NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO II REVIEWER PARA SA UNANG MARKAHAN PAGSUSULIT
Total questions: 18
Worksheet time: 9mins
Ito ang nagsasabi kung tungkol saan ang isang teksto. Maaari itong matagpuan sa unahan, gitna o hulihan ng isang kuwento o teksto.
paksa
tema
Ito naman ang nagsasabi kung tungkol saan ang teksto.
paksa
tema
Ito ay isang maikling mensahe na nagpapabatid ng mahalagang impormasyon tungkol sa panawagan sa madla. Maaaring ito ay nakalimbag tulad ng larawan.
mensahe
patalastas
Ang pabula, alamat at maikling kuwento ay mga halimbawa ng___________
kuwentong kathang-isip
kuwentong makatotohanan
Ano ang tawag sa kuwento na ang gumaganap ay mga hayop.
alamat
pabula
Ito ay tawag sa isang kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o lugar. May mga tauhan at tagpuan sa kuwentong ito.
pabula
alamat
Ano ang tawag sa salitang buo ang kilos. Dito kinuha ang mga salitang nilalagyan ng panlapi?
panlapi
salitang-ugat
Ito ay ang mga ikinakabit sa salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.
salitang-ugat
panlapi
Ano ang tawag sa panlaping ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat?
unlapi
gitlapi
hulapi
Ito naman ay panlaping ikinakabit sa gitna ng salitang-ugat.
unlapi
gitlapi
hulapi
Alin sa mga sumusunod ang tawag sa panlaping ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat?
gitlapi
hulapi
unlapi
Ano-ano ang mga bahagi ng kuwento?
panimula, kasukdulan at katapusan
pabula at alamat
Ano ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at mga pangyayari?
pangngalan
salitang kilos o pandiwa
Ito ay uri ng pangngalan na tumutukoy sa tiyak at tanging ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
pantangi
pambalana
Ito ay uri ng pangngalan na tumutukoy sa pangkaraniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
pantangi
pambalana
Ang mga pangungusap na:
pasalaysay, patanong, padamdam, putos o pakiusap ay______________________
mga uri ng kuwento
mga uri ng pangungusap
Si Mona ay nag-aral nang mabuti bago ang pagsusulit. Ito ay__________
sanhi
bunga
Si Mona ay nakakuha ng mataas na iskor sa pagsusulit. Ito ay __________
sanhi
bunga
