WorksheetsSUBUKIN-URI NG PANGHALIP
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
1. Si Ginoong Harry Roque ang bagong itinalagang tagapagsalita ni Pangulong Duterte. _______ ang nagbibigay ng pahayag sa mamamayan na may kinalaman sa kalagayan ng bansa.
A. SIYA
B. TAYO
C. AKO
D. IKAW
2. Isa sa binibigyan niya ng pansin ay ang pagbibigay impormasyon tungkol sa COVID-19. Sinabi niyang, ________ ang pangangailangan ng mga mamamayan, ay gagawan ng paraan ng pamahalaan.
A. GAANOMAN
B. KAILANMAN
C. SINOMAN
D. ANOMAN
3. Isa sa prayoridad ng pamahalaan ay mapagkalooban ng ayuda ang _______ ng mahihirap.
A. kanila
B. alinman
C. lahat
D. anoman
4. ________ ang naapektuhan sa nangyayaring krisis sa ating bansa?
A. Ano
B. Kailan
C. Sino
D. Paano
5. Ayon sa ulat, matindi ang naging epekto nitong pandemya sa _______ ekonomiya.
A. aking
B. ating
C. aming
D. kaniyang
Muling naipakita ng mga Pilipino ang katatagan ng loob sa gitna ng pagsubok. Ang pagtutulungan ng _______ ay sagisag ng nagkakaisang puso at isip ng bawat mamamayan ng bansa.
A. lahat
B. bawat
C. anoman
D. ninoman
7. Maraming bansa ang naapektuhan ng pandemyang ito. Subalit, mayroon pa rin namang tumulong sa Pilipinas upang mapunuan ang _______ mga kakulangan sa kagamitang pang-medikal. Anong panghalip ang dapat ipuno sa puwang?
A. aming
B. ating
C. itong
D. mong
8. Ang mga artista at mga ordinaryong tao naman ay nagsagawa rin ng _______ paraan ng pagtulong tulad ng pagbibigay ng mga donasyon at relief goods.
A. kani-kanilang
B. kanilang
C. nilang
D. silang
9. Ang pagtulong sa mga nangangailangan, ________ ay mananatiling nasa puso ng bawat Pilipino.
A. anoman
B. sinoman
C. kailanman
D. gaanoman
10. ________ mahalaga ang pagsunod sa umiiral na batas laban sa COVID-19?
A. Ilan
B. Sino
C. Saan
D. Bakit
