wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

CH.Ed. 7: Dignidad ng Tao

Total questions: 10

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

1. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?

a)

a. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.

b)

b. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang tao.

c)

c. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.

d)

d. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at espiritwal.

2.

2. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad, maliban sa:

a)

a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa

b)

b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.

c)

c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon

d)

d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.

3.

3. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?

a)

a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na

b)

b. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong

c)

c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan

d)

d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba

4.

4. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?

a)

a. Kapag siya ay naging masamang tao

b)

b. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao

c)

c. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao

d)

d. Wala sa nabanggit

5.

5. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?

a)

a. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.

b)

b. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya.

c)

c. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay.

d)

d. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.

6.

6. Ang Tao ay ipinanganak na pantay-pantay.

a)

Sang-Ayunan

b)

Hindi Dapat Sang-ayunan

7.

7. Nilikha ng Diyos ang Tao na may dignidad.

a)

Sang-Ayunan

b)

Hindi Dapat Sang-ayunan

8.

8. Ang Mahirap at ang mayaman ay pantay pantay sa mata ng diyos.

a)

Hindi Dapat Sang-ayunan

b)

Sang-Ayunan

9.

Ang bawat tao ay may dignindad

a)

Tama

b)

Mali

c)

Ewan

10.

Lahat ay dapat respetuhin anuman ang katayuan niya sa buhay.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Ewan