wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP4 Q2M1 WEEK 1 SUBUKIN

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

1. Ang isda at iba pang lamang dagat, mga prutas at gulay at mga pang-agrikulturang produkto, mga troso, mga mineral, ginto, pilak at tanso, at marami pang iba ay tinatawag na ______.

a)

A. likas na yaman

b)

B. artipisyal na bagay

c)

C. yamang likha ng tao

d)

D. lahat ng nabanggit

2.

2. Bakit mahalaga sa bansa ang pagkakaroon ng saganang likas na yaman?

a)

A. Ang mga likas na yaman ay maaaring gawing dekorasyon at kasangkapan sa bahay

b)

B. Ang mga likas na yaman ay nagbibigay ng mga produkto at kabuhayan sa mga tao.

c)

C. Ang mga likas na yaman ay pangunahing pinagkukunan ng produktong ipinagbibili sa ibang bansa.

d)

D. Ang mga likas na yaman ay naipagmamalaki sa mga dayuhang turista.

3.

3. Ang mga sumusunod na magagandang tanawin ng ating bansa ay itinuturing na likas na yaman. Alin ang HINDI kabilang sa pangkat?

a)

A. Chocolate Hills

b)

B. Maria Cristina Falls

c)

C. Hundred Islands

d)

D. Manila Ocean Park

4.

4. Ang mga sumusunod ay kabutihang maaaring maidulot ng turismo sa bansa MALIBAN sa isa. Alin ito?

a)

A. Malaking dolyar ang naipapasok ng mga turistang dayuhan sa bansa.

b)

B. Malaki ang naiaambag nito sa paglago ng negosyo malapit sa mga pook pasyalan.

c)

C. Malakas itong atraksiyon sa mga sa turista, buhat sa mga karatig-lalawigan at maging sa labas ng bansa.

d)

D. Maghahatid ito ng pagdami ng tao sa isang lugar at maabuso ang mga likas yaman dito

5.

5. Alin sa mga sumusunod na likas na yaman ang maaring pagkunan ng enerhiyang pang elektrisidad?

a)

A. Chocolate Hills sa Bohol

b)

B. Napcan Beach sa El Nido Palawan

c)

C. Geothermal Power Plant sa Tiwi, Albay

d)

D. Beach Resort sa Puerto Galera, Mindoro

6.

6. Maraming uri ng isda ang makukuha sa ating karagatan. Ang pinakamalaking isda sa buong daigdig ay matatapuan sa Pilipinas. Ito ay ang ____.

a)

A. Pandaca Pygmea

b)

B. Rhineodon Typus

c)

C. Milkfish

d)

D. Tilapia

7.

7. Ang bakal, chromium, nikel, zinc, tingga, asoge, aluminium, mamahaling ginto at pilak ay ilan lamang sa mga yamang mineral na nakakatulong sa pang-angat ng ating ekonomiya. Anong uri ng likas na yaman ang mga ito?

a)

A. yamang pansakahan

b)

B. yamang dagat

c)

C. yamang mineral

d)

D. yamang kagubatan

8.

8. Ang Lambak Trinidad sa Benguet, ang Banawe Rice Terraces, ang Talampas sa Batangas at Bukidnon ay kilalang taniman ng mga gulay. Malaking tulong ang mga ito sa pamumuhay ng mga tao. Anong uri ng likas na yaman ang mga ito?

a)

A. yamang pansakahan

b)

B. yamang dagat

c)

C. yamang mineral

d)

D. yamang kagubatan

9.

9. Alin and HINDI kabilang sa pakinabang pang-ekonomiko na nakukuha natin sa mga produktong nagmumula sa ating mga sakahan gaya ng iba’t ibang uri ng prutas, gulay, palay, niyog, tabako at iba pa?

a)

A. Ang mga produktong ito ay nailuluwas sa ibang bansa.

b)

B. Nagbibigay ito ng karagdagang kita at pag-angat sa ating ekonomiya.

c)

C. Pinagkukunan natin ito ng ating pang-araw-araw na pangangailangan.

d)

D. Nakatutulong sa pagpapanatili ng malakas at malusog na pangangatawan.

10.

10. Malaking pakinabang pang-ekonomiko ang mga likas na yaman ng isang bansa. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng wastong pangangalaga ng mga ito?

a)

A. pagtapon ng basura sa mga ilog

b)

B. paggamit ng dinamita sa pangingisda

c)

C. pagputol ng malalaki at maliliit na punong kahoy

d)

D. paggamit ng malalaking butas ng lambat sa pangingisda