NEW
Font size
WorksheetsPanapos na Pagsusulit sa Araling Asyano (Ikalawang Bahagi)
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
1. Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng pagkakaroon ng urbanisasyon?
A. Pagtaas ng antas ng malnutrisyon sa mga mahihirap na lugar
B. Pagkakaroon ng mas mataas na porsyento ng kriminalidad
C. Pagkaubos ng mga pinagkukunang yaman
D. Pagkakaroon ng maraming trabaho para sa mamamayan
2. Ang mga bansa sa kontinente sa Asya ay nakararanas ng samu’t saring suliraning pangkapaligiran. Ano ang tawag sa pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa gubat?
A. Siltation
B. Deforestation
C. Salinization
D. Desertification
3. Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isang bansa kung patuloy ang pagtaas ng populasyon?
A. Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas paggawa.
B. Unti-unting mauubos ang pinagkukunang -yaman ng mga bansa.
C. Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa.
D. Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop
4. Kung ang salinization ay ang paglitaw ng asin sa ibabaw ng lupa na kapag nanuot sa tubig ito’y nagiging maalat, ano naman ang kahuluhan ng desertification?
A. Pagdami ng asin na hydroxide na sodium, potassium, lithium o ammonia
B. Pagiging tuyo o lubhang tuyo ng lupa
C. Pagiging salt water o brackish water ng balon ng tubig
D. Labis na presyur at pang- aabuso sa lupa
5. Anong konsepto ang nangahulugang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo ng buhay na bumubuo sa natural na kalikasan. Anong konsepto ito?
A. Ecological Balance
B. Biodiversity
C. Kapaligiran
D. Likas Yaman
6. Alin sa sumusunod ang nagiging dahil sa pagkasira ng lupa?
A. Ang pagkatuyo ng mga lupa
B. Paggulo ng lupa
C. Pagrami ng punong kahoy
D. Pagtaba ng lupa
7. Ano bansa sa asya ang may malubhang problema ng salinization?
A. Pilipinas
B. Japan
C. Bangladesh
D. Malaysia
8. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa sa buhay ng tao?
A. Dahil ang mga produktong galling sa lupa ang bumubuhay sa tao
upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
B. Dahil kailangan ng tao ng lupa upang matustusan ang kanilang
mga sariling hangarin.
C. Dahil sa mga pangangailangan na dapat matugunan
D. Dahil kailangan upang mabuhay ang tao ayon sa kanilang interes
sa buhay
9. Alin sa sumusunod ang dahilan sa pagkawala ng biodiversity ng Asya?
A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
B. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman
C. Pag-aabuso sa lupa at pagkakalbo ng kagubatan
D. Lahat ng nabanggit
10. Bilang isang kabataan, ano ang maaari mong gawain upang masolusyonan
ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng ating bansa?
A. Hikayatin ang mga mamamayan na pangalagaan ang ating likas na
yaman at maging aktibo sa mga programa na sinsagawa ng
pamahalaan para sa pangangalaga sa likas na yaman.
B. Makikipagtulungan sa mga illegal na gawain
C. Patuloy na pagputol sa mga punong kahoy.
D. Patuloy na pagtapon ng basura sa dagat at ilog.
11. Ang paglaki ng populasyon ay isa sa suliraning kinakaharap ng ilang bansa sa Daigdig. Alin sa sumusunod na bansa ang may pinakamalaking populasyon sa daigdig?
A. India
B. Indonesia
C. China
D. Pakistan
12. Kung ang populasyon ng isang bansa ay binubuo ng mga bata at matandang poupulasyon, ano ang nakikita nating implikasyon sa usaping pang-ekonomiya ng isang bansa?
A. Magkakaroon ng maraming lakas-paggawa.
B. Magkakaroon ng kakulangan sa lakas-paggawa,
C. Mas marami ang dapat na bigyan ng atensiyon ng pamahalaan sa aspetong medikal.
D. Mas maraming mamamayan ang dapat mangibang bansa.
13. Isa sa mga nararanasang matinding suliranin ng daigdig natin sa kasalukuyan ay ang suliranin sa basura na siya ring problemang pinapasan ng ating paaralan. Sa iyong palagay, sa mga naging pagtugon ng paaralan, alin ang epektibo upang mabawasan ang mga basura?
A. Pagkakaroon ng oplan linis sa loob ng Paaralan.
B. Mahigpit na pagpapatupad ng zero plastic policy.
C. Pagsasagawa ng recycling sa mga basura.
D. Pagkakaroon ng mga Materials Recovery Facility (MRF).
14. Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging magkaugnay ang tao at ang likas na pinagkukunan?
A. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.
B. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.
C. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan ng lubos.
D. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay ng matiwasay at mapaunlad ang pamumuhay.
15. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming mamamayan ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang mauunlad at bansang papaunlad pa lamang. Kung ating susuriing mabuti, ano ang magiging implikasyon nito sa ating likas na yaman ng Asya pagdating ng panahon?
A. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.
B. Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.
C. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.
D. Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya.
