wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ARALING PANLIPUNAN 1ST QUARTERLY ASSESSMENT

Total questions: 35

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Anong rehiyon ng Asya kabilang ang bansang Pilipinas?

a)

Silangang Asya

b)

Hilagang Asya

c)

Kanlurang Asya

d)

Timog Silangang Asya

2.

Ito ang islang hinahanap ng mga Europeo para kumuha ng mga rekado o pampalasa.

a)

Batayan Island

b)

Spice Islands o Moluccas

c)

Boracay Islad

d)

Masbate Island

3.

Mga istrukturang itinayo ng mga Amerikano para gawing sanayan ng mga sundalo at imbakan o arsenal ng mga kagamitang pandigma nila

a)

base militar

b)

opisina

c)

paaralan

d)

palaruan

4.

Ito ang tawag sa malaking masa ng kalupaan may 240 milyong taon na ang nakalipas.

a)

Asthenosphere

b)

Kontinente

c)

Pangaea

d)

Tectonic

5.

Teoryang nagsasabing nagmula ang Pilipinas sa malalaking tipak ng lupain sa daigdig na naghiwa-hiwalay ilang daang milyong taon na ang nakalipas.

a)

Land Bridges o Tulay na Lupa Theory

b)

Pacific Theory o Teorya ng Bulkanism

c)

Continental Drift Theory

d)

Tectonic Plate

6.

Teoryang nagpapaliwanag na dating karugtong ang Pilipinas ng Timog-Silingang Asya.

a)

Teorya ng Continental Drift

b)

Teorya ng Tulay na Lupa

c)

Teorya ng Ebolusyon

d)

Teorya ng Bulkanismo

7.

Ayon sa teoryang ito, nabuo ang mga kalupaan ng Pilipinas mula sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.

a)

Teorya ng Tulay na lupa

b)

Teorya ng Ebolusyon

c)

Teorya na Continental drift

d)

Teorya ng Bulkanismo

8.

Anong teorya ang ipinakilala ni Wilheim Solheim II na sinasabing galing sa katimugang bahagi ng Pilipinas ang ating mga ninuno?

a)

Teoryang Bigbang

b)

Teoryang Ebolusyon

c)

Teoryang Galactic

d)

Teoryang Nusantao

9.

Ang teoryang nagsasabi na ang unang pangkat ng tao sa Pilipinas ay mula sa Taiwan?

a)

Teoryang Austronesian Migration

b)

Teoryang Core Population

c)

Teoryang Nusanatao

d)

Teoryang Wave Migration

10.

Ang lumikha sa mga sinaunang Pilipino ayon sa relihiyon?

a)

Babaylan

b)

Diyos o Bathala

c)

Lakan

d)

Datu

11.

Sa anong panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga tinapyas na batong magaspang?

a)

Panahong Neolitiko

b)

Panahong Paleolitiko

c)

Maagang Panahon ng Metal

d)

Maunlad na Panahon ng Metal

12.

Ano ang tawag sa pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya?

a)

alipin

b)

timawa

c)

maginoo o datu

d)

manggagawa

13.

Sila ang kinikilalang mga mahuhusay na mandirigma mula sa pangkat ng mga maharlika?

a)

bagani

b)

bayani

c)

pulis

d)

sundalo

14.

Ito ang paraan para mapalakas at mapagtibay ang kasunduan ng bawat barangay?

a)

pananakop

b)

pagbili o pagbabayad

c)

sanduguan

d)

pag eespiya

15.

Siya ang naatasan ng datu para ibalita ang mga kaganapan sa kanyang barangay lalo na kung may mga pagtitipon.

a)

bagani

b)

gat

c)

lakan

d)

umalohokan

16.

Panahon kung saan napaghusay ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang mga kasangkapang metal.

a)

Panahong Paleolitiko

b)

Panahong Neolitiko

c)

Panahon ng Metal

d)

Panaho ng Lumang Bato

17.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?

a)

pagsasaka

b)

pangingisda

c)

pangangaso

d)

pagiging katulong sa ibang bansa

18.

Ano ang tawag sa sistema ng pakikipagkalakalan noong pre-kolonyal?

a)

open trade

b)

komunismo

c)

barter

d)

sosyalismo

19.

Anong lugar ang naging tanyag at sentro ng kalakalan sa bansa noong pre-kolonyal?

a)

Cebu

b)

Davao

c)

Leyte

d)

Manila

20.

Ano ang tawag sa gawaing pang ekonomiko na gumagawa ng mga bagay na mula sa metal tulad ng ginto?

a)

pangangaso

b)

pangingisda

c)

metalurhiya

d)

pangangalap ng pagkain

21.

Kung ikaw ay nabuhay noong pre-kolonyal at ang iyong trabaho ay paggawa ng mga sandata mula sa bakal, ano ang tawag sayo?

a)

karpentero

b)

latero

c)

mason

d)

panday

22.

Ito ay ang paghahawan at pagsusunog na ginagawa sa burol bilang paraan pagsasaka.

a)

metalurhiya

b)

pagkakaingin

c)

pagsasaka

d)

pag-aararo

23.

Ano ang paniniwala ng ating mga ninuno na ang tao, hayop, halaman, bato, tubig, at kalikasan ay may kaluluwa?

a)

Animismo

b)

Islam

c)

Judismo

d)

Kristyanismo

24.

Alin sa mga sumusunod ang sinisimbolo ng tattoo o batuk sa katawan?

a)

Kaayusan

b)

Kabaitan

c)

Katalinuhan

d)

Kagitingan at kagandahan

25.

Ano ang tawag sa tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas?

a)

Adat

b)

Hariraya

c)

Ruma Bichara

d)

Zakat

26.

Anong kulay ng kangan ang isinusuot ng datu?

a)

asul

b)

berde

c)

dilaw

d)

pula

27.

Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Muslim sa Mindanao?

a)

pamahalaang lokal

b)

pamahalaang lalawigan

c)

pamahalaang sultanato

d)

pamahalaang pambarangay

28.

. Pinakamataas na uri ng tao sa Pamahalaang Sultanato. A. B. C. D.

a)

Imam

b)

Pare

c)

Sultan

d)

Alkalde

29.

Ang Adat, Sharia, at ___________ mga batas ng Islam sa ilalim ng Pamahalaang Sultanato.

a)

Bibliya

b)

Qur’an

c)

Vedas

d)

Torah

30.

Taon ng pagdating ng mga Arabong mangangalakal sa katimugang bahagi ng kapuluan.

a)

1280

b)

1210

c)

1380

d)

1390

31.

Sino ang nagpalaganap ng Islam sa Sulu?

a)

Karim Ul-Makdum

b)

Tuan Masha’ika

c)

Raja Baginda

d)

Sharif ul- Hashim

32.

Ano ang tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Pilipino?

a)

Abakada

b)

Alibata

c)

Baybayin

d)

Latin

33.

Ito ay isang yugto ng ating kasaysayan kung saan ang mga tao ay may mataas na kaalaman sa mga bagay-bagay katulad ng agham at matematika.

a)

kabihasnan o sibilisasyon

b)

kaalaman

c)

kultura

d)

ekonomiya

34.

Bago pa dumating sa bansa ang mga mananakop, ang mga sinaunang Pilipino ay may sariling kultura, paniniwala, wika at pagsulat.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Hindi ako sigurado

d)

Hindi ako naniniwala

35.

Alin sa mga sumusunod ang tiyak o absolute na lokasyon ng Pilipinas sa mapa?

a)

4°23’ at 21°25’ hilagang latitud at 116°00 at 127°00 silangang longhitud

b)

2°43’ at 25°31’ hilagang latitud at 161°00 at 172°12 silangang longhitud

c)

1°32’ at 15°21’ hilagang latitud at 131°00 at 151°10 silangang longhitud

d)

3°23’ at 20°29’ hilagang latitud at 121°14 at 148°25silangang longhitud