wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP

Total questions: 20

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa pag-iisip ng solusyon ng isang bagay bilang kapatid, Ano ang maari mong gawin?

a)

pabayaan silang di-magkasundo

b)

awayin mo silang dalawa

c)

gumawa ng hakbang upang muli silang magkasundo

d)

sigawan mo sila

2.

Paano maipapakita ang makatuwiran at pantay sa paggawa ng pasya?

a)

magbigay agad ng pasya

b)

iisipin o isaalang-alang ang mga taong maaapektuhan sa paggawa ng pasya

c)

magbigay agad-agad ng desisyon para sa sariling kapakanan

d)

pabayaan na lang kung ano ang magiging pasya

3.

Dalawa sa kaklase mo ang magdiwang ng kanilang kaarawan. Si Rose ay mayaman ngunit si Kris ay mahirap lamang.Sino sa dalawa ang bibigyan mo ng mamahaling regalo?

a)

Si Kris dahil siya ay may higit na nangangailangan

b)

Si Rose dahil gustong-gusto niya ang regalo

c)

Si Rose dahil mayaman

d)

magbunutan sila kung sino ang bibigyan

4.

Kaarawan ng kaibigan mo at inimbitahan ka para dumalo sa kaniyang party at nangako kang dadalo. Ngunit marami

kang dapat tapusin na gawain. Ano ang gagawin mo?

a)

ipagwalang bahala ito

b)

dadalo dahil nakapangako ka

c)

hahanap ng “alibi”

d)

ipagpapatuloy ang gagawin

5.

Nagkaroon ng problema sa bahay na kailangan ng solusyon. Ano ang pwede mong gawin?

a)

tumulong upang solusyonan ang problema

b)

ipagwalang-bahala ang problema

c)

tawanan ang problema

6.

Nagkaroon ng problema sa bahay na kailangan ng solusyon. Ano ang pwede mong gawin?

a)

tumulong upang solusyonan ang problema

b)

ipagwalang-bahala ang problema

c)

tawanan ang problema

7.

Nalaman mo sa balita na ang simula ng klase ay maaaring sa buwan ng Agosto, sa iyong palagay ay hindi ito totoo, ano ang gagawin mo?

a)

Magsasaliksik gamit ang internet.

b)

Magtatanong sa nanay.

c)

Magbabasa sa facebook.

d)

Magtatanong sa kaklase.

8.

5. Ang fake news ay nakapaghahatid ng kapahamakan sa kapwa.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Ang katotohanan ay ang pagiging tapat sa salita at gawa.

a)

Tama sa lahat ng pagkakataon.

b)

Depende sa sitwasyon.

c)

Hindi sa lahat ng pagkakataon.

d)

Wala sa nabanggit.

10.

Piliin ang mga pangungusap na nagsasaad ng palatandaan ng mapanuring pag-iisip.

a)

Iniisip ang mabuti at hindi mabubuting epekto ng isang sitwasyon.

b)

Pinaiiral ang lahat ng gusto para sa sariling kaligayahan.

c)

Padalos-dalos sa pagpapasiya.

d)

Naghahanap ng alternatibo sa paglutas ng mga suliranin.

11.

Kumakampi ka ba sa kaibigan mo kahit na alam mong mali siya? Oo o Hindi

(a)  

12.

Ang desisyon ay dapat ayon sa ating konsensya.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Ang pagbibigay ng pasya o paggawa ng desisyon ay dapat makabubuti sa lahat upang walang matapakan/masaktan o mapinsala.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Sinusuri at pinag-iisipan muna ang bawat pasya na ginagawa o ibibigay.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Tanggapin agad ang pasya ng iba nang walang pagaalinlangan

a)

Tama

b)

Mali

16.

Kumonsulta sa mga nakakatanda upang mas matulungan ka sa pagpapasya.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Dapat ang desisyong gagawin ay ayon sa pananampalataya, o sa kinabibilangang relihiyon.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Alin ang nagsasaad na ang teknolohiya ay nakatutulong sa pagbibigay ng impormasyon?

a)

Si Martin ay gumamit ng Google upang makatulong sa kanyang mga aralin.

b)

Si Myla ay nagtanong sa kanyang ate ng tamang sagot sa kanyang gawaing bahay.

c)

Nanood si Melvin ng sine.

d)

Naglaro si Raul ng mobile legend.

19.

May patalastas sa TV tungkol sa isang produkto na mabisang makagagamot sa tagihawat. Hinimok ka ng iyong mga kaibigan na bumili nito upang tulad nila masosolusyunan na rin ang matagal mo nang dinadalang problema sa balat. Alam mong hindi ka mahihirapang bumili nito dahil maraming suplay nito sa botika. Ngunit, may kamahalan ito at kapos ang pamilya mo sa pera ngayon. Pansamantalang natigil kasi ang ama mo sa kaniyang trabaho dahil sa ipinatutupad na quarantine sa inyong lugar. Bibili ka ba sa produktong ito?

a)

Oo, dahil marami na sa iyong mga kaibigan ang gumagamit nito.

b)

Oo, dahil ito na ang sagot sa matagal mo nang problema sa balat.

c)

Hindi, dahil pare-parehong di-makatotohanan ang lahat ng patalastas.

d)

Hindi, dahil hindi ito prayoridad na panggagamitan ng pera sa ngayon.

20.

Nabalitaan mo sa radyo na sangkot daw sa pagbebenta ng shabu ang tatay ng kaklase mo. Depensa naman ng kaklase mo na napagbintangan lang ang tatay niya sa kaso. Paano mo ngayon pakikitunguhan ang nasabing kaklase?

a)

Hindi mo na siya kikibuan magmula ngayon

b)

Pagtawanan siya at sabihing siya ay nagsisinungaling.

c)

Layuan ang kaklase bago siya makaiimpluwensiya sa iyo ng masama.

d)

Bigyan mo siya ng lakas ng loob dahil nahihirapan din siya sa ngayon.