WorksheetsESP 3 Quarter 1
Total questions: 10
Worksheet time: 20mins
1. Dumating sa inyong bahay ang inyong barangay Chairman, hinahanap ang iyong tatay at nanay ngunit wala sila kayo lamang magkapatid ang naroroon. Ano ang iyong sasabihin?
A. Wala sila rito sabay sara ng pinto.
B. Sasabihing wala at bumalik na lamang kayo bukas.
C. Papapasukin, pauupuin at sasabihing wala po sila dito.
2. Linggo ng umaga patungo kayong magkaibigan sa simbahan. Nakita ninyo ang inyong guro na si Bb. Cruz. Ano ang dapat na sabihin at gawin?
A. Hindi papansinin at lalayo na
B. Lalapitan at babatiin ng magandang umaga po.
C. Iiwasan si Bb. Cruz
3. May hinahanap na lugar ang isang matandang babae, nagtanong siya sa iyo kung saan ito matatagpuan. Ano ang iyong sasabihin at gagawin?
A. Ituturo nang maayos at sasabihing doon po ang daan.
B. Titingnan lamang ang matanda sabay alis.
C. Lalayuan ang matanda at sasabihing hindi ko alam.
4. Magkakaroon ng isang family reunion ang inyong pamilya.Dumating ang iyong mga tiyo, tiya at iba pang kamag-anak. Ano ang iyong gagawin?
A. Lalayo at magtatago sa kwarto.
B. Salubungin sila, patutuluyin at magmamano.
C. Hindi papansinin ang mga dumating na kamag-anak.
5. Tinanong ka ni G. Gomez kung nasabi mo kay Gng. Mendoza na may pagpupulong mamayang hapon. Ano ang isasagot mo sa kanya?
A.Hindi ko sinabi kay Gng. Mendoza.
B.Opo sinabi ko kay Gng. Mendoza at dadalo daw po siya.
C.Tumango ka lang kay G. Gomez.
6. Ang pagsasabi ng “maaari po ba” at “salamat po” ay nagpapakita ng _______.
A. pagtitipid
B. paggalang
C. pagka-isport
7. Alin sa mga kaugaliang Pilipino ang nagpapakita ng pagiging magalang?
A. Pagbibigay ng puna
B. Paghalik sa kamay.
C. Pagsasabi ng totoo
8. Biglang umulan nang malakas, ano ang gagawin mo sa mga sinampay ng nanay mo?
A. Hahayaan itong mabasa.
B. Hintayin na dumating si nanay.
C. Ilipat ang mga sinampay sa loob upang hindi mabasa.
9. Kabilin-bilinan ng nanay mo na huwag magpapasok ng kahit na sino sa bahay, biglang dumating ang mga kaibigan mo. Ano ang gagawin mo?
A. Iwasang magpapasok ng kahit na sinong tao.
B. Makipagkuwentuhan sa labas ng bahay.
C. Papasukin ang mga kaibigan sa bahay.
10. Umalis ang inyong mga magulang. Gustong hiramin ng inyong kapitbahay ang “toolbox” ng tatay mo na puno ng kagamitan. Ano ang gagawin mo?
A. Ipapahiram ito agad
B. Sasabihin sa kapitbahay na bumili ng kagamitan
C. Sasabihin sa kapitbahay na wala dito ang may-ari ng mga kagamitan kaya bumalik na lang sa ibang araw.
