WorksheetsDiagnostic Test in ESP 9 (Quarter 2)
Total questions: 25
Worksheet time: 19mins
Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ang tungkulin naman ay _______________.
Obligasyong Moral
Likas na Batas Moral
Karapatang Moral
Moralidad
Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral?
pagsuot ng uniporme
pagsuot ng Identification Card (ID)
pagpasok sa paaralan sa takdang oras
lahat ng mga nabanggit
Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon?
* Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain
* Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
* Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
Karapatan sa buhay
Karapatang magpakasal
Karapatang pumunta sa ibang lugar
Karapatang maghanapbuhay
Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umaangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?
Karapatan sa buhay
Karapatan sa pribadong ari-arian
Karapatang maghanap buhay
Karapatang pumunta sa ibang lugar
Ang sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa ________________.
Terorismo
Iligal na pagmimina
Pagpatay sa sanggol
Diskriminasyong pangkasarian
Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawang-gawa? Ito ay __________.
bagay na pansarili lamang
mahalagang bagay para sa lahat ng nilalang
magdudulot ito ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng tao
mahalagang katangian na nararapat na mayroon ang bawat tao
Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
Ito ay ayon sa mabuti
Walang nasasaktan
Makapagbubuti sa tao
Magdudulot ng kasiyahan
Sa paanong paraan natutuhan ang Likas na Batas Moral?
Ibinubulong ng anghel
Itinuturo ng bawat magulang
Naiisip na lamang
Sumisibol mula sa konsensiya
Saan nakabatay ang Likas na Batas Moral?
Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino
Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao
Mula sa kaisipan ng mga pilosopo
Mula sa Diyos
Alin sa sumusunod ang hindi naaayon sa Likas na Batas Moral?
Pagkaltas ng buwis sa mga manggagawa ng walang konsultasyon
Pagmungkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center sa kanilang lugar
Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili
Paghihikayat sa mga tao na magsimba sa araw ng Linggo
Ang tama ay pagsunod sa mabuti. Ito ay totoo dahil _______________.
Naaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon
Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam
Angkop sa pangangailangan at kakayahan
Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang
Ano ang nagsisilbing gabay ng tao upang kilatisin kung ano talaga ang mabuti?
Katuwiran at Konsensiya
Dignidad at Pilosopiya
Isip at Puso
Isip at Kilos-loob
Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa ______________.
Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos
Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapuwa.
Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makalamang at makasakit ng kapuwa.
Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain.
Ang pagtatrabaho ng mga magulang upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak ay nagpapakita na ang paggawa ay paraan ng _____________.
Pagbibigay kahulugan sa buhay
Paglinang ng kaalaman at kasanayan.
Pagpapadama ng pagmamahal
Pagtugon sa mga pangangailangan
Paano nasasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa?
Kapag hindi iniisip ng tao ang kanyang sarili sa kanyang paggawa
Kapag kinakailangan isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatutulong sa kaniyang kapuwa.
Kapag kinakailangan ng tao na maghanap ng trabaho na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa.
Lahat ng nabanggit
Ang tao ay pinagkalooban ng talento upang siya ay patuloy na umunlad bilang kasapi ng kanyang komunidad. Isa sa mga talentong ito ay ang kakayahan sa ___________ ito ang nagbibigay ng katuturan sa buhay bilang tao.
paggawa
pagtugon
pakikisama
pagmamahal
Ang paggawa ay nakatutulong upang malinang ng tao ang kanyang _______________.
kaalaman
kagandahan
kayamanan
pakikisama
Ang pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang _____________.
pagtulong sa mga nangangailangan.
pagkamit ng kaganapang bilang tao.
pag-angat ng kultura at moralidad.
pag-angat at pagbabago ng Agham at Teknolohiya.
Ano ang isa sa mga palatandaan ng pakikilahok at bolunterismo?
Pagmamahal, Malasakit at Talento
Panahon, Talento at Kayamanan
Talento, Panahon at Pagkakaisa
Kayamanan, Talento at Bayanihan
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng bolunterismo?
Sumali si Jen sa isang organisasyon sa kanilang barangay na may layuning mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kanilang barangay.
Si Amy ay likas na maawain at matulungin. Tuwing walang pasok lagi siyang nasa center ng kanilang lugar upang makatulong sa mga programa ng barangay lalo na sa pagtuturo sa mga batang hindi marunong bumasa at sumulat.
Tuwing may programa sa eskwelahan, sinisiguro ni Axel na maayos niyang nagagampanan ang kanyang tungkulin bilang pangulo ng Student Council.
Sa mga panahon na may sunog at kalamidad sa bayan ni Cel, hindi niya nakakaligtaang magbahagi ng kanyang donasyon maliit man ito o malaki basta’t ang mahalaga ay makatulong siya sa kanyang kapuwa na nangangailangan.
Tiyak na makakamit ng lipunan ang _____________ kung ang bawat isa ay magsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
Pag-unlad
Pagkakaisa
Pagmamahalan
Kabutihang panlahat
Kailan nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng isang tao?
naibabahagi niya ang kaniyang sarili sa kanyang kapuwa
Kung siya ay nagiging mayaman
Kung nagagampanan niya ang kaniyang mga tungkulin bilang tao
Kung mahal niya ang kanyang kapuwa
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng bolunterismo?
Bayanihan (lipat-bahay)
Wellness program ng barangay tulad ng libreng gupit
Pag-uugnayan ng iba’t ibang ahensiya
Dental mission ng mga militar
Bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo?
Upang maipakita ang pagmamahal sa kapuwa
Upang maibahagi ang sarili sa kapuwa at makamit ang kabutihang panlahat
Upang matugunan ang pangangailangan ng iba
Upang magampanan ang mga tungkulin
Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pakikilahok?
Medical at dental outreach ng mga kilalang tao
Pagpopost ng adhikain
Pagboto tuwing eleksyon
Pagpapakain sa mga batang lansangan
