Alin ang wastong paglalahat?
A.Iba-iba ang mga hanapbuhay ng mga tao sa komunidad.
B. Pare-pareho ang mga gawain ng mga tao sa kanilang komunidad.
C.Ang uri ng hanapbuhay ay iniaangkop ng mga tao sa uri ng panahon.
D.Maraming hanapbuhay ang maaaring gawin kung tag-ulan.
8. Iniaangkop ng mga tao ang kanilang kasuotan kapag tag-ulan sa kanilang komunidad. Alin ang angkop na kasuotan?
A.maninipis na damit
B. makakapal na damit
C.payong, kapote at bota
D.payong, dyaket, kapote at bota
9. Ibinabagay ng mga tao ang kanilang kasuotan kapag tag-init. Alin ang dapat nilang isuot?
A.kapote
B. sando at shorts
C.makapal na damit
D.maninipis na blusa
10. Tuwing tag-ulan, bumabaha sa inyong komunidad. Ano ang maaari mong imungkahing gawin?
A.Iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga kanal at estero
B. Maging alerto sa mga nagaganap sa paligid
C.Huwag lumabas ng bahay
D.Unahing iligtas ang sarili
