WorksheetsUNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ESP 7
Total questions: 30
Worksheet time: 22mins
Alin sa mga sumusunod na larangan ang angkop sa taong may katalinuhang Visual-Spatial?
Agham
Politika
Pagtuturo
Sining
Mababa ang marka ni Kyla sa assignaturang English dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang marka sa mga pagsusulit at nahihiya siya na magrecite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng ingles. Ano ang maaring maging solusyon sa suliranin ni Kyla?
Maglaan ng sapat na oras upang mapaunlad ang kanyang kakayahan sa pagsulat at pagsasalita ng ingles.
Hayaan na lamang na mababa ang kanyang marka dahil hindi naman ito batayan ng kakayahan niya bilang mag-aaral.
Kausapin ang kanyang kamag-aral na pakopyahin siya sa tuwing sila ay may pagsusulit sa assignatura.
Lahat ng nabanggit.
Bakit mahalaga para sa kabataang katulad mo na tuklasin, kilalanin, at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?
Upang maging pinakamagaling at pinakamatalino sa klase
Upang hindi kantyawan at tuksuhin ng mga kamag-aral
Upang magawa ang lahat ng iyong naisin pagdating ng panahon
Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
Bakit mahalaga na malaman mo ang iyong mga hilig?
Dahil ito ang makakapagpaunlad ng antas ng iyong buhay sa hinaharap
Dahil ito angmagbibigay-kahulugan sa iyong pang-araw-araw na Gawain
Dahil ito ang magbibigay ng palatandaan sa uri ng kurso at trabaho na makakapagpasaya sa iyo
Dahil ito ang makakatulong upang matukoy mo ang gusto mong gawin sa iyong libreng oras
Si Mikko ay isang sikat na kompositor at mang-aawit. Anu-ano ang larangan ng hilig ni Mikko?
Musical at Artistic
Musical at Clerical
Musical at Literary
Musical at Outdoor
Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng hilig sa larangang outdoor?
Paglalaro ng mga computer games
Pagsagot ng sudoku at mga puzzle
Pagsali sa patimpalak sa paglangoy
Pagbabasa ng aklat tungkol sa kasaysayan ng mundo
Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pinagmulan ng hilig MALIBAN sa:
Inilaan ni Jamir ang kanyang panahon upang maging magaling sa computer games para makasabay sa kanyang mga kabarkada
Masaya si Anna kapag nakakatulong siya sa iba kaya naman nakahiligan na niya ang sumama sa mga outreach programs
Sa murang edad ay nais nang makatulong ni Kean sa kanyang mga magulang kaya inaral niya ang pananahi upang makatulong sa kanilang negosyo
Namulat si Mica sa araw-araw na panonood sa trabaho ng kanyang ama kaya nahilig din siya sa pagluluto
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng isang kabataan na gumagawa ng paraan upang mapaunlad ang kanyang mga hilig?
Alam ni Sophia na magaling na siyang umawit kaya hindi na siya nagsasanay sa kanyang libreng oras
Pinag-aaralang mabuti ni Calix ang kanilang mga aralin sa assignaturang Science upang lalo niya itong matutunan
Nahihiya si Joan na humarap sa maraming tao kaya hindi siya sumasali sa patimpalak sa pagtula kahit hilig niya ito
Lahat ng nabanggit
Dumadalang ang oras sa pamilya ng mga nagdadalaga/nagbibinata dahil sa pagkakaroon ng maraming ____________.
Bisyo
Gadyet
Kaibigan
Kaaway
Ang mga sumusunod ay makakatulong sa isang nagdadalaga/nagbibinata sa paghahanda para sa paghahanapbuhay MALIBAN sa:
Kilalanin ang iyong mga talento, hilig, kalakasan at kahinaan.
Ubusin ang panahon sa paglalaro at maglibang
Hubugin ang tiwala sa sarili
Humingi ng payo sa mga magulang at iba pang nakatatanda
Si Ferdie ay malaki na ang pinagbago sa pakikipaglaro. Dati gusto niya na lahat ng laruan ay kanya. Ngayon marunong na siyang magbahagi sa mga kalaro at hindi na siya nakikipag-away. Si Ferdie ay nagpakita ng:
Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan
Paghahanda sa pag-aasawa
Pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipag-kapwa
Pagtanggap ng papel sa lipunan bilang babae at lalaki
Simula ng nagdalaga si Anna ay hindi niya kinakaligtaan ang paglilinis ng kanyang katawan. Alin sa mga sumusunod ang isinasabuhay ni Anna?
Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at tamang pamamahala sa mga ito.
Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
Paghahanda para sa paghahanapbuhay
Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
Humihingi ng payo si Kyle sa kanyang mga guro tungkol sa kurso na nababagay na kunin niya sa kolehiyo batay sa kanyang mga talento at kakayahan. Alin sa mga sumusunod ang isinasabuhay ni Kyle?
Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at tamang pamamahala sa mga ito.
Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
Paghahanda para sa paghahanapbuhay
Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
Alin sa sumusunod ang HINDI makatotohanan tungkol sa talento at kakayahan?
Ang bawat tao ay may likas na talino at kakayahan
Ang talento ay pambihira at likas na kakayahan
May mga taong hindi biniyayaan ng talento dahil sa masama ang kanilang ugali
Ang talento at kakayahan ay magkaugnay ngunit magkaiba
Ayon sa sikolohista, ang talento ay may kinalaman sa:
Katangiang minana mula sa mga magulang
Katangiang nakukuha mula sa mga kaibigan
Katangiang nagmumula sa mga karanasan sa buhay
Katangiang napapaunlad dahil sa pag-aaral
Mahilig sa pagtuklas ng mga bagong produkto si Cynthia kaya hinahangaan siya ng kanyang mga kamag-aral. Ano ang larangan ng hilig ni Cynthia?
Outdoor
Scientific
Mechanical
Musical
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagbuo ng tiwala sa sarili?
Panatilihin ang takot at pagiging mahiyain
Kilalanin ang sarili at alamin ang kahinaan
Sikaping makihalubilo sa karamihan
Maging positibo sa kabila ng mga suliranin
Hilig ni Sasha ang pagluluto. Alin sa mga sumusunod na larangan kabilang ang kanyang hilig?
Computational at Scientific
Artistic at Clerical
Mechanical at Literary
Outdoor at Musical
Ang pagkakaroon ng kaibigan ay kabilang sa anong aspeto ng mga pagbabagong kinakaharap ng nagdadalaga/nagbibinata?
Pangkaisipan
Pandamdamin
Panlipunan
Moral
Tawag sa mga taong hindi pa natutuklasan ang kanilang mga talento
Extrovert
Introvert
Late bloomer
Naturalist
Bukod sa katalinuhang Musical-Rhythmic, ano ang isa pang katalinuhan na tinataglay ng isang kompositor ng kanta?
Visual-Spatial
Bodily-Kinesthetic
Verbal-Linguistic
Mathematical-Logical
Ito ang tawag sa katalinuhan sa mga bagay na matatagpuan sa daigdig kagaya ng mga halaman, mga hayop, at iba pa.
Naturalist
Existential
Intrapersonal
Interpersonal
Si Samantha ay may katalinuhang Bodily-Kinesthetic. Alin sa mga sumusunod na larangan ang maaari nyang tahakin pagdating ng panahon?
Pagiging environmentalist at magsasaka
Pagiging mang-aawit at taga-sulat ng kanta
Pagiging mananayaw at pag-aartista
Pagiging negosyante at manunulat ng nobela
Ang mga sumusunod ay maaari mong gawin upang mapaunlad ang iyong tiwala sa sarili MALIBAN sa:
Isipin agad ang mangyayari sa hinaharap
Paunlarin ang mga talento at kakayahan
Magkaroon ng positibong pag-iisip
Tukuyin ang mga kalakasan at kahinaan
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng isang kabataan na may mataas na tiwala sa kanyang sarili?
Umaasa lagi si Mikel sa plano at desisyon ng kanyang mga kabarkada upang hindi sya magkamali
Ginagamit ni Angie ang kanyang talento sa Math sa maling paraan
Palaging nag-aalala si Jomar na siya ay babagsak sa kanyang mga pagsusulit
Malugod na sumasali si Kate s amga patimpalak sa paaralan upang mapaunlad ang kanyang mga talento at karanasan
Ang mga nagdadalaga at nagbibinata ay nahihilig sa pagbabasa at nagiging mabilis sa pagmememorya. Sa anong aspeto kabilang ang pagbabagong ito?
Pangkaisipan
Panlipunan
Pandamdamin
Moral
Ilan ang mga katalinuhang kabilang sa Teorya ng Multiple Intelligences?
7
8
9
10
Ang mga tinedyer na lalaki ay mas komportable na magpakita ng kanilang damdamin kaysa sa mga tinedyer na babae.
Tama
Mali
Ang mga bata, bago dumating sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata, ay kadalasang nakikipag-ugnayan sa kapwa nya na kaparehas ang kasarian
Tama
Mali
Ang mga sumusunod ay pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata MALIBAN sa:
Nag-iiba ang paraan ng pakikitungo sa kapwa
Nagiging mas emosyonal at madamdamin
Nagkakaroon ng mga pagbabago sa pisikal na katawan
Nagiging masama ang ugali
