NEW
Font size
WorksheetsSCIENCE 3
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Anong bahaging pandama o sense organ ang tumutulong upang tayo ay makakita?
A. balat
B. ilong
C. mata
D. tainga
Anong bahagi ng mata ang may kulay?
A. iris
B. lens
C. optic nerve
D. pupil
Libangan mo ang magbasa ng aklat. Anong bahagi ng mata ang maghahatid ng mensahe sa utak upang makita mo ang iyong binabasa?
A. lens
B. retina
C. optic nerve
D. pupil
Saang bahagi ng mata pumapasok ang liwanag?
A. cornea
B. lens
C. pupil
D. sclera
Si Cheska ay naglilinis ng kanilang salas ng biglang may pumasok na maliit na bagay sa kanyang mata. Ano ang dapat gawin niya?
A. Kusutin ang kanyang mga mata.
B. Punasan ng kanyang damit ang mata.
C. Tanggalin ang bagay sa pamamagitan ng toothpick.
D. Hugasan ng malinis na tubig ang kanyang mga mata.
Anong bahagi ng tainga ang nasa larawan?
A. anvil
B. ear canal
C. hammer
D. stirrup
Ito ang tawag sa mga buhok na nasa loob ng ilong na sumasala sa mga alikabok at dumi na nalalanghap ng tao. Ano ito?
A. cilia
B. nerves
C. nasal
D. nostrils
Anong ang ginagampanan ng auditory nerves sa ating pandinig?
A. Ito ang bahagi ng tainga na sumasagap ng tunog.
B. Ito ang bahagi ng tainga na nagsasabi kung ano ang tunog na narinig.
C. Ito ang bahagi ng tainga na nagdadala ng mensahe sa utak kung ano ang tunog na narinig ng tao.
A. Ito ang bahagi ng tainga na dinadaanan ng tunog.
Anong bahagi ng ilong ang nagdadala ng mensahe sa utak upang malaman ang bagay na naamoy ng tao?
A. cilia
B. nasal cavity
C. nostrils
D. olfactory nerve
Ang mga sumusunod ay tungkol sa tamang pangngalaga sa tainga at ilong maliban sa isa ?
A. Linisin ang tainga at ilong ng malinis na malinis at
malambot na towel.
B. Ingatang malagyan ang tainga at ilong ng mga bagay na
makakabara dito at magdudulot ng impeksiyon.
C. Kumonsulta sa doktor kung may masakit sa tainga o ilong upang maiwasan ang impeksyon.
D. Gumamit ng matulis na bagay sa paglilinis ng ilong at tainga.
Anong bahaging pandama ang ginagamit upang malasahan natin ang bagay na inilalagay sa ating bibig?
A . balat
B. dila
C. ilong
D. tainga
Saang bahagi ng ating dila nalalasahan ang tamis?
A. dulo ng dila malapit sa bibig
B. gilid ng dila malapit sa bibig
C. gilid ng dila malapit sa lalamunan
D. dulo ng dila malapit sa lalamunan
3. Ano ang tawag sa maliliit na butil na nasa ibabaw ng dila?
A. bungang-araw
B. dumi
C. singaw
D. taste buds
4.Ano pinakamalaking bahaging pandama ?
A. balat
B. mata
C. ilong
D. tainga
5. Anong bahagi ng balat ang napapahiran natin ng lotion?
A. dermis
B. epidermis
C. oil glands
D. sweat glands
