NEW
Font size
WorksheetsPantiyak na Pagsubok sa Pagsulat ng Lathalain
Total questions: 5
Worksheet time: 4mins
Gumamit ng hindi payak na mga salita at gawing maiikli ang talata; Gawaing makatawag-pansin ang pamagat.
a. Ang unang pangungusap ay tama, ang pangalawang pangungusap ay mali
b. Ang unang pangungusap ay mali, ang pangalawang pangungusap ay tama
c. Ang dalawang pangungusap ay parehas tama
d. Ang dalawang pangungusap ay parehas mali
Si Maria ay nais bumuo ng isang sulating nagpapalawak ng balitang impormasyon sa pamamagitan ng kawili-wiling pamamaraan. Alin sulating ang nais niyang buoin?
a. Balita
b. Editoryal
c. Sports
d. Lathalain
Ang mga sumusunod ay mga hakbang ng pagsulat ng lathalain, MALIBAN SA
a. Gawing makatawag-pansin ang pamagat
b. Magbigay ng mga halimbawa upang maging kapani-paniwala at madaling maunawaan ang paksang nais ipaabot
c. Pumili ng paksa na walang malawak na kabatiran
d. Tapusin sa pamamagitan ng pag-uugnay sa panimulang talata
Gagawa si Rita ng isang lathalain. Alin ang hindi niya dapat gawin?
a. Iwasan ang pagiging masalita
b. Gumamit ng makalumang pamatnubay na angkop bilang panimula
c. Maaring samahan ng anekdota, dayalogo at katutubong kulay upang maipaabot sa mga mambabasa ang tunay na pangyayari
d. Pumili ng paksang mayroon kang malawak na kabatiran
Si Jose ay gustong sumulat ng isang lathalain. Alin ang pinaka unang hakbang ang dapat isaalang-alang sa pagsulat nito?
a. Ang mga siniping sabi nais gamitin ay ilagay sa unahan
b. Gumamit ng makabagong pamatnubay na angkop bilang panimula
c. Iwasan ang pagiging masalita
d. Pumili ng paksang mayroon kang malawak na kabatiran
