wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

1. Alin ang pinakamabuting magagawa ng pamahalaan upang maiangat ang antas ng ating pamumuhay?

a)

Bigyan ng mga kasanayang panghanapbuhay ang bawat tao.

b)

Taasan ang sweldo ng mga kawani sa lahat ng tanggapan

c)

Hikayating mangibang bansa ang ating mga manggagawa

d)

Bigyan ng buwanang panustos na pagkain ang mga dukha

2.

Bakit mahalagang malaman ng pamahalaan ang tungkol sa distribusyon ng populasyon?

a)

Maiugnay ang kaunlarang ng isang bansa ayon sa laki ng populasyon nito.

b)

Matiyak ang mga pangangailangan ng mga rehiyon at pantay na pamamahagi nito.

c)

Makalikha ng proyektong makapipigil sa bilis ng paglaki ng populasyon

d)

Malaman ang tiyak na bilang ng bata’t matatanda sa isang rehiyon

3.

Pagkatapos ng Himagsikan laban sa mga Espanyol at Amerikano ay namuhay bilang karaniwang mamamayan si Emilio Aguinaldo na may samahang itinatag upang tulungan ang kanyang nasasakupan. Ano ang pangalan ng samahan na kanyang itinatag?

a)

Consejo De Guerra

b)

El Fuego de la Revolucion

c)

Veteranos de la Revolucion

d)

Associacion Cruz Roja

4.

Si Emilio Aguinaldo bago pa man sumapi sa Katipunan, naging abala na siya sa mga gawain bilang Cabeza de Barangay. Ano ang naging pangunahing gawain niya sa kanyang nasasakupan?

a)

tagasulong ng kampanya para sa kalayaan

b)

tagasulat ng isang dokumento

c)

tagatinda ng panutsa katulong ang kanyang ina

d)

taga kolekta ng buwis

5.

Napanood mo sa telebisyon ang tungkol sa pag-aangkin ng China sa kalupaan at karagatang pag-aari ng Pilipinas, Ano ang nararapat na gawin ng Pilipinas?

a)

Ipabahala sa China ang dapat gawin ng dalawang bansa

b)

Panatilihin ang payapang pakikipag-ayos at pakikipag-usap.

c)

Labanan ang China kung anuman ang nais nitong gawin o mangyari

d)

Bantayan lagi ang mga karagatan at kalupaang inaangkin ng China.

6.

Alin ang naglalarawan ng diwa ng bayanihan?

a)

Ang mga tao ay mulat sa mga nagyayari sa kanilang kapaligiran

b)

Ang mga mamamayan ay matapat na tumutupad sa mga pinaiiral na batas

c)

Ang mga magkakapitbahay ay nagtutulungan upang linisin ang paligid.

d)

Ang mga tao ay masiglang nakikilahok sa mga pagpupulong.

7.

1. Patunay ng mahusay na paglilingkod ng pamahalaan ang matitibay at makabagong panggawaing-bayan tulad ng mga tulay at kalsada at pinabuting serbisyo ng kuryente. Paano makatutulong ang mamamayan upang patuloy na magpaglingkuran ng pamahalaan?

a)

Maghanap ng matatag na hanapbuhay

b)

Mahalin at pagmalasakitan ang kapwa.

c)

Magtaglay ng mga kasanayang panghanapbuhay.

d)

Maging maagap at matapat sa pagbabayad ng buwis.

8.

1. May mga Pilipinong nakatira sa tabi ng dagat, sa mga tagong look at sa bunganga ng ilog. Pangingisda ang kanilang pangunahing hanapbuhay. Ang mga taong naninirahan sa kapatagan ay pagsasaka naman ang ikinabubuhay. Ano ang mahihinuha rito?

a)

Ang kita sa hanapbuhay ay maliit at di sapat sa pangangailangan ng tao.

b)

Ang uri ng panahanan ay simbolo ng kanilang kalagayan sa lipunan

c)

Ang panahanan at pamumuhay ng mga tao ay payak o simple lamang

d)

Ang uri ng hanapbuhay ay iniaangkop sa kanilang kapaligiran.

9.

Ang hugis ng isang bansa ay may kaugnayan sa kanyang kaunlaran. Kung ang hugis ng isang bansa ay buo o pabilog, nakabubuti ito sapagkat_____________________

a)

Magiging madali ang komunikasyon at transportasyon

b)

Dadagsa ang mga turista at aangat ang ekonomiya

c)

Mahirap itong sakupin ng mga dayuhan

d)

Bibihirang dalawin ng bagyo

10.

Si Dr. Jose P. Rizal ay kilala sa mga nobelang kanyang sinulat at isa na rito ay ang aklat na El Filibusterismo. Ito ang aklat na pumukaw sa damdaming makabayan ng mga Pilipino.Anong pangyayari ang naganap kung bakit inihandog niya ang aklat na ito?

a)

Ang pagkamatay ng tatlong paring martir

b)

Ang pagkatatag ng Samahang Confradia de San Jose

c)

Ang pagkamatay ni Andres Bonifacio

d)

Ang pagsilang ng bagong nasyonalismo.

11.

1. Isang dakilang propagandista si Marcelo H. del Pilar o kilala bilang Plaridel.Sinikap niyang mabuksan ang isip ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga pahayagan na kanyang ipinalabas. Ano ang kanyang ipinaglalaban para sa mga Pilipino?

a)

Mabigyan ng sapat na karunungan ang mga Pilipino

b)

Mabigyan ng katarungan at karapatan ang mga Pilipino

c)

Mabigyan ng tamang paggamit ng wikang Espanyol ang mga Pilipino

d)

Mabigyan ng katahimikang mamili ang mga Pilipino

12.

Maliban sa Kristiyanismo, ginamit din ng mga Espanyol ang espada upang mapasailalim sa kanilang kapangyarihan ang mga Filipino. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?

a)

Mga espada ang pangunahing sandata ng mga Espanyol laban sa mga katutubo

b)

Naging marahas din ang mga misyonero sa pagsakop sa Pilipinas.

c)

Gumamit ng puwersa at lakas-militar ang mga Espanyol sa kanilang pananakop sa Pilipinas.

d)

Pinagsabay ng mga sundalong Espanyol ang krus at espada sa pakikipaglaban.

13.

Ang pagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga Amerikano at Espanyol sa Manila Bay ay nagdulot ng magandang epekto sa mga Pilipino. Ano ang positibong epekto nito sa mga Pilipino?

a)

Ginamit itong paraan ng mga Amerikano na pamunuan at pumalit sa mga Espanyol

b)

Nadismaya ang mga Pilipino maging si Hen. Emilio Aguinaldo.

c)

Nagpugay ang mga Pilipino ng magapi ng mga Amerikano ang mga Espanyol

d)

Kinunsidera nila itong ally.

14.

Nagkaroon noon ng di-mabuting relasyon ang Pilipinas sa Malaysia dahil______________?

a)

Sa pag-angkin sa Sabah

b)

May negosasyon ang Sabah at Pilipinas

c)

Nauubusan ng yaman ang Pilipinas

d)

Pinapanigan ng Estados Unidos ang Pilipinas.

15.

Pinaniniwalaan na ang pagkakaroon ng magkakaibang pangkat-etniko sa Hapon ay dala ng naganap na pandarayuhan sa bansa, ang kinikilalang pambansang wika ng Hapon ay _______________.?

a)

Nihongo

b)

Hangeul

c)

Mandarin

d)

Tamil

16.

Ang Pilipinas ay kasapi ng samahang ASEAN. Ano ang pangunahing layunin ng samahang ito?

a)

Magpalitan ng mga kawani at mag-aaral ang mga kasapi

b)

Pagyamanin ang pag-aaral sa mga kultura ng mga bansang kasapi.

c)

Makapantay sa mga bansang malalakas tulad ng Amerika at Unyong Sobyet sa larangan ng lakas-sandatahan.

d)

Pagtibayin ang ugnayan at pagtutulungan sa paglinang ng mga teknolohiya para sa mga bansang kasapi.

17.

Sa panahon ng Himagsikan ang hukbo ni Aguinaldo ay nakabihag ng mga Prayle at ito ay iniwan nila sa pangangalaga ng Pamahalaang Magdiwang. Sinu-sino ang mga prayle na nagkasala sa bayan ng San Miguel de Mayumo, Bulacan?

a)

Agapito Echegoyen, Domingo Cardenas, Pierna Vieja

b)

Agapito Echegoyen, Pierna Vieja, Alajandro Cardenas

c)

Pierna Vieja, Domingo Alejandro, Agapito Echegoyen

d)

Domingo Cardenas, Agapito Vieja, Pierna Echegoyen

18.

Siya ang kaibigang matalik ni Heneral Antonio Luna na nagpatunay na matapat na pangulo si Emilio Aguinaldo dahil sa pagtanggi nito at hindi pagtanggap ng mga suhol mula sa pamahalaang Espanyol___________.

a)

Hen. Jose Alejandrino

b)

Ramon Padilla

c)

Jose Rizal

d)

Ben Aguinaldo

19.

Siya ang opisyal sa Capitania del Puerto na tinanggihan ang aplikasyon at kahilingan ni Aguinaldo noong siya ay magpanibago ng lisensya sa kanyang paraw na San Bartolome. Sinong opisyal ito ng Maynila?

a)

Emilio Jacinto

b)

Andres Bonifacio

c)

Ramon Padilla

d)

Padre Damaso

20.

Isang baryo sa Silang, Cavite kung saan pagkatapos nang pitong oras na lakaran ay umatras ang hukbo nina Aguinaldo noong Mayo 28, 1897. Ano ang pangalan ng baryong ito ng Silang?____________________

a)

Sitio Ilang-Ilang

b)

Lucsuhin

c)

Rizal

d)

Lumil