wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP SUMMATIVE 2

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Si Allan ay bagong lipat sa paaralang kaniyang pinapasukan. Isang araw, tinutukso siya ng kaniyang mga kaklase. Ano ang nararapat niyang gawin?

a)

Lumipat ng ibang paaralan

b)

Sabihin sa guro ang ginagawang panunukso

c)

Huwag kikibuin dahil mapapagod din sila sa panunukso

2.

Ang batang may matatag na kalooban ay:

a)

May tiwala sa sarili

b)

Nag-iisip muna bago gumawa ng anumang aksiyon

c)

May pagpipigil sa sarili upang huwag makapanakit ng iba

d)

Lahat ng nabanggit

3.

Sumali ka sa patimpalak sa pag-awit sa inyong paaralan ngunit pumiyok ang iyong boses sa gitna ng kompetisyon kaya ikaw ay natalo. Paano mo ipapakita ang katatagan ng loob?

a)

Huwag pumasok sa klase dahil sa kantiyaw

b)

Hindi na kailanman sasali sa mga patimpalak

c)

Muling mag-ensayo upang maging handa sa susunod na patimpalak

4.

Hindi pinagbigyan ni Annie ang kaniyang kaibigan na mangopya sa kaniya sa pagsusulit. Nanindigan si Annie na mali ito. Anong katangian ni Annie ang nagpakita ng katatagan ng kalooban?

a)

Tiwala sa sarili

b)

Pagpipigil sa sarili

c)

Pagiging positibo

5.

Ang sumusunod ay nagpapakita ng katatagan ng kalooban, maliban sa:

a)

Pagtanggap ng pagkatalo nang may ngiti

b)

Tinatanggap ang pangaral ng mga magulang

c)

Tinataasan ng boses ang kaklaseng may katampuhan

6.

Paano dapat pakikitunguhan ang pambu-bully ng kaklase?

a)

Lumiban sa klase

b)

Huwag kumibo kapag binu-bully

c)

Sabihin sa guro ang totoong pangyayari

7.

Ang batang malusog ay _____________________.

a)

sakitin

b)

may aktibong katawan

c)

magaspang na balat

8.

Ang pagkain ng masustansiyang gulay, prutas, at pag-inom ng gatas ay nakatutulong sa ating ______________.

a)

kaisipan

b)

kapitbahay

c)

katamaran

9.

Ang pagsisimba tuwing linggo ay nakatutulong sa ating _______________.

a)

pag-inom

b)

paglalaro

c)

paniniwala

10.

Gaano kadalas maligo ang isang tao?

a)

Bihira

b)

Araw-araw

c)

Hindi naliligoHindi naliligo

11.

Gaano kadalas maligo ang isang tao?

a)

Bihira

b)

Araw-araw

c)

Hindi naliligoHindi naliligo

12.

Ang pagtulog sa tamang oras ay nakakatutulong sa ating ___________.

a)

kaliksihan

b)

katamlayan

c)

katawan

13.

Nagbalak ang mga kaibigan mo na nakawin ang mga bunga ng mangga sa inyong kapitbahay.

a)

sasali ako

b)

bubukod ako

14.

Nagyaya ang tatay mo na pupunta kayong mag-anak sa bukid upang anihin ang mga pananim na gulay.

a)

SASALI AKO

b)

BUBUKOD AKO

15.

Nakapulot kayo ng kapatid mo ng pera at mungkahi niya na isauli ito sa may-ari.

a)

SASALI AKO

b)

BUBUKOD AKO

16.

Sinabihan ka ng kaklase mo na lilinisin ninyo ang inyong silid-aralan bago kayo uuwi.

a)

SASALI AKO

b)

BUBUKOD AKO

17.

Pinapaamin ka ng mga magulang mo sa iyong nagawang kasalanan. Alam mo na pagagalitan ka nila kung sasabihin mo ang totoo. Magtatapat ka pa rin ba? Bakit?

a)

Hindi, dahil baka saktan nila ako.

b)

Oo, kasi alam naman nila ang totoo.

c)

Oo, dahil hindi mabuti ang magsinungaling.

18.

May isang bagay na gustong-gusto mong kunin ngunit mahigpit na ipinagbabawal ng nanay mo ang paggalaw nito. Ano ang gagawin mo?

a)

Hindi ko ito gagalawin.

b)

Kukunin ko kapag wala na si Nanay at ibabalik ko lang kung darating na siya.

c)

Susubukan kong kunin at titingnan ko kung paparusahan ba ako ni Nanay.

19.

Puno na ang alkansiya mo. Gusto mo na itong buksan upang bumili ng bagong laruan. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Bubuksan ko ito ayon sa gusto ko dahil ako naman ang nag-ipon nito.

b)

Sasabihin ko sa nanay ko na puno na ang alkansya ko at kailangan kong umalis upang bumili ng laruan.

c)

Sasabihin ko sa mga magulang ko at hihingi ako ng payo kung kailan ko ito bubuksan at kailan ako bibili.

20.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katatagan ng kalooban?

a)

Pagtakas sa mga gawaing-bahay

b)

Pagsisinungaling sa mga magulang

c)

Pagiging positibo sa pagharap sa mga problema