NEW
Font size
WorksheetsTayahin Natin
Total questions: 3
Worksheet time: 4mins
Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:
a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa
pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan
Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang pangangailangan
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay ang pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng tao.
Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Santo Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan
ng tao
