wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q1: MAHABANG PAGTATAYA SA ESP 8

Total questions: 30

Worksheet time: 58mins

Name
Class
Date
1.

Ang pamilya ang sentro ng kagandahang pag-uugali. Alin sa sumusunod na kasabihan ang nagpapatunay dito?

a)

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

b)

Sa pamilya tayo kumukuha ng lakas upang maging isang ganap na tao.

c)

Kung ang iyong pamilya ay makasarili, marahil ay gayun din ang iyong pag-uugali.

d)

Kung nabibigyan ng sapat na atensyon at gabay ang mga anak ay tiyak magiging isang mabuting indibidwal.

2.

Araw-araw naglalako ng paninda si Aling Ester nang sa gayon ay matustusan niya ang pag-aaral ng kaniyang mga anak. Lagi rin niya itong pinapayuhan na magsipag sa kabila ng kahirapan sa buhay. Anong positibong impluwensiya ang ipinakita ni Aling Ester?

a)

Hindi hadlang ang kahirapan sa buhay.

b)

Pinasama ang anak sa paglalako ng paninda

c)

Tumigil ang anak sa pag-aaral upang makatulong.

d)

Maging matatag at masipag sa kabila ng problema sa buhay.

3.

Ang mga sumusunod ay ang 3P's na dapat taglayin at papairalin ng mga kasapi ng isang pamilya maliban sa ______________.

a)

Pagmamahal

b)

Pagsusumikap

c)

Pananampalataya

d)

Pagtutulungan

4.

Si Ana ay likas na matulungin sa kaniyang mga magulang pinagsasabay nito ang pag-aaral at pagtitinda ng mga kakanin sa paaralan. Anong birtud ang ipinamamalas ni Ana?

a)

Pagtulong

b)

Pagmamahal

c)

Pakipagkapwa

d)

Pananampalataya

5.

Bakit kailangang pairalin ang pagmamahalan at pagtutulungan ng isang pamilya? Upang;

a)

Maging matatag ang pamilya.

b)

Maayos ang pagtrato sa bawat isa.

c)

Mapanatili ang respeto sa isa’t isa.

d)

Magkakaroon ng matiwasay na pagsasama ang pamilya.

6.

Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Linda sa pagtaguyod sa kanila. Alin sa sumusunod ang positibong impluwensiyang ipinakita ng ama?

a)

Pagiging matatag

b)

Pagiging madasalin

c)

Pagiging masayahin

d)

Pagiging displinado

7.

Laging tinuturuan ng mag-asawang Lindo at Linda ang kanilang mga anak na magmano sa sinumang panauhin na dumating sa kanilang tahanan. Anong aral ang mapupulot sa kaugaliang pinairal ng mag-asawa?

a)

Pagiging maalalahanin sa ibang tao

b)

Huwag makinig sa payo ng mga magulang

c)

Maging magalang sa nakatatanda at panauhin

d)

Umiwas sa pakikipag-usap sa mga hindi kakilala

8.

Bakit umiiral sa pamilya ang pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya? Dahil;

a)

may bukas na komunikasyon ang pamilya

b)

may respeto ang bawat miyembro ng pamilya

c)

may pagpapahalaga ang bawat isa sa pamilya

d)

pantay-pantay ang pakikitungo nila sa isa’t isa

9.

Tumutulong si Myrna sa kaniyang ina sa pagbabantay ng kanilang tindahan pagkatapos ng kaniyang klase. Anong katangian ang umiiral kay Myrna?

a)

pagtanaw ng utang na loob sa ina

b)

pagpapakita ng pagkamatulungin

c)

pagiging maalalahanin sa kaniyang ina

d)

resulta ng pagmamahal niya sa kaniyang ina

10.

Tuwing kaarawan ng anak ni Gng. Yabut sila ay naghahanda ng pagkain hindi lamang sa kanilang mahahalagang bisita kundi maging sa kanilang mga kapitbahay tanda ng kanilang pasasalamat. Anong kaugalian ang ipinapakita ng pamilyang Yabut?

a)

mababait ang pamilya Yabut

b)

umiiral sa kanila ang pagkamatulungin

c)

may pantay-pantay na pakikitungo sa kapwa

d)

likas talaga sa kanila ang pagbibigay sa kapwa

11.

Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay nito?

a)

hinahatid sa eskwelahan

b)

laging binibigyan ng pera ang anak

c)

pinapadalhan ng mga pagkain sa loob ng klase

d)

sinusuportahan sa gustong makamit ng anak

12.

Ang pamilyang Dela Cruz ay hindi nakalilimot manalangin nang sama-sama tuwing Linggo. Ano ang dapat tularan sa pamilya Dela Cruz?

a)

pagiging disiplinado

b)

pagiging matatag sa sarili

c)

walang anumang alitan ang bawat isa

d)

may pagkakaisa sa pagsamba sa Panginoon

13.

Laging ipinagdiriwang ng pamilya Santos ang tagumpay ng kanilang anak. Anong kaugalian ang maaring tularan sa pamilya Santos?

a)

paghamon sa anak na magtagumpay

b)

pagpapakita ng interes sa kanilang larangan

c)

pagmamalaki sa tagumpay ng kasapi ng pamilya

d)

pasasalamat at suporta sa tagumpay na nakamit

14.

Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng pagrespeto sa mga kasapi ng pamilya maliban sa _______________.

a)

Pagmamano sa mga nakatatanda

b)

Pagpilit sa kasapi na maging katulad ng iyong pag-iisip, kilos o paniniwala

c)

Pagsasabi ng "po" at "opo"

d)

Paggalang sa desisyon o kagustuhan ng bawat kasapi

15.

Kinikilala sa Asya na ang mga Pilipino ay isa sa mga lahing may mataimtim at matatag na pananalig sa Panginoon. Anong birtud ang umiiral sa pahayag na ito?

a)

Madasalin

b)

Pagbibigayan

c)

Paggalang

d)

Respeto

16.

Nakagagalit at kung minsan ay gumuguho ang mundo natin kung nasasaktan tayo ng mga taong mahalaga sa atin, ngunit sa kabila ng sakit ay pinipili natin na magpatawad at bigyan sila ng ikalawang pagkakataon. Anong birtud ang umiiral sa pahayag na ito?

a)

Paggalang

b)

Pagmamahal

c)

Pagsuporta

d)

Pag-unawa

17.

Lumaki si Lucas na hindi niya parating nakasama ang kaniyang mga magulang dahil sa trabaho nila. Ang lagi niyang kasama ay ang kaniyang Lola. Halos ito na ang nagpalaki sa kaniya, kaya gagawin niya ang lahat para sa kaniya. Anong katangian ang ipinapakita ni Lucas sa kaniyang Lola?

a)

naaawa siya sa kaniyang lola.

b)

pagpapakita ng pagkamatulungin

c)

labis na pagmamahal para sa kaniyang lola

d)

sinusuklian niya ng kabutihan ang ginawa ng lola

18.

Ang baryo Pag-asa ay isang liblib at malayong lugar. Kaya laking tuwa ng mga taga roon nang may dumating na doktor na libre ang panggagamot. Anong katangian ang pinapairal ng doktor?

a)

matulungin sa kapwa

b)

isang mabait na doktor

c)

may malasakit sa mga nangangailangan

d)

umiiral ang pagmamahal sa baryo Pag-asa

19.

Anumang pagsubok ay kayang lagpasan kung ang pamilya ay hawak-kamay itong haharapin. Anong birtud ang pinapairal sa pahayag na ito?

a)

Kapit-bisig

b)

Karunungan

c)

Madasalin

d)

Pagsasakripisyo

20.

Tuwing humaharap sa isang sakuna ang bansa, umiiral ang pagtutulungan. Nagaabot ng tulong at donasyon ang pamilya at iba’t ibang ahensiya upang masolusyunan ang problema. Anong birtud ang umiiral sa pahayag na ito?

a)

Maingat na Pagpapasya

b)

Pagbabayanihan

c)

Pananampalataya

d)

Pagpapatawad

21.

Aling sitwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng komunikasyon sa pamilya?

a)

mag-anak na nag video chatting

b)

paglalaan ng isang araw sa pamamasyal

c)

sabay-sabay na kumain ang buong pamilya

d)

may kaniya-kaniyang ginagawa sa social media

22.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng bukas na komunikasyon sa pamilya?

a)

pagsasarili ng problemang kinakaharap

b)

pagkakaroon ng sapat na oras sa pamilya

c)

magkakasama bagaman abala sa social media

d)

pagpapaubaya sa kasambahay sa pag-aalaga ng mga anak

23.

Ano ang maidudulot ng pamilyang hindi bukas ang komunikasyon?

a)

Mapagaganda ang buhay.

b)

Mapapariwara ang buhay.

c)

Makakamtan ang tagumpay.

d)

Magiging matalino ang bawat isa.

24.

Maagang pumapasok sa paaralan si Benny araw-araw. Nagbabalik-aral siya sa mga leksyon bago magsimula ang klase. Anong gawi ang ipinakita ni Benny?

a)

pagpapaunlad sa pag-aaral

b)

paglilingkod sa kapuwa mag-aaral

c)

pagsisikap na makalikha ng aralin

d)

pagsasabuhay ng pananampalataya

25.

Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya?

a)

pagliliwaliw kahit saan saan

b)

pangungumusta sa bagong dating na kaibigan

c)

pangungumpisal o pagsisisi ng mga kasalanan

d)

pagpapasa ng mga importanteng dokumento ng lagpas sa oras

26.

Alin sa mga kilos ang dapat isagawa upang maisabuhay ang pananampalataya sa pamilya?

a)

pagsisimba kasama ang buong pamilya

b)

pagbalewala sa ibang miyembro ng pamilya

c)

paggalang sa mga magulang at nakatatanda

d)

paglalaro sa kalye kasama ang mga kaibigan

27.

Paano malalampasan ang banta sa pagbibigay ng edukasyon sa anak?

a)

tumigil sa pag-aaral

b)

pagpapahalaga sa diwa ng edukasyon

c)

pagbabad sa paglalaro ng mobile games

d)

ugaliing makinig sa desisyon ng magulang

28.

Alin sa sumusunod ang pinakapangunahing banta sa pagbibigay ng edukasyon?

a)

kahirapan

b)

oras

c)

panahon

d)

paniniwala

29.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng banta sa pagpapasya?

a)

maingat na paghuhusga

b)

pag-unawa sa kalagayan

c)

walang maayos na unawaan

d)

padalus-dalos sa paghuhusga

30.

Ano ang katuwang ng mga magulang sa pagpapatupad ng edukasyon para sa mga bata?

a)

paaralan

b)

mga kapitbahay

c)

mga kamag-anak

d)

kawani ng gobyerno