wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Barayti ng Wika

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay ang paggamit ng isang tao sa wika at paraan o istilo ng kanyang pananalita.

Hal. "Aha,ha,ha! Nakakaloka! Okey! Darla!" - Kris Aquino

a)

Sosyolek

b)

Idyolek

c)

Etnolek

d)

Dayalek

2.

Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan.

a)

Sosyolek

b)

Idyolek

c)

Etnolek

d)

Dayalek

3.

Ito ang barayti ng wika mula sa mga etnolinggwistikong grupo.

Hal. palangga - mahal o minamahal

a)

Sosyolek

b)

Idyolek

c)

Etnolek

d)

Dayalek

4.

Umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na "nobody's native language" o katutubong wikang 'di pag-aari ninuman.

Hal.: Suki, ikaw bili tinda mura.

a)

Creole

b)

Register

c)

Jargon

d)

Pidgin

5.

Ang wikang nagmula sa isang Pidgin at naging unang wika sa isang lugar.

Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano) Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).

a)

Creole

b)

Register

c)

Jargon

d)

Pidgin

6.

Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.

a)

Creole

b)

Register

c)

Jargon

d)

Pidgin

7.

Ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.

Hal.: account,debit,credit, asset, balance - accountancy

a)

Creole

b)

Register

c)

Jargon

d)

Pidgin

8.

Karaniwang nalilikha ito at sinasalita sa loob ng mga kabahayanan.

hal.: Nanay - mom - inay - nanay - mudra - mamshie

a)

Etnolek

b)

Ekolek

c)

Dayalek

d)

Idyolek

9.

Tumutukoy sa anumang kapansin-pansin na anyo ng wika o uri ng pananalita ng isang tao o grupo ng taong gumagamit nito. Kadalasan ay nakikita ito sa pagbigkas, intonasyon, estilo, pagbuo ng mga pangungusap at bokabularyo

a)

Sosyal

b)

Heyograpikal

c)

Barayti ng wika

d)

Kontekstuwal

10.

Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal. ( matanda sa mga kabataan, mga maykaya sa mahihirap, ng babae sa lalaki o sa bakla )

a)

Sosyolek

b)

Idyolek

c)

Etnolek

d)

Dayalek