WorksheetsMAHABANG PAGSUSULIT FILIPINO 7 (Q1)
Total questions: 20
Worksheet time: 5hrs 46mins
. Ang pabula ay kuwento ng mga ________________ ?
Dakilang hayop
Karaniwang hayop
Dakilang tao
Karaniwang tao
Nagkaroon ng ECQ ng mahigit dalawang buwan sa ilang lugar. Ang nabanggit na pahayag ay halimbawa ng isang ____________
Sanhi
Bunga
Sanhi/Bunga
Bunga/Sanhi
Ito ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang kasangkapan upang ang kahirapan ay masolusyonan.
Edukasyon
Katalinuhan
Materyal na bagay
Kayamanan
Isa sa napakahalagang kasanayang dapat malinang sa isang mag-aaral upang ang kakayahang umunawa ay mapalawak.
Bumasa
Makipag-usap
Sumulat
Kumuwenta
Sa kabila ng pandemya, maraming mag-aaral ang nagsikap nang mabuti sa pag-aaral kaya matataas ang markang kanilang nakuha. Aling salita ang halimbawa ng pangatnig?
Sa kabila
Kaya
nang
Kanilang
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng pagkamatotohanan?
Maraming mamamayan ang nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.
Libo-libong mamamayan ang nawalan ng trabaho dulot ng pandemya
Ayon sa balita, maraming mamamayan ang nawalan ng trabaho dulot ng pandemya
Ayon sa DOLE, mahigit 118,000 ang nawalan ng trabaho dulot ng pandemya
Gaano man kahirap ang sitwasyon sa ngayon, ang pangarap ay maaabot kung determinado ang isang taong kamtin ito sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiyaga. Anong bahagi ng pananalita ang salitang may salungguhit? A. Pang-abay B. Pang-angkop C. Pangatnig D. Panghalip
Pang-abay
Pang-angkop
Pang-ukol
Pangatnig
Nais ni Angel na makapangalap ng mga impormasyon kaugnay sa kaniyang gagawing travel brochure bago niya ito gawin upang maging maganda ang magiging kalalabasan nito. Ano ang nararapat gawin ni Angel sa pagkakataong ito? 1. Magtanong 2. Magsaliksik 3. Basahin ng paulit-ulit 4. Manood sa Youtube
123
124
134
234
. Sa pahayag na, ““May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat.” Ano ang mahihinuhang kalagayang panlipunan ang nais ipahiwatig ng pahayag?
Mayaman ang lugar
Maraming likas na yaman sa dagat
Pangingisda ang ikinabubuhay ng mga tao
May itinatagong kayamanan na kailangang hanapin pa
Sa pahayag na, “Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at sagana ang mga taga-Kutang-bato. Mahigpit niyang ipinasunod ang mga batas, at ang sinomang lumabag sa ipinag-uutos niya ay pinarurusahan. Kabilang sa patakarang mahigpit na ipinatutupad ng reyna ay ang paggalang, paggawa, at katapatan ng kaniyang mga tauhan”. Ano ang mahihinuhang kaugalian o kalagayang panlipunan ang inilahad sa pahayag? Sipi mula sa akdang “Ang Reynang Matapat”
Tapat na mamamayan
Mapayapang mamamayan
Masunuring mamamayan
Mapagkakatiwalaang mamamayan
Ang pag-aaral nang mabuti ay ____________ magiging daan tungo sa tagumpay na inaasam. Anong salita o pahayag sa pagbibigay ng mga patunay ang pinakaangkop na ipuno sa patlang?
Tunay
Sadyang
Totoong
sa katunayan
“Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo, napakarami!” ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo. Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya’y niloko lamang ng lobo. “Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo. “Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing. “Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano natin gagawin iyon.” “Papaano?” Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, saka kita hahatakin palabas,” pangako nito. “Sige,” ang sabi naman ng kambing. Ano ang mahihinuhang kalalabasan ng pangyayari sa siping akda? Halaw mula sa pabulang “Ang Lobo at ang Kambing”- https://pinoycollection.com/
A. mamatay parehas ang lobo at kambing
B. hindi makaaahon ang lobo dahil mabigat siya
C. hindi nakaahon ang lobo kaya mamamatay silang dalawa
D. makaaahon ang lobo ngunit hindi niya tutulungan ang kambin
Hayop na nagsasalita ang tauhan ng pabula. Ano ang mahihinuhang kalalabasan nito sakaling tao mismo ang gagamiting tauhan?
walang aral na mapupulot
hindi ito bababsahin ng mga bata
mawawalan ng panghihikayat
mas magiging makabuluhan ang aral na mapupulot
Sa sitwasyong “Nakita mong kinukuha ng matalik mong kaibigan ang pera ng iyong kaklase. Sinabihan ka niyang huwag kang magsusumbong dahil hahatian ka.” Ano ang maaaring bunga o epekto ng pangyayaring ito?
Bunga nito lalaki siyang sinungaling
Nangyari unti-unti na akong iniwasan
mkokosensya at ibabalik ang pera
Bunga nito hindi na niya itutuloy ang kanyang balak
Sa pahayag na “Dahil sadyang wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal, pinakasalan niya ang dalawang dalaga”. Aling pahayag ang nagamit nang wasto ang pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga batay sa pahayag?
B. Sapagkat higit niyang mahal ang isa, hindi siya nagpakasal
A. Sapagkat mahal niya silang pareho, pinakasalan niya sila
C. Sapagkat wala siyang gustong saktan, pinakasalan niya sila
D. Sapagkat nagmamahal siya, nagpakasal siya
Sa pahayag na, “Nararapat na matutong magsuri ang mga mag-aaral ng mga dokyumentaryo upang malinang ang kanilang kakayahan sa kritikal na pagiisip”. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito? Ang dokyumentaryo ay ______
A. mabisa para sa mga mag-aaral.
B. nakalilinang ng kritikal na kaisipan.
C. mabisang pag-aralan upang matuto.
D. isang paraan upang matuto ang mga mag-aaral.
Upang mahikayat at maging interesado ang turista kailangang ang travel brochure sa una pa lang ay ________________________.
A. mamahalin ang pagkakagawa
B. nakapupukaw na ng atensyon
C. pang mayaman ang dating sa tao
D. taglay ang magandang larawan
Sa pangungusap na, “Ang magkakapatid ay pinagkatiwalaan ng mga tao ___________ sila ay mahusay mamuno.” Ano angkop na pangatnig ang ipupuno upang mahuo ang diwa ng pangungusap?
Sapagkat
Ngunit
Bagamat
Subalit
Isa sa napakahalagang dapat ilagay sa travel brochure upang mas mahikayat ang buong pamilyang puntahan ang isang lugar ay __________________.
A. pagkakaroon ng outdoor activities
B. artistang maaaring makita sa lugar
C. mababang presyo ngunit classy
D.malapit sa mall
Ang kuwentong-bayan ay naglalahad ng__________sa isang partikular na lugar?
Kalagayan
Karunungan
Kaugalian
Kultura
