wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative Test in Filipino

Total questions: 11

Worksheet time: 3hrs 31mins

Name
Class
Date
1.

Si Tina at Tonet

Magkapatid si Tina at Tonet. Ngunit magkaibang – magkaiba ang kanilang pag-uugali. Si Tina ay pabalang sumagot at hindi sumusunod sa utos ng kanilang mga magulang. Samantala si Tonet ay mabait at sumusunod sa kanilang mga magulang. Isang araw ay naiwan ang magkapatid sa kanilang tahanan. Ang kanilang ina ay pumunta sa palengke upang bumili ng ulam para sa kanilang tanghalian. Naglaro ng posporo si Tina at hindi sinasadyang masindihan ito at dumikit sa kurtina. Dali-dali niyang tinawag si Tonet upang humingi ng tulong. Agad namang dumating si Tonet at naapula ang apoy. Pinagsabihan ni Tonet ang kapatid na nagsisisi sa kaniyang nagawa. Simula noon ay naging magkasundo na ang magkapatid.


Paano nagkaiba sa pag- uugali ang magkapatid na Tina at Tonet?

a)

Si Tina ay pabalang kung sumagot at si Tonet ay mabait at masunurin.

b)

Si Tonet ay sakitin samantalang si Tina ay masigla at malusog.

c)

Si Tina ay tahimik at si Tonet ay palakaibigan.

2.

Ano ang ginawa ng kanilang ina sa palengke?

a)

Bumili ng mga bagong kasangkapan

b)

Nagtinda ng gulay at prutas

c)

Bumili ng kanilang ulam

3.

Ano ang nangyari nang sindihan ni Tina ang posporo?

a)

Dumikit ito sa kurtina at muntik nang magkasunog

b)

Lumaki ang apoy dahil sa kapabayaan ni Tina

c)

Nasunog ang kanilang bahay

4.

Paano naapula ang apoy?

a)

Tinawag ni Tina si Tonet at agad niyang pinatay ang apoy

b)

Tumakbo palabas si Tina at tumawag ng bumbero

c)

Pinabayaan ni Tina at tonet na lumaki ang apoy

5.

Bakit nagkasundo sa bandang huli ang magkapatid?

a)

Dahil naisip ni Tina na mali ang kanyang ginawa ngunit hindi siya pinabayaan ni Tonet

b)

Dahil inilihim nila sa kanilang nanay ang nangyari

c)

Dahil nagsinungaling si Tina kay Tonet

6.

Ang Batang Madasalin

Ang batang si Israel ay nasa Ikalawang Baitang. Siya ay pitong taong gulang. Mabait at palakaibigan si Israel ngunit mayroon siyang ugali na labis na kinatutuwaan ng marami at iyon ay ang pagiging madasalin. Araw-araw siyang nagdarasal upang gabayan siya at ang kaniyang buong pamilya ng Poong Maykapal. Paggising pa lamang sa umaga ay nagdarasal na si Israel. Nagdarasal din siya bago kumain, bago pumasok sa paaralan at bago matulog. Sadyang kinaaaliwan siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya dahil sa kaniyang pagiging madasalin.

Linggo ang paboritong araw ni Israel sapagkat masayang nagtutungo ang kanilang pamilya sa simbahan upang magpasalamat sa mga biyayang natatanggap nila sa araw-araw. Kaya naman masaya ang kaniyang mga magulang sa magandang katangiang taglay ng kanilang anak.


Sino ang batang madasalin?

a)

Ruben

b)

Alex

c)

Israel

7.

Anong katangian ang taglay ni Israel?

a)

Matipid

b)

Madasalin

c)

Masipag

8.

Bakit paboritong araw ni Israel ang Linggo?

a)

Sapagkat masaya silang nagtutungo ng kanyang pamilya sa simbahan upang magpasalamat sa Diyos

b)

Sapagkat walang pasok sa paaralan kapag araw ng Linggo.

c)

Sapagkat namamasyal sila ng kanyang pamilya sa araw na ito.

9.

Paano magdasal si Israel?

a)

Dalawang beses sa isang linggo

b)

Araw-araw nagdarasal si Israel

c)

Isang beses sa isang linggo

10.

Bakit masaya ang mga magulang ni Israel?

a)

Dahil araw- araw ay nagpupunta si Israel sa simbahan

b)

Dahil may magandang katangiang taglay si Israel

c)

Dahil masunuring bata si Israel

11.

Mayroon ka bang karanasan na hindi mo malilimutan tungkol sa paggawa mo ng kabutihan? Ikuwento mo at isulat ito(10 puntos).

4 lines