wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Q1

Total questions: 10

Worksheet time: 21mins

Name
Class
Date
1.

Mahalaga na maipakita ko sa aking mga kaibigan, kamag-aral, magulang, at kapitbahayan ang aking kakayahan upang malaman ko ang mga dapat kong paunlarin.

a)

TAMA

b)

MALI

c)

HINDI KO ALAM

d)

WALA AKONG PAKIALAM

2.

Itinapon na lamang ni Lyn ang mga punit na damit sa pagkat ayaw niyang manahi. Ang sitwasyong ito ba ay nagpapakita ng pagiging matiyaga?

a)

Oo

b)

Hindi

c)

Hindi ko alam

d)

Wala akong pakialam

3.

Walang kang baon sa paaralan kaya lumiban ka sa klase. Naipakita mo ba sa paraang ito na ikaw ay batang matiisin?

a)

Oo

b)

Hindi

c)

Hindi ko alam

d)

Wala akong pakialam

4.

Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang naririnig mo sa radyo o nababasa sa pahayagan?

a)

Naniniwala ako kaagad sa mga balitang naririnig sa radyo o nababasa sa mga pahayagan.

b)

Ipinagkalat ko kaagad anumang balita ang aking marinig o mabasa.

c)

Sinusuri at tinitimbang ko nang mabuti kung ang balita ay tama o hindi.

d)

Wala akong pakialam sa mga balita.

5.

Bilang mag-aaral, ano ba ang iyong maipapayong kabutihan sa kapwa mo mag-aaral ukol sa mga pinanood na palabas sa telebisyon?

a)

Manood ng mga palabas na may karahasan.

b)

Manood ng mga palabas tungkol sa digmaan upang maging handa sa anumang digmaan.

c)

Manood ng mga maganda at mga makabuluhang palabas na magbibigay ng aral sa iyo.

d)

Manood ng kahit anong palabas kahit hindu angkop sa kabataan.

6.

Ito ay isang modernong pagpapadalang liham.

a)

E-mail

b)

Google

c)

Facebook

d)

YouTube

7.

Isang uri ng website na maaaring gamitin upang makapanood ng video o palabas.

a)

E-mail

b)

Facebook

c)

Twitter

d)

YouTube

8.

May usapan kayo ng iyong kaibigan na magkita sa mall upang manood ng sikat na palabas sa sine subalit hindi ka pinayagan ng iyong Nanay na lumabas ng bahay dahil may mahalagang lalakarin ang iyong mga magulang at ikaw ang maiiwan sa bahay. Ano ang tamang gagawin?

a)

Susundin si nanay at magpasensya nalang ngunit sisimangotan ko siya buong araw.

b)

Susundin ko ang aking nanay ngunit aalis rin ako pagkaalis niya at uuwi kaagad upang hindi niya malaman na lumabas din ako.

c)

Aawayin ko ang aking nanay dahil may usapan na kami ng aking mga kaibigan bago pa man siya nagsabi na may lalakarin siya.

d)

Magpasensya nalang at susundin ang aking nanay at tatawagan ko na lang ang aking mga kaibigan at ipapaliwanag sa kanila ang dahilan kung bakit hindi ako makapunta sa aming usapan.

9.

Ano ang kaakibat ng salitang "magtimpi"?

a)

paalala

b)

sinabihan

c)

programa

d)

pagtitiis

10.

Ang batang maruning magtimpi ay madalas mapapaaway sa ibang bata?

a)

Tama

b)

Mali

c)

Parang

d)

Iwan