WorksheetsKAHALAGAHAN AT PAMAMARAAN SA PAGGAWA NG ABONONG ORGANIKO
Total questions: 12
Worksheet time: 11mins
Sa napanood nating video mula sa youtube ano-ano ang mga materyales o mga sangkap na puwede nating gamitin sa paggawa ng organikong pataba?
Ano ang dalawang mahalagang elemento na mayroon sa gagawing organikong pataba batay sa ating napanood na video?
Nitrogen at Carbon
Nitrogen at Oxygen
Oxygen at Carbon
Carbon at Chloride
Mula sa mga sangkap na nabanggit sa video, alin ang mayaman sa elementong carbon?
mga balat ng saging
balat ng itlog
mga tuyong dahon o mga karton
mga tuyong dumi ng hayop
Ano naman ang makukuha nating mahalagang elemento mula sa mga berdeng dahon, o mga pinagbalatan nga mga gulay o saging?
sulphate
phosphate
nitrogen
carbon
Bakit kaya kailangang gupitin o gawing mas maliit ang mga berdeng dahon o mga pinagbalatan ng saging, bilang sangkap ng gagawing organikong pataba?
Para mas magandang tigna.
Ito ang nararapat at dapat.
Para madaling ma decompost ang mga ito.
Trip-trip lang, para masaya.
Ano naman ang ratio ng gagawin nating pataba mula sa tinatawag na brown at green?
dalawang bahagi ng brown at dalawang bahagi ng green, 2:2 ratio
isang bahagi ng brown at isang bahagi ng green 1:1 ratio
dalawang bahagi ng brow at isang bahagi ng green 2:1 ratio
isang bahagi ng brown at dalawang bahagi ng green 1:2 ratio
Bakit mainam na gawin din ang compost tea?
Para makatipid sa nagawang compost, na puwedeng idilig sa mga halaman.
Para mayroong alternatibong inumin at gawing tea?
Para magandang tignan.
Ano ba trip trip lang yan.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko?
Napabubuti ang hilatsa ng lupa gamit ang abonong organiko.
Malusog na paglaki ng ng mga pananim at hindi na kailangang bumili ng abonong komersiyal.
Pinapaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.
Sigurado ako, lahat nang nabanggit na kasagutan.
Kung walang bakanteng lupa o espasyo sa bahay, alin sa sumusunod ang puwede mong gamitin bilang compost o isang lalagyan ng mga tuyong dahon, balat ng prutas at gulay at mga tirang pagkain?
Luman kariton.
Maliit na laundry basket.
Kahong gawa sa karton.
Pinagpatong-patong na mga lumang gulong ng sasakyan.
Gaano katagal bago magamit bilang pataba ang mga nabubulok na basura?
Isang linggo
Dalawang linggo
Tatlong linggo
Isa hanggang dalawang buwan
Magbigay ng mga kahalagahan ng paggawa ng organikong pataba.
Mahirap bang gawin o isagawa ang mga hakbang o proseso ng paggawa ng organikong pataba?
Madali lang, kayang-kaya kong gawin ito.
Napakahirap isagawa ito.
Bibili na lang ako.
Ayaw kong gawin ito.
