wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

1st Quarterly Examination in Araling Panlipunan 4

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang pinakamalawak at pinakamalaking bansa sa buong mundo na may sukat na 17.08 milyon kilometro kuwadrado.

a)

America

b)

Russia

c)

Philippines

d)

China

2.

Ito ang kabuuang sukat ng Pilipinas.

a)

200 000 km2

b)

300 000 km2

c)

400 000 km2

d)

500 000 km2

3.

Ito ang pinakamaliit na bansa sa buong munda na may sukat lamang na 0.44 kilometro kwadrado.

a)

Vatican City

b)

Monaco

c)

Nauru

d)

Tuvalu

4.

Ang tawag sa mga bansang napaligiran ng kalupaan at walang anyong tubig sa hangganan nito.

a)

arkipelago

b)

island countries

c)

landlocked countries

d)

tangway

5.

Ito ay mga bansang binubuo lamang ng isang isla at napapalibutan ng anyong tubig ang sakot nitong lupain.

a)

arkipelago

b)

island countries

c)

landlocked countries

d)

tangway

6.

Ito ay mga lupain at mga anyong tubig na nakapaloob sa hangganan ng bansa ay kabilang sa teritoryo nito.

a)

teritoryo

b)

mamamayan

c)

pamahalaan

d)

soberanya

7.

Ito ay kapangyarihan ng estado na maging malaya sa kontrol ng dayuhan.

a)

teritoryo

b)

mamamayan

c)

pamahalaan

d)

soberanya

8.

Ito ay tumutukoy sa mga taong naninirahan sa isang estado

a)

teritoryo

b)

mamamayan

c)

pamahalaan

d)

soberanya

9.

Ito ay kulay ng watawat ng Pilipinas na nangangahulugan ng pagkakapantay-pantay at kapatiran ng mga Pilipino.

a)

puti

b)

asul

c)

dilaw

d)

pula

10.

Ito ay kulay ng watawat ng Pilipinas na nangangahulugan ng kapayapaan, katotohanan, at katarungan.

a)

puti

b)

asul

c)

dilaw

d)

pula

11.

Ito ay sumisimbolo sa mga pangunahing pangkat ng mga pulo ng Pilipinas, ang Luzon, Visayas at Mindanao.

a)

araw

b)

tatsulok

c)

bituin

d)

watawat

12.

Ito ay sumisimbolo sa mga unang pook ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila tulad ng Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Maynila, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.

a)

araw

b)

tatsulok

c)

bituin

d)

watawat

13.

Sino ang sumulat sa himig ng Lupang Hinirang?

a)

Marcella Agoncillo

b)

Lorenza Agoncillo

c)

Julian Felipe

d)

Delfina Herbosa Natividad

14.

Ito ang orihinal na pamagat ng pambansang awit ng Pilipinas.

a)

Lupang Hinirang

b)

Marcha Filipina Magdalo

c)

Bayang Magiliw

d)

Marcha Nacional Filipina

15.

Ito ay isang martsa na pwang tugtog lamang ng instrumento ang maririnig.

a)

Lupang Hinirang

b)

Marcha Filipina Magdalo

c)

Bayang Magiliw

d)

Marcha Nacional Filipina

16.

Ito ay hugis bilog at matatagpuan sa gitna nito ang eskudo ng Pilipinas.

a)

pambansang selyo

b)

eskudo

c)

agila

d)

leon

17.

Ito ang tawag sa patag na representasyon ng kalupaan at katubigan sa ibabaw ng mundo.

a)

lokasyon

b)

globo

c)

mapa

d)

direksyon

18.

Ito ay ang kinalalagyan ng isang lugar batay sa katabi nitong lugar.

a)

direksyon

b)

relatibong lokasyon

c)

bisinal

d)

relatibong lokasyong continental

19.

Ito ay matatagpuan sa Timog-Kanlurang bahagi ng Pilipinas.

a)

Taiwan Bashi Channel

b)

Karagatang Pasipiko

c)

Borneo

d)

Vietnam

20.

Ito ay matatagpuan sa Timog na bahagi ng Pilipinas.

a)

Indonesia

b)

Taiwan

c)

Vietnam

d)

Isla ng Palau

21.

Ito ang paglalarawan sa lugar sa pamamagitan ng mga nakapaligid na anyong tubig nito.

a)

direksyon

b)

relatibong lokasyon

c)

bisinal

d)

relatibong lokasyong maritime

22.

Ito ay bahagi ng mapa na nagpapakita ng ratio o relasyon ng aktuwal na distansiya at ng panukat na ginamit sa pagguhit ng mapa.

a)

longhitud

b)

latitud

c)

direksyon

d)

eskala

23.

Ito ay likhang guhit na pahalang.

a)

longhitud

b)

latitud

c)

direksyon

d)

eskala

24.

Ito ay ang gitnang guhit na pahalang na humahati sa globo sa hilaga at timog na bahagi.

a)

latitud

b)

ekwador

c)

longhitud

d)

eskala

25.

Ang pinakamalaking kontinente sa mundo na may sukat na 44579000 km2.

a)

Antartika

b)

Aprika

c)

Asya

d)

Amerika

26.

Ito ay isang representasyon ng kalupaan at katubigan sa ibabaw ng mundo.

a)

mapa

b)

globo

c)

direksyon

d)

lokasyon

27.

Ito ay nasa 66.5 degrees hilagang latitud mula sa ekwador.

a)

Kabilugang Artiko

b)

Tropiko ng Cancer

c)

Tropiko ng Capricorn

d)

Kabilugang Antartiko

28.

Ito ay nasa 23.5 degrees timog latitud mula sa ekwador.

a)

Kabilugang Artiko

b)

Tropiko ng Cancer

c)

Tropiko ng Capricorn

d)

Kabilugang Antartiko

29.

Ilan ang lalawigan na bumubuo sa bansang Pilipinas?

a)

80

b)

81

c)

82

d)

83

30.

Ito ay tawag sa sa matagal na kalagayan ng panahon sa isang lugar.

a)

taglamig

b)

tag-init

c)

panahon

d)

klima

31.

Ito ay panandaliang lagay ng atmospera na umiiral sa isang lugar at maaaring magbago sa bawat oras o araw.

a)

taglamig

b)

tag-init

c)

panahon

d)

klima

32.

Ito ang panahon ng tag-ulan sa Pilipinas.

a)

Hunyo hanggang Nobyembre

b)

Disyembre

c)

Enero hanggang Hunyo

d)

Marso

33.

Ito ay tawag sa klima sa mga bansang nasa mataas na latitud.

a)

polar

b)

tagniyebe

c)

winter

d)

summer

34.

Ito ay pandaigdigang krisis na labis na nakaaapekto sa kalikasan.

a)

bagyo

b)

lindol

c)

climate change

d)

baha

35.

Ito ay mataas at matarik na anyong lupa; kadalasang sumasaklaw sa malawak na lugar.

a)

bundok

b)

bulubundukin

c)

burol

d)

bulkan

36.

Ito ay anyong lupa na pakurba ang hugis; hindi gaanong mataas at matarik

a)

bundok

b)

bulubundukin

c)

burol

d)

bulkan

37.

Ito ay anyong lupa na patag at nasa pagitan ng dalawang mas mataas na anyong lupa, gaya ng bundok.

a)

talampas

b)

lambak

c)

tangway

d)

pulo

38.

Ito ay maaaring mataas o mababa na anyong lupa na my siwang o butas sa tuktok na naglalabas ng mainit na materyal mula sa ilalim ng lupa.

a)

bundok

b)

bulubundukin

c)

burol

d)

bulkan

39.

Ito ay pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig; maalat ang tubig nito.

a)

dagat

b)

ilog

c)

karagatan

d)

golpo

40.

Ito ay mas maliit na anyong tubig na napapalibutan ng anyong lupa sa tatlong panig.

a)

look

b)

golpo

c)

kipot

d)

channel

41.

Ito ay mahaba at makipot na anyong tubig sa kalupaan ; may tubig-tabang na dumadaloy patungo sa lawa, look at dagat.

a)

ilog

b)

channel

c)

bukal

d)

lawa

42.

Ito ay anyong tubig na bumabagsak mula sa dalisdis o mataas na anyong lupa.

a)

lawa

b)

bukal

c)

talon

d)

ilog

43.

Ito ay rehiyon na matatagpuan sa gitnang bahagi ng pulo ng Luzon.

a)

Ilocos

b)

Cagayan Valley

c)

Central Luzon

d)

CALABARZON

44.

Ito ay patag na lupain na tanging mataas na lupa ay ang lambak ng Marikina.

a)

Cordillera Administrative Region

b)

MIMAROPA

c)

National Capital Region

d)

CALABARZON

45.

Ito ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Mindanao.

a)

Davao

b)

SOCCSKSARGEN

c)

Northern Mindanao

d)

Zamboanga Peninsula

46.

Ito ay matatagpuan sa Palawan na tinaguriang Seven Wonders of Nature.

a)

Puerto Princesa Subterranean River

b)

Hinatuan Enchanted River

c)

Aliwagwag Falls

d)

Pink Island

47.

Ito ay tinaguriang Best Island in the World.

a)

Puerto Azul

b)

Boracay

c)

White Island

d)

Kalanggaman Island

48.

Ito ay sentro ng saribuhay sa dagat at may sukay na anim na milyong km2 na nakakasakop sa Malaysia, Pilipinas, Indonesia, Timor Leste, Papua Ne Guinea at mga Isla ng Solomon.

a)

Pacific Ring of Fire

b)

typhoon belt

c)

fault line

d)

Coral Triangle

49.

Ito ang ruta ng mga bagyo na namumuo sa Karagatang Pasipiko.

a)

Pacific Ring of Fire

b)

typhoon belt

c)

fault line

d)

Coral Triangle

50.

Ang bilang ng mga aktibong bulkan sa Pilipinas.

a)

22

b)

355

c)

5

d)

20