wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP6,Q1,SUMMATIVE4

Total questions: 20

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

1.Sino ang heneral na namatay sa Pasong Tirad habang pinipigilan ang mga Amerikanong tumutugis sa Pangulo ng Republika ng Pilipinas?

a)

Antonio Luna

b)

Miguel Malvar

c)

Vicente Lukban

d)

Gregorio Del Pilar

2.

2. Anong sagisag panulat ang ginamit ni Antonio Luna sa Propaganda?

a)

Plaridel

b)

Taga-ilog

c)

Dimasalang

d)

Tikbalang

3.

3. Bakit tinaguriang Bayani ng Pasong Tirad si Gregorio del Pilar?

a)

Dahil doon siya ipinanganak

b)

Dahil doon siya nahuli ng mga Amerikano

c)

Dahil doon siya nanalo laban sa mga Amerikano

d)

Dahil doon siya namatay habang ipinagtatanggol ang ating kalayaan

4.

4. Ano ang tanyag na larawang ipininta ni Juan Luna at nanalo sa pandaigdigang paligsahan?

a)

La Pieta

b)

Madonna

c)

Spolarium

d)

Mona Lisa

5.

5. Bakit itinuturing na bayani si Miguel Malvar sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa?

a)

Dahil lumaban siya sa himagsikan laban sa mga Kastila

b)

Dahil lumaban siya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

c)

Dahil ayaw niyang kilalanin ang pamahalaan ng Amerika

d)

Dahil naging pinunong heneral siya sa Batangas at patuloy na nakipaglaban kahit na nahuli si Emilio Aguinaldo

6.

6. Paano ipinakita ni Macario Sakay ang kanyang pag-aalsa laban sa pamamahala ng mga Amerikano?

a)

Nagtatag ng isang pabrika para sa manggagawa

b)

Nagprotesta siya sa pamamagitan ng pagrarali

c)

Nagsulat siya ng mga artikulo laban sa mga Amerikano

d)

Nagtatag siya ng isang pamahalaan na tinatawag na Republikang Tagalog

7.

7.Sino ang unang pangulo at nagpahayag ng kalayaan buhat sa mga Espanyol?

a)

Jose Rizal

b)

Emilio Jacinto

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Andres Bonifacio

8.

8. Sa anong taguri na kilala si Apolinario Mabini?

a)

Dakilang Lumpo

b)

Dakilang Pintor

c)

Dakilang Mamamahayag

d)

Dakilang Supremo

9.

9. Anong katangian ng mga natatanging Pilipino ang kanilang ipinakita nang ipinaglaban nila ang kalayaan ng ating bansa?

a)

katapatan

b)

kagitingan

c)

lakas ng loob

d)

pakikipagkapwa

10.

10. Sina Antonio Luna, Gregorio del Pilar, Apolinario Mabini at iba pang mga bayaning Pilipino ay nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa sa kanilang mga ginawang kabayanihan?

a)

Hamakin ang kanilang nagawa

b)

Pagtawanan ang kanilang nagawa

c)

Hindi kilalanin ang kanilang nagawa

d)

Ipagmalaki at pahalagahan ang kanilang nagawa

11.

Sa anong paraan ipinahihiwatig ng mga propagandista ang kanilang kilusang hinaing?

a)

Pagkakaisa

b)

Pagtulong-tulong

c)

Unahan ng paglabas ng mga nobela

d)

Sa pagsulat ng mga nobela at pluma

12.

Ang Kilusang Propaganda ay isang mapayapang kampanya para sa mga reporma alin sa mga sumusunod ang kabilang ng kanilang layunin?

a)

Maging alipin ang mga Pilipino sa mga kastila

b)

Matamo ang pantay-pantay na pakikitungo sa Pilipino

c)

Magkaroon ng malaking buwis ang mga Pilipino para sa pamahalaan

d)

Ang mga kastilang pari lamang ang mgay Karapatan na magsilbi sa simbahan

13.

Ang KKK ay katas-taasang , kagalang-galangang Katipunan ng mga anak ng bayan, ano ang pangungahing layunin nito?

a)

Maghihimagsik

b)

Pananampalataya

c)

Makiisa sa mga Espanyol

d)

Makamit ang Kalayaan ng bansa.

14.

Nabigo ang Kasunduan sa Bia-na-bato dahil sa kawalan ng ______sa isa’t isa ng mga manghihimagsik ng PIlipio at mga Espanyol.

a)

Pagkakaisa

b)

Pagtitiwala

c)

Paglilingkod

d)

Pagpapatawad

15.

Ano ang tawag sa papel na pinunit ng mga katipunero?

a)

Aklat

b)

Bibliya

c)

Sedula

d)

Pahayagan

16.

Ito ang pinakatanyag na pangalan ni Melchora Aquino.

a)

Tandang Sora

b)

Ina ng Balintawak

c)

Babae ng Rebolusyon

d)

Ina ng Repolusyong Pilipino

17.

Ano ang naging ambag o kontribusyon ni Julian Felipe sa deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas?

a)

Sumulat sa liriko

b)

Tagapayo ni Aguinaldo

c)

Nagdesenyo ng watawat

d)

Gumawa sa himig ng Lupang Hinirang

18.

Siya ang pumalit kay Graciano Lopez Jaena bilang editor ng pahayagang La Solidaridad.

a)

Jose P. Rizal

b)

Marcelo H. Del Pilar

c)

Emilio Aguinaldo

19.

Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng KKK o Katipunan.

a)

Emilio Jacinto

b)

Gregorio del Pilar

c)

Andres Bonifacio

20.

Siya ang may akda ng mga nobelang Nolie Me Tangere at El Filibusterismo.

a)

Marcelo H. del Pilar

b)

Jose P. Rizal

c)

Andres Bonifacio