NEW
Font size
WorksheetsA.P. 9 EKONOMIKS - LIVE QUIZ
Total questions: 15
Worksheet time: 11mins
Ito ang pag-aaral ng mga kilos at pagsisikap ng mga tao at ang mga pamamaraan ng paggamit nila ng mga limitadong yaman ng bansa upang matugunan ang tila walang katapusang pangangailangan sa buhay.
Demograpiya
Ekonomiks
Kasaysayan
Sosyolohiya
Ang produksiyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang-pansin ng pamahalaan. Ito ay may kinalaman sa:
paggamit ng mga produkto at serbisyo.
paglikha ng mga produkto at serbisyo.
paglinang ng likas na yaman.
pamamahagi ng pinagkukunang- yaman.
Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng Ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa Ekonomiks?
Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomik sa na magagamit sa kolehiyo
Makakatulong ang mga konseptong malalaman upang maging kritiko ng pamahalaan
Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos at mga siyentipikong pamamaraang makakatulong upang maging matalino sa pagpapasya
Makakatulong upang makapagturo ng Ekonomiks sa hinaharap.
Tawag sa paglalaan, pagtatakda, at pamamahagi ng mga pinagkukunan upang magawa ang mga produktong tutugon sa kagustuhan ng mga tao.
alokasyon
distribusyon
pagpapalitan
pagkonsumo
Sa Market economy, sino ang nagpapasya kung paano sasagutin ang tatlong batayang katanungang pang-ekonomiko?
tradisyon
pamilihan
gobyerno
negosyante
Isa ito sa pinkamahalagang salik sa produksyon na kung saan ito ang pinanggagalingan ng lakas ng talino. Anong salik ito?
Lupa
Puhunan
Enretprenyur
Paggawa
Ang yamang likas, yamang tao at yamang pisikal/kapital ay bumubuo ng pinagkukunang yaman ng bansa. Ito rin ay tinatawag ng mga ekonomista bilang
Salik ng Paggawa
Salik ng Produksiyon
Proseso ng Produksyon
Paglikha ng Kalakal
Kung ang produksiyon ay tumutukoy sa paglikha ng kalakal at serbisyo. Ito naman ay tumutukoy sa paggamit at pakinabang ng mamimili sa produkto at serbisyo.
distribusyon
pagpapalitan
pagkonsumo
pagbili
Alin ang higit na nakakatulong ng tamang pag-aanunsyo at impormasyon sa mga mamimili?
Nagugustuhan nang mabilis ng mga konsyumer ang produkto kahit hindi pa nila nagagamit.
Nakakabisado ng mga mamimili ang jingle at mga script sa komersyal dahil sa paulit-ulit na pag-aanunsyo
Nagkakaroon ng ideya ang mamimili tungkol sa kalidad, bisa at husay ng binibiling produkto.
Nakakabawas sa pagtitiwala ng mga konsyumer sa nasabing produkto.
Ito ang batas na tumutukoy sa kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili.
Republic Act 7394
Republic Act 7610
Producer Act
Good and Services Act
Ahensya ng pamahalaan na nagkakaloob ng lisensya sa mga namumuhunan upang matiyak na garantisado ang kalidad ng produkto at serbisyong ipinagkaloob ng mamimili
FDA
DTI
DOH
DepEd
Alin sa sumusunod ang pinaka angkop na kahulugan ng Ekonomiks?
Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon.
Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
Kailan masasabing matalino kang mamimili?
Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale.
Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na pasok sa badyet.
Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng produktong binibili.
Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan
Ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin, at tradisyon
Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon
Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
Ang pag-aanunsyo ay pamamaraan ng panghihikayat sa mga mamimili upang tangkilikin ang isang produkto. Ang pag-eendorso ng paggamit ng produktong Biogesic ng sikat na artistang gaya ni John Llyod Cruz ay halimbawa ng:
bandwagon
testimonial
brand name
fear/scary
