NEW
Font size
WorksheetsQ2-F7-WK2
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
Anong uri ng awiting-bayan ang tungkol sa pagpapatulog ng bata?
a. Diona
b. Suliranin
c. Oyayi
d. Dung-aw
Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang hindi awiting-bayan?
a. Bugtong
b. kalusan
c. Dalit
d. Kumintang
Ano ang tawag sa bersiyon ng mga awit ng pag-ibig sa mga tagalog?
a. Kundiman
b. Balitaw
c. Sambotani
d. Talindaw
Ano ang karaniwang paksa ng mga awiting-bayan?
a.
Pakikipagsapalaran ng mga mamamayan sa isang pook.
b. Pang-araw-araw na buhay ng mga tao sa isang bayan.
c. Kasawian sa buhay ng mga tao.
d. Pananampalataya ng mga tao.
Bigyan ng sariling paghahatol o pagmamatuwid ang ideya sa awiting-bayang Lawiswis Kawayan "Ang dalaga naman ay biglang umiyak, luha ay tumulo sa dibdib pumatak. Binata'y naawa lumuhod kaagad. Nagmakaamo at humingi ng patawad".
a. Pagpapahayag ng pagpapatawad sa pamamagitan ng pag-awit.
b. Idinadaan ng mga taga-Bisaya sa pagkanta at pagharana.
c. Paghingi ng tawad at pagpapatawad ay tanda ng wagas na pag-ibig ng nagmamahalan.
d. Inaalayan ang kasintahan nang maaring ibigay upang ito'y masiyahan.
"Si Pilemon. si Pilemon, nangisda sa karagatan,
nakahuli, nakahuli ng isdang Tambasakan"
Batay sa linya ng awiting-bayan na sumasalamin sa buhay ng mga taga-Bisaya, Ano ang nais iparating nito?
a. Isa sa pangunahing kabuhayan sa Bisaya ang pangingisda.
b. Pamimingwit ng isda ang libangan ng mga taga Bisaya.
c. Mahirap ang buhay ng mga taga Bisaya.
d. Sagana sa isda ang karagatang malapit sa Bisaya.
"PInagbili, pinagbili, sa isang munting palengke
ang kaniyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan , pinambili ng tuba"
Ano ang wastong paghatol sa isinasaad ng linya ng awiting-bayan?
a. Nagnenegosyo ng tuba ang tauhan.
b. Masarap uminom ng tuba ang tauhan.
c. Ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba
d. Pampalakas ng katawan ang tuba
Dandansoy, iiwan na kita, babalik na ako sa Payaw.
Kung sakaling ika'y mangulila .
Sa Payaw ikaw ay tumanaw.
Nangangahulugan ang siniping linya ng awiting-bayan na....
a. Ibig balikan ang lugar na iniwan.
b. Kinalimutan na ang dating buhay.
c. Pinaglalapit ng isang awit ang dalawang nagmamahalan.
d. Napakahirap sa kalooban ang paghihiwalay ng dalawang nagmamahalan.
Piliin ang pahayag na mas matimbang na nakatutulong sa pagbuo ng paghatol o pagmamatuwid.
a. Mas madaling maintindihan ang bagay na dapat isaalang-alang.
b. Pagbibigay kaalaman hinggil sa ideyang nais ipabatid ng may-akda.
c. Mabibigyan ka ng pagkakataong makabuo ng iyong pagpapasya sa kabisaan ng akda.
d. Higit mong mabibigyang linaw ang mahahalagang detalyeng ipinahihiwatig ng akdang binasa.
Ano ang tawag sa isang genre ng panitikang Pilipino na nasa anyong patula na inaawit, naging popular bago dumating ang Espanyol?
a. Mito
b. Alamat
c. bulong
d. Awiting-bayan
