NEW
Font size
WorksheetsPANDIWA AT ASPEKTO NITO
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Nagdudumaling ________ ng sastre ang nawawalang karayom kanina.
hinanap
kahahanap
hinahanap
hahanapin
Ang sanggol ay _________ tuwing siya'y gutom.
umiyak
kaiiyak
umiiyak
iiyak
Ador, _________ ka. Lantang-lanta na ang mga halaman.
nagdilig
kadidilig
nagdidilig
magdilig
_________ kahapon ang pagpipinta ng kanilang bahay.
Natapos
Katatapos
Nagtatapos
Matatapos
Laging _________ dito ang mga batang iyon.
kumain
kakakain
kumakain
kakain
Ano? _______ ko pa lang ng bigas, wala na tayong pansaing ngayon?
bumili
kabibili
bumubili
bibili
Si Rosa ay laging _______ tuwing tinatanong ng guro.
umiling
kaiiling
umiiling
iiling
_______ ng babae ang mga halaman bukas nang umaga.
Diniligan
Kadidilig
Dinidiligan
Didiligan
________ ni Nanay ang matrikula ko sa isang linggo.
Binayaran
Kababayad
Binabayaran
Babayaran
________ ko pa lang, basa na agad ako ng pawis.
Nagbihis
Kabibihis
Nagbibihis
Magbibihis
