WorksheetsESP 6
Total questions: 20
Worksheet time: 11mins
Paano mo maipapakita ang pakikiisa at pakikipagtulungan sa pasya ng grupo o pangkat?
Sa pamamagitan ng pagpapatigil sa pasya ng nakararami.
Sa pamamagitan ng pakikipagtalo sa pasya ng nakararami.
Sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa pasya ng nakararami.
Sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa pasya ng nakararami.
Bilang kasapi ng pamayanan, ano ang dapat gawin kung may mga itinakdang pagpupulong ang inyong lider o Barangay Kapitan?
Umalis sa inyong lugar sa araw ng pagpupulong.
Dadalo at makikibahagi sa araw ng pagpupulong.
Manatili sa bahay habang ginaganap ang pagpupulong.
Itaon sa araw ng pagpupulong ang pamamasyal at paliligo sa dagat.
Ipinapatupad ng inyong lungsod ang pagpapanatili ng mga tao sa bahay sa araw ng Linggo dahil sa nararanasang pandemya. Alin ang dapat gawin ng mga mamamayan?
Maagang pumunta sa dagat at doon magpalipas ng maghapon.
Magpunta sa simbahan at doon manatili sa buong araw.
Pumunta sa kamag-anak sa kabilang lungsod.
Manatili sa loob ng bahay sa buong araw.
Inutusan ka ng tatay at nanay mong dumalo sa pagpupulong ng inyong barangay bilang representante ng inyong pamilya.Napansin mong ang iyong mga katabi ay maingay at hindi nakikinig, ano ang gagawin mo?
Sutsutan mo sila at sabihing makinig kayo upang may maunawaan sa pinag-uusapan.
Magalang mo silang sasabihan na makinig upang maunawaan ang pinag-uusapan.
Bubulungan mo ang tagapagsalita na hindi nakikinig ang mga katabi mo.
Sisigawan mo sila at sabihing,”Hoy makinig naman kayo!”
Nagkaroon ng panukala ang iyong barangay kapitan na magkaroon ng“clean- up drive” sa darating na linggo na sinag-ayunan naman ng nakararami. Ano ang iyong magiging pasya?
Magdadala ng gamit at makilahok sa gaganaping clean-up drive.
Magpapakita lang at uuwi agad kapag walang may tumitingin.
Pupunta ngunit makipagkuwentuhan lang sa kaibigan.
Pupunta at sisilong lang sa mga lilim ng puno.
Pinagpasyahan ng inyong barangay na magkakaroon ng “curfew hour” sa inyong lugar. Bilang isang mamamayan susunod ka ba?
Opo, dahil iyon ang napagpasiyahan at makakabuti sa buong barangay.
Opo, dahil takot ako sa aming barangay kapitan
Hindi, dahil para lang iyon sa mga gumagala.
Hindi dahil wala akong pakialam.
May pagpupulong sa barangay na dinaluhan ng mga mamamayan. Ang pagpupulong ay tungkol sa kung paano maiiwasan ang sakit na dengue. Napagkaisahan na ang lahat ay maglilinis ng kani-kanilang bakuran. Lalong-lalo na ang mga kanal, alulod ng bahay at sa mga lugar na posibleng pamahayan ng lamok. Bilang mag-aaral at kasapi ng pamayanan, ano ang iyong magiging kontribusyon sa panukala ng iyong barangay?
Susuportahan ko ang panukala ng barangay dahil ito ay nararapat gawin ng mamamayan at siyang makakabuti upang masugpo ang sakit na dengue.
Susuportahan ko ang panukala ng barangay kung marami na ang magkakasakit ng dengue malapit sa aming tahanan o ng buong barangay.
Hindi ko susuportahan dahil gagawa naman ng aksiyon o paraan ang mga taga DOH kapag may kaso ng dengue sa isang lugar.
Hindi ko susuportahan ang panukala ng barangay dahil nag-iingat naman kaming mag-anak.
May ibinigay na ayuda ang barangay sa mga tao. Ang ilan sa nasasakupan ni Aling Rubi ay hindi nakatanggap. Bilang presidente ng purok, ano ang nararapat niyang gawin?
Hahayaan na lang niya ang mga hindi nakatanggap dahil mga pasaway naman sila kanilang purok.
Pagsasabihan na lang niya na hindi na magreklamo dahil marami naman silang hindi nakatanggap ng ayuda.
Ipapaalam niya sa punong-barangay ang problema upang mahanapan ito ng solusyon o paraan kung paano mabibigyan ang mga hindi nakatanggap.
Ipapaalam niya sa punong-barangay ang problema at kapag mabigyan na ng ayuda ay kanyang itatago at aangkinin dahil siya naman nagsikap upang mabigyan ang hindi nakatanggap
Sa Barangay Mapayapa ay mayroong internet café na malapit sa paaralan. May ordinansa ang barangay na hindi pwedeng mag-internet ang mga bata sa oras ng klase. Ngunit ipinagwalang bahala ito ng may-ari. Ano ang dapat gawin ni Mang Berto bilang isa sa mga
magulang ng mag-aaral?
Isusumbong agad sa pulis ang may-ari upang hulihin at mailagay sa piitan
Ipapaalam niya sa barangay upang maaksiyunan at makausap ang may-ari tungkol sa batas ukol dito.
Sasabihan lang ang anak na hindi sya pupunta doon at hayaan na lang ang ibang bata kung nais nilang mag internet sa oras ng kanilang klase.
Pagsasabihan ang mga kaibigan at kamag-aral ng anak na sa hapon na lang sila mag internet kapag wala ang kanilang guro sa panghuling klase.
Ano ang gagawin mo kung hindi ka sigurado sa pasya ng nakararami dahil mayroon kang pakiramdam na magdudulot ito ng hindi maganda at maaaring pagsisisihan ang pagsang- ayon sa kanilang pasya?
Suriin at pag-aralan muna nang mabuti ang gagawing pagpasiya kung ito ba ay magdudulot ng maganda at siyang makakabuti para sa lahat upang walang masisisi.
Ipagpaliban muna ng isang taon ang gagawing pagpapasya. Suriin at pag-aralan muna nang mabuti kung ito ba ay magdudulot ng kabutihan para sa lahat ng sa gayon ay hindi mo ito pagsisisihan.
Ibibigay na ang pasiya agad-agad upang malaman kung magdudulot ba ng maganda o hindi maganda para sa lahat ang pasiya ng nakararami.
Hindi na pag-aaksayahan ng panahon ang magiging resulta ng pagpapasiya, ang mahalaga ay naibigay na ang pasiya para sa lahat.
Lahat ba ng balita na naririnig mo ay dapat mong paniniwalaan kaagad? Bakit?
Opo, dahil iyon ang tampok na balita.
Opo, dahil hindi lalabas ang balita kung hindi totoo.
Hindi, lalo na kung ito ay maseselang mga bagay.
Hindi, dahil ayokong mangingialam sa mga balibalita.
Inanunsiyo sa radio ang muling pagbubukas ng rehistrasyon sa pagboboto. Pumunta sina Ate Lucy at Kuya Carlo sa tanggapan ng COMELEC upang magparehistro. Isa sa hinihingi na impormasyon ay ang kanilang tirahan. Ano ang dapat nilang gawin?
Ibibigay nila ang address ng kanilang paaralan.
Ibibigay nila ang kumpletong address nila ayon sa hinihingi.
Ibibigay nila ang buong pangalan ng tatay at nanay nila.
Alamin muna bakit hinihingi ito.
Narinig mo sa radyo na kinansela ng mayor ng inyong lungsod ang pasok dahil sa malakas na hangin at pabugso-bugsong pag-ulan. Ano ang gagawin mo?
Maniwala at huwag ng pumasok.
Sasabihin sa ina na walang pasok dahil sinabi ito ng iyong kaklase.
Itanong sa guro kung totoo ang impormasyong iyong narinig.
Alamin sa mga kaibigan kung totoo na walang pasok.
Nabalita sa radyo ang naganap na nakawan sa inyong Barangay. Kinabukasan may lalaking kumatok sa inyong pinto at sinasabi niyang kaibigan siya ng inyong ina. Hindi mo siya kilala, ano ang gagawin mo?
Hindi papasukin ang tao at tatawagan ang iyong ina upang itanong kung totoong kaibigan siya.
Papasukin ang tao sa bahay at pahihintayin sa iyong ina.
Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.
Maraming patalastas tungkol sa pampakinis ng balat ang naririnig at nakikita ninyo ng ate mo sa telebisyon. Gustung-gusto ni ate mo ang mga ito kahit na may skin allergy siya. Ano ang pinakamabuti niyang gawin?
Bibili ng marami at gagamitin kaagad.
Kukunsulta muna sa doktor at sabihin ang tungkol sa naturang produkto.
Hindi na magdalawang-isip na gumamit ng naturang produkto upang kuminis na
Ilagay sa isip na lahat ng produktong dumadaan sa patalastas ay ligtas na gamitin
Narinig mo sa radyo ang balita na may paparating na malakas na bagyo at madadaanan ang lugar ninyo. Ano ang dapat mong gawin upang makatulong?
Manatili sa bahay kasama ang pamilya.
Sasama sa mga kaibigan na maliligo sa beach.
Sasama sa nanay sa kanyang pinagtatrabahoan.
Pupunta sa kapitbahay upang doon manatili dahil malaki ang bahay nila.
Ang pamilya Alcantara ay hindi basta-basta bumibili ng gamot na hindi nirereseta ng doktor sa kadahilanang lagi nilang napapanood sa telebisyon ang paalala ng mga eksperto. Dapat natin silang pamarisan?
Opo, dahil iyon ang tamang gagawin para sa kalusugan at kaligtasan.
Opo, dahil sila ay nagmomodelo ng sarili nilang produkto.
Hindi, dahil mali ang kanilang ginagawa
Hindi, dahil hindi sila doktor.
Alin sa apat ang gumagawa ng tama tungkol sa paggamit ng mga pinagkukunan ng impormasyon?
Laging ginagabayan ni Ginoong Gomez ang kaniyang mga anak sa panonood ng mga palabas sa telebisyon.
Hinahayaan ni Ginang Rojas ang mga anak niyang manood ng kahit na anong palabas sa TV upang walang gulo.
Pinapahintulutan ng pamilyang Gaspar ang kanilang mga anak na manood ng malalaswang palabas sa telebisyon.
Pinapanood ng pamilyang Amba ang kanilang mga anak ng nakakatawa ngunit bayolenteng cartoon movies.
Lahat ng balita sa radio, telebisyon at sa iba pang social media ay dapat paniwalaan?
Oo
Hindi
Ewan
Ayokong makialam
Binasa mo ang newspaper na dala ng kuya mo. Nasa balita ang malaking sunog na naganap sa kalapit ng bayan ninyo. Lalo ka pang nagulat ng nabasa mo ang pangalan ng mga magulang ng dati mong kamag-aral na isa sa nasunugan. Walang natira sa kanila na kahit na ano. Ano ang maaari mong gawin para sa kanya?
Magpaabot ng tulong na makayanan para sa kanyang pamilya.
Hindi makialam dahil hindi naman siya nakatira malapit sa inyo.
Ipagkibit-balikat lamang dahil hindi mo naman sila kamag-anak.
Ayaw mong magpapaapekto sa nangyari sa kanilang mag-anak.
