NEW
Font size
WorksheetsReview Test
Total questions: 15
Worksheet time: 5mins
Sa halip na kumibo ay nanahimik na lamang siya upang hindi na lumaki pa ang gulo. Ano ang kasingkahulugan ng salitang kumibo?
kumilos
magsalita
tumayo
umawit
Tumingala siya at nakita ang nakasabit na matabang usa. Ano ang kasalungat ng salitang tumingala?
dumilat
dumungaw
umakyat
yumuko
Isang matabang usa ang kanyang nadale. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nadale?
iniuwi
nahuli
nakita
natapakan
Matabang usa ang nahuli ng bitag. Ano ang kasalungat ng salitang mataba?
bata
malusog
matanda
patpatin
Ang pagdating ng kanilang pinuno ay _____ na tapat siya sa kanyang sinabi.
kapani-paniwala
katunayan
nagpapakita
pinatutunayan ng mga detalye
Sa __________ pinakikinggan niya ang mungkahi ng bawat miyembro upang maging patas sa lahat.
kapani-paniwala
katunayan
nagpapakita
pinatutunayan ng mga detalye
Napakabuti ng kanilang pinuno sapagkat ang kanyang mga ginagawa ay__________ rin ng kanyang malasakit sa mga tao.
kapani-paniwala
katunayan
nagpapakita
pinatutunayan ng mga detalye
Alam ng bawat isa na tapat ang kanilang pinuno dahil ito ay __________ hawak nila.
kapani-paniwala
katunayan
nagpapakita
pinatutunayan ng mga detalyeng
Agad sinimulan ang pagpupulong at ang mga sinasabi niya ay __________ para sa lahat.
kapani-paniwala
katunayan
nagpapakita
pinatutunayan ng mga detalye
Suriin at ipaliwanag kung ang pangungusap ay tama o mali batay sa kahulugan ng salitang may diin sa bawat bilang.
Humanga ang lahat nang magtagumpay sa buhay ang batang dating palaboy.
Tama, dapat lamang na hangaan ang sinumang nagtatagumpay sa buhay.
Mali, dahil hindi hinahangaan ang dating palaboy.
Mali, dahil hindi nagtatagumpay ang isang palaboy.
Tama, dahil kailangang hangaan ang dating palaboy kung hindi siya palaboy dapat hindi hangaan.
Naging maingat sa pagbibisikleta si Jan-Jan kaya’t siya ay nagalusan.
Tama, dahil kailangang mag-ingat upang hindi magalusan.
Tama, dahil ang maingat na tao ay nagagalusan.
Mali, dahil ang nagagalusan ay ang maingat na tao.
Mali, dahil hindi magagalusan si Jan-Jan kung nag-ingat siya.
Naging mabagsik si Melody nang siya ay nagwagi sa paligsahan.
Mali, dahil hindi kailangang maging mabagsik kapag ikaw ay nagwagi sa paligsahan.
Mali, dahil kailangang maging masunurin kapag nagwagi.
Tama, dahil ang mabagsik ay nangahulugang maamo.
Tama, dahil ang pagwawagi ay kasingkahulugan ng mabagsik.
Suriin ang pangungusap kung wasto o mali batay sa kahulugan ng sinalungguhitang salita sa bawat bilang.
Naghinay-hinay ang lalaki pauwi sa kanilang tahanan nang malamang nanganak na ang kanyang maybahay.
tama, dahil kailangang mabagal lang ang pagkilos.
tama, dahil kailangang samahan ng lalaki ang kanyang asawa.
mali, dahil wala namang magagawa ang lalaki kahit magmadali siya.
mali, dahil dapat lamang na magmadali sapagkat buhay ang pinag-uusapan.
Marahas na inalalayan ng lalaki ang kanyang asawa pabalik sa kama matapos itong manganak.
tama, dahil ito ang tamang pagtrato sa asawa.
mali, dahil ang pagiging marahan ay para lamang sa mga kalalakihan
mali, dahil kailangang maging marahan ng lalaki sa pag-aalaga.
tama, dahil sa pagiging marahas niya maipakikita na siya ay tunay na lalaki.
Gumagamit sila ng bitag upang makaakit ng mga hayop. Ano ang kasingkahulugan ng salitang bitag?
kawayan
pagkain
patibong
supot
