NEW
Font size
WorksheetsAP 4 Q1 3RD SUMMATIVE TEST
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Sagana sa likas na yaman ang ating bansa at ito ay makikita lang sa ating kapaligiran.
Tama
Mali
Kailangan natin ang likas na yaman ng ating bansa sapagkat ito ang pinanggagalingan ng lahat ng ating mga pangunahing pangangailangan.
Tama
Mali
Ito ay mga bagay na nagmumula sa kalikasan kung saan nanggagaling ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
Likas na Yaman
Likas Bahay
Ang mga anyong lupa at anyong tubig ay lubos na mahalaga sa pamumuhay ng mga mamamayang tao. Kaya bilang isang Pilipino tungkulin nating ingatan ang lahat ng ito.
Tama
Mali
Ang _______________ ay isang pantay at malawak na anyong lupa. Mainam itong taniman ng iba’t ibang pananim lalong-lalo na ng mga gulay.
bundok
kapatagan
Ang ___________ ang pinakamataas na anyong lupa at di hamak na mas mataas kaysa burol.
bundok
kapatagan
Ang ____________ ay mataas na parte ng lupa na mas maliit kaysa bundok. Pabilog ang hugis ng tuktok nito.
bulubundukin
burol
Ang _________ ay binubuo ng maraming magkahanay na bundok. Mas matataas at matatarik ang mga ito kaysa bundok.
bulubundukin
burol
Ang ___________ ay isang patag na lupa sa ibabaw ng bundok. Malamig ang klima dito dahil sa mataas na lokasyon nito.
bulubundukin
talampas
Ang _________ ay isang mahaba at patag na lupa sa pagitan ng dalawang bundok o burol.
bulkan
lambak
Ang __________ ay anyong lupa na mataas na gaya ng bundok. Ang bulkan ay maaring maglabas ng “lava” o mga tunaw na bato.
bulkan
lambak
Ang __________ ang pinakamalaki at pinakamalalim na anyong tubig. Maalat ang tubig nito.
karagatan
talampas
Ang __________ ay malaking anyong tubig ngunit mas maliit sa karagatan. Makikita sa mapa ang mga dagat na nakapaligid sa bansa.
karagatan
dagat
Ang __________ ay bahagi ng karagatan na bahagyang napaliligiran ng lupa.
golpo
dagat
Ang ____________ ay isang makitid na lagusan ng tubig sa pagitan ng dalawang mga pulo at nagdurugtong sa dalawang malalaking anyong tubig.
golpo
kipot
Ang ____________ ay isang anyong tubig na mas malawak kaysa sa isang kipot. Ito ay nagdurugtong sa dalawang malaking katawan ng tubig tulad ng dagat o karagatan.
tsanel
kipot
Ang _______ ay anyong tubig na napaliligiran ng lupa. Hindi umaagos ang tubig na nagmumula rito at karamihan sa mga anyong tubig na ito ay tubig tabang o hindi maalat.
tsanel
lawa
Ang tubig na nanggagaling sa isang talon ay bumabagsak mula sa ilog na karaniwang nasa isang mataas na lugar gaya ng bundok.
talon
lawa
Ang ___________ ay isang mahaba, makipot, at paliko-likong anyong tubig na dumadaloy patungong dagat. Nagmumula ito sa maliit na sapa at itaas ng bundok o burol.
talon
ilog
Ang __________ ay ang anyong tubig na sumusulpot mula sa mga siwang ng bato. Karaniwan itong matatagpuan sa mga dalisdis ng bundok o sa mga pook na may bulkan.
bukal
ilog
