wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsasanay: Kamalian sa Balarila (10 - Calungsod)

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Huwag mo _____ kalimutang isama ang kapitbahay nating si Berting sa ating galaan sa Baguio!

a)

DIN

b)

RIN

2.

Ang sabi sa akin ng tita ko, ipapakasal _____ ang kapatid kong si Tina sa isang mayamang negosyante. Sana lahat!

a)

DAW

b)

RAW

3.

Napakakulit talaga ng aming bunso, ayaw niya _____ tumungo sa kuwarto, gusto pa makipaglaro sa kaniyang tiyo.

a)

DOON

b)

ROON

4.

Ayaw _____ ni Lydia manirahan sa aming lugar, mas gugustuhin daw niya tumiraw sa Amerika.

a)

DITO

b)

RITO

5.

"Huwag _____, may kuliti ako riyan!" ang sambit ng isang sikat na kantang uso noong nakaraang dekada.

a)

DIYAN

b)

RIYAN

6.

Tamaan na't lahat-lahat _____ bagyo, lindol, at ano pa mang sakuna, hindi natitibag ang lakas na taglay ng mga Pilipino.

a)

NG

b)

NANG

7.

Kailangan natin sa kasalukuyang siglo _____ mga magigiting na bayani na iaadya ang ating bansa sa kasadlakan.

a)

NG

b)

NANG

8.

Noong nakaraang linggo, buhos _____ buhos ang ulan kung kaya't hindi kami makatungo sa parke upang magbisikleta.

a)

NG

b)

NANG

9.

"Kaya mo ba siyang mahalin _____ higit pa sa iyong buhay?" ang alala kong masidhing tanong ni tito sa akin.

a)

NG

b)

NANG

10.

Dali, i-maniobra mo _____ mabilis ang sasakyan, kailangan natin makabalik ng bahay, nakalimutan ko ang lipstick ko.

a)

NG

b)

NANG