Font size
WorksheetsIDYOMA
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ang bunsong anak nina Mang Julio at Aling Marta ay bituin sa kanilang paningin.
Paborito
Ayaw na ayaw
Kulang sa pansin
Hindi pinapansin
Hindi naawa si Jonas sa kaniyang kalarong umiiyak. Siya ay may pusong bato.
Madaling maawa
Masungit
Hindi maawain
Mahilig magpaiyak
Nang umiyak ang kanyang anak, halos madurog ang pusong mamon ng kanyang ina.
Malambot ang pagkain.
Matigas ang puso
Maawain
Walang patawad
Nagkukunwari lamang na mabait ang matandang mayaman. Balat-kayo ang kabaitan na kanyang ipinakikita.
Hindi totoo
Totoong-totoo
Balat ng matanda
Matandang mayaman
Sanay sa hirap si Nilo. Siya ay batang anak-pawis.
Mahirap
Mayaman
Amoy pawis
Mabango
Siya ang ilaw na aming tahanan.
Ama
Lola
Ina
Lolo
7. Dahil sa pandemiya, marami ang nawalan ng trabaho. Karamihan sa mga Pilipino ay nabutas ang bulsa.
A. Walang pera
B. Mayroong Pera
C. Nagtitina
D. Mayaman
Sa panahon ng pandemiya, marami ang mga taong tumulong sa kanilang kapwa. Sila ay bukas-palad.
Mapanghusga
Matulungin
Malinis
Matatakutin
Busilak ang puso ni Maria dahil sa pagtulong niya ngayong pandemiya.
Malinis ang kalooban
Madamot
Magalitin
Palakaibigan
Ang magkasintahang sina Ben at Mel ay mag-iisang dibdib na sa susunod na lingo.
Magkakaarawan
Magbibinyag
Magpipista
Ikakasal
