Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EPP 4-HE Q1 3RD SUMMATIVE TEST

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Pang-aalis ng dumi, kalat at alikabok sa sahig na makinis, semento man o kahoy.

a)

walis tambo

b)

walis tingting

2.

Lalagyan ng dumi at kalat na natipon sa paglilinis.

a)

basurahan

b)

pandakot

3.

Pangpakintab ng sahig na kahoy, kawayan o semento.

a)

bunot

b)

pandakot

4.

Pangkuskos sa mga bagay na mahirap alisan ng dumi.

a)

bunot

b)

eskoba

5.

Gumamit ng walis tingting na may mahabang hawakan. Takpan ng diyaryo o iurong ang mga kasangkapan sa silid bago alisin ang mga agiw. Walisan ang silid.

a)

Kisame

b)

Dingding

6.

Kuskusin ang dingding ng basahang basa na may sabon. Maaaring gumamit ng eskoba. Banlawan ang basahan kapag marumi na ito. Kuskusin ang dingding hanggang maging malinis. Pahiran ng basahang tuyo ang malinis na dingding.

a)

Kisame

b)

Dingding

7.

Para sa bintanang salamin, gumamit ng basang diyaryo. Kuskusin ang salamin hanggang maging malinaw. Para sa mga bintanang yari sa kapis, gumamit ng basahan. Alisin ang alikabok at agiw.

a)

Bintana

b)

Sahig

8.

Walisan ang sahig simula sa mga sulok patungo sa gitna ng silid. Magwalis nang marahan upang di lumipad ang alikabok. Hakutin ang dumi sa pamamagitan ng pandakot.

a)

Bintana

b)

Sahig

9.

Ang malinis na tahanan ay susi upang maging ligtas sa mga mikrobyo at peste na pinanggagalingan ng sakit.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Magsunog ng mga basura na hindi nakukuha ng basurero.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Maaaring irecycle ang mga dyaryo, karton at bote.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Gumawa ng compost pit at doon na lamang itapon ang mga nabubulok na basura tulad ng mga pinagbalatan ng mga gulay at prutas.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Maaari ireuse o gamitin ulit ang mga bote ng softdrinks at ecobag.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Huwag bawasan ang paggamit ng plastic bag para lagyan ng mga pinamili.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Pang-ipon at panghakot ng dumi sa sahig at bakuran.

a)

basurahan

b)

pandakot