wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Tungkulin ng Wika

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Hal. pagsulat ng talaarawan at journal, debate

(a)  

2.

Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.

hal. : Paalala, Resipe

(a)  

3.

Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu; pagkukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang-loob; paggawa ng liham pangkaibigan atbp.

(a)  

4.

Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impornasyong may kinalam sa paksang pinag-aaralan. Kasama rito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong tungkol sa paksang pinag-aaralan; pakikinig sa radyo; panonood sa telebisyon; at pagbasa ng pahayagan, magasin, blog at mga aklat kung saan nakakuha tayo ng mga impormasyon.

(a)  

5.

Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-uganayan sa iba. Ang paggawa ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol s aisang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto .

(a)  

6.

Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag at simbolismo.

(a)  

7.

isang bantog na iskolar mula sa Inglatera. Ibinahagi niya sa nakararami ang kanyang pananaw na ang wika ay isang panlipunang phenomenon. Naging malaking ambag niya sa mundo ng lingguwistika ang popular niyang modelo ng wika, ang systematic functional linguistics.

Ang nagtangkang ikategorya ang mga tungkulin ng wika batay sa gampanin nito sa ating buhay.

(a)  

8.

isa sa mga pinakamagaling na dalubwika ng ikadalawampung siglo, isa siya sa mga nagtatag ng Linguistic Circle of New York. Ang kanyang bantog na functions of language ang kanyang nagging ambag sa larangan ng semiotics.

  Ang semiotics ay ang pag-aaral sa mga palatandaan at simbolo at kung paano ito gamitin.

(a)  

9.

Ito ay komunidad ng mga taong kabilang sa isang patakaran at pamantayan ng isang barayti ng wika na ginagamit sa komunikasyon at pakikipag-unawaan. Ayon sa Amerikanong lingguwista na si Dell Hymes

(a)  

10.

Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Hal.: pagbibigay-ulat, paggawa ng pamanahong papel

(a)