Font size
WorksheetsGrade 8_First Periodical Exam
Total questions: 100
Worksheet time: 2hrs 40mins
Dalawang uri ng likas na yaman ayon sa paggamit?
Natural at di-natural
Biotic at abiotic
Solid at liquid
Renewable at non-renewable
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko, silangan ng Dagat Tsina at sa timog ng Taiwan. Anong uri ito ng pagtukoy ng lokasyon?
Lokasyon
Lokasyong absolute
Lugar
Relatibong lokasyon
Saang kontinente matatagpuan ang Ilog Nile?
Timog Amerika
Hilagang Amerika
Aprika
Asya
Sino ang nagsulong ng Continental Drift Theory?
Charles Darwin
Alfred Wegener
Copernicus
Arthur Evans
Tatlong uri ng distansiya.
Linear, time, absolute
Time, psychological, linear
Relative, location, linear, absolute location
Lokasyon, paggalaw, lugar
Anu-ano ang apat na bahagi ng daigdig?
Crust, mantle, outer core, inner core
Bundok, burol, dagat, lambak
Lithosphere, hydrosphere, biosphere, atmosphere
Lokasyon, lugar, rehiyon, paggalaw
Alin sa mga sumusunod ang mga tema ng heograpiya?
Anyong lupa at anyong tubig; likas na yaman; klima at panahon; flora at fauna; at distribusyon at interaksyon
Lokasyon, lugar, rehiyon, interaksyon ng tao, at iba pang organismo sa kapaligiran
Absolute location, linear, time, psychological, at lugar
Anyong lupa at anyong tubig; klima at panahon
Ito ay tumutukoy sa isang mungkahing paliwanag na kalagayan ay hindi pa ganap (sapantaha) o kailangan pa ng isang malalim na eksperimentasyon.
Opinyon
Obserbasyon
Teorya
Lohika
Ang salitang HEOGRAPIYA ay nagmula sa dalawang salitang Griyego na “geo” at “graphien” na nangahuhulugan ng ano?
Paglalarawan sa mundo
Pagsukat sa mundo
Paglalakbay sa mundo
Paggalugad sa mundo
Ano ang uri ng relihiyong marami ang sinasambang diyos?
Monotheism
Polytheism
Theism
Atheism
Ang tawag sa mga pinagmulang wika.
Language
Dialect
Protolanguage
Paleolanguage
Ang pangalawa sa may pinakamaraming kaanib na relihiyon sa daigdig.
Budhismo
Islam
Kristiyano
Hinduismo
Ang linyang naghahati sa hilaga at timog hemisphere ng mundo?
Prime meridian
Equator
Tropics
International Date Line
Ang mga Indo-Europeo ay kabilang sa lahing ito.
Australoid
Mongoloid
Caucasian
Negroid
Isang grupo ng tao na mayroong iisang lahi o pinagmulan, kultura, at/o wika, na nagbubukod sa kanila sa ibang grupo.
Pangkat etniko
Lahi
Tribu
Genes
Ito ay binubuo ng mga grupo ng tao na mayroong katangiang pisikal o biological na magkakahawig, katulad ng kulay ng balat at buhok, estruktura ng katawan, at iba pa.
Pangkat etniko
Tribo
Genes
Lahi
Ang pinakamalaking planetang hindi terrestrial.
Saturn
Mars
Jupiter
Earth
Isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok.
Talampas
Burol
Bundok
Lambak
Bahagi ng daigdig na kinaroroonan ng lahat ng organismong buhay?
Hydrosphere
Biosphere
Stratosphere
Atmosphere
Ang kontinenteng walang permanenting naninirahan.
Timog Amerika
Antartika
Australia
Arktiko
Ang bahagi ng mundo na binubuo ng kalupaan?
Biosphere
Lithosphere
Atmosphere
Hydrosphere
Ang mga wika sa Pilipinas ay kabilang sa anong language family?
Sino-Tibetan
Indo-European
Afro-Asiatic
Austronesian
Ang Kristiyanismo ay ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Pilipinas. Anong tema ng heograpiya ang ipinapahayag nito?
Rehiyon
Lugar
Lokasyon
Paggalaw
Ang Taiwan ay matatagpuan sa 23.6978° N, 120.9605° E. Anong uri ito ng pagtukoy sa lugar?
Relatibo
Lokasyon
Absolute
Lugar
Ang Gobi Desert ay matatagpuan sa anong kontinente?
Europa
Asia
Aprika
Australia
Ano ang ebidensya ng paniniwala na mga unang tao sa ikalawang buhay?
Paniniwala nila sa mga espiritu ng kalikasan
Pagguhit sa mga kuweba
Paglilibing ng mga patay
Paglilipat-lipat ng tirahan
Ang paraan ng paninirahan ng mga sinaunang tao na hindi permanente sa isang lugar.
Off-grid
Domestication
Ruralization
Nomadismo
Saan nakapokus ang pamumuhay ng mga sinaunang tao?
Paghahanap ng pagkain
Pananatiling buhay
Pagpapalipat-lipat ng tirahan
Paghahanap-buhay
Ang yugtong ito ay nangyayari hanggang sa kasalukuyan.
Holocene
Pleistocene
Miocene
Pliocene
Ang pinaghalong teorya ni Charles Darwin at creationism tungkol sa pinagmulan ng mga buhay at bagay sa mundo.
Theistic evolution
Atheistic materialism
Creationism
Missing link
Ayon sa teoryang ito, noong unang panahon, iisa lamang ang kalupaan sa daigdig na tinawag na Pangaea.
Creationism
Teorya ng Tectonic Plates
Teorya ng Continental Drift
Teorya ng Big Bang
Ano ang ibig sabihin ng salitang “homo”?
Ape
Nag-iisip
Tao
Mala-hayop
Bahagi ng ebolusyong kultural ng tao na karamihan ng kasangkapang ginamit ay yari sa bato, buto, at kahoy.
Panahon ng metal
Panahon ng kagamitan
Panahon ng bato
Panahon ng bronse
Pangkalahatang tawag na ibinibigay ng mga siyentipiko sa mga unang tao at iba pang mala-taong nilalang.
Hominid
Apes
Android
Humanoid
Ano ang ibig sabihin sa Homo Sapiens?
Taong gumagamit ng bato
Matalinong tao
Taong naglalakad sa dalawang paa
Nagdadamit na tao
Sino ang mga taong unang nakatuklas ng paggamit ng bakal?
Chinese
Babylonians
Egyptians
Hittites
Ang homo species na nagdudugtong sa pagitan ng Homo erectus at Homo sapiens.
Homo habilis
Ardipithecus
Neanderthal Man
Australopithecus
Ang Tabon Man na natagpuan sa Tabon Cave sa Palawan ay kabilang sa anong species ng homo?
Australopithecus
Homo habilis
Homo erectus
Homo sapiens
Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato.
Paleolithic
Neolithic
Mesolithic
Metal Age
Ang yugtong ito ay lumamig nang lumamig ang panahon sa daigdig na tinatawag na "Ice Age".
Pleistocene
Pliocene
Miocene
Holocene
Ang pinakahuling species sa ebolusyon ng tao.
Neanderthalensis
Homo Erectus
Homo sapiens
Homo habilis
Uri ng homo na nangangahulugang handy man dahil sila ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng mga kagamitang bato.
Homo erectus
Ardipithecus
Autralopithecus
Homo habilis
Yugto ng daigdig kung saan nangyari ang pag-usbong ng mga kabihasnan ng mga modernong tao.
Miocene
Holocene
Pliocene
Pleistocene
Ano ang tawag sa hugis arkong matabang lupa na matatagpuan sa Gulpo ng Persia hanggang sa baybayin ng Dagat Mediterranean?
Fertile Crescent
Mesopotamia
Persian Gulf
Nile Delat
Ang mga sumusunod ay batayan ng pagiging kabihasnan maliban sa isa.
Komplikadong lingguwahe
Pag-uuri ng mga tao ayon sa katayuan sa lipunan
Maunlad na mga lungsod
Sistema ng pamamahala ng mga teritoryo
Ang unang sosyodad na naabot ang kategorya ng pagiging kabihasnan.
Akkad
Sumer
Chaldea
Babylonia
Ang mga sumusunod ay mga mahalagang kondisyong heograpikal para sa mga sinaunang kabihasnan maliban sa isa.
Mga likas na hadlang sa pagsalakay
Mga kondisyong mabuti para sa agrikultura
Mga lugar na mainam para pagtayuan ng mga lungsod
Mga likas na yaman
Ang pinakaunang imperyo sa daigdig na pinamunuan ni Sargon I.
Akkadian Empire
Assyrian Empire
Persian Empire
Babaylonian Empire
Ang pinakaunang sistema ng panulat.
Hieroglyphics
Cuneiform
Petroglyps
Calligraphy
Ano ang nasa larawan na ipinatayo ng mga Sumerian?
Hanging Gardens
Pyramid
Ziggurat
Tower of Babel
Ang naging sentro at lunduyan ng mga sinaunang kabihasnang nabuo sa Mesopotamia, Indus, Tsino at Ehipto.
Kabundukan
Lungsod
Tabing-dagat
Ilog-lambak
Ang ________ ay ang sistema ng panulat ng mga Sumerian.
Cuneiform
Pictograph
Hieroglyphics
Calligraphy
Ano ang tawag sa kalipunan ng mga batas na naging batayan sa pang- araw-araw na pamumuhay ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia?
The Ten Commandments
Code of Kalantiyaw
Code of Hammurabi
Pharaoh Script
Alin ang hindi kabilang sa mga pangkat na sumakop sa lupain ng Mesopotamia?
Aryan
Assyrian
Chaldean
Akkadian
Uri ng pamumuno na naniniwala na ang mga lungsod-estado ay pagmamay-ari at pinamumunuan ng mga diyos at diyosa ngunit ang kapangyarihan upang mamuno ay nasa kamay ng mga hari.
Autocracy
Theocracy
Oligarchy
Theology
Siya ang nagpatayo ng Hanging Gardens ng Babylon.
Nebuchadnezzar
Cyrus the Great
Hammurabi
Sargon
Isang kilalang gawang pampanitikan na isinulat ng mga Babylonian.
Code of Hammurabi
Library of Alexandria
Epiko ng Gilgamesh
Magna Carta
Tumutukoy sa pamumuhay na kinabihasnan, pinino, at pinaunlad ng mga tao.
Sibilisasyon
Kultura
Urbanidad
Kabihasnan
Ang tinaguriang pinakaunang lungsod sa daigdig.
Niniveh
Assur
Uruk
Ur
Ano ang kahulugan ng salitang “Mesopotamia”?
Lupain sa gilid ng dalawang ilog
Lupain sa pagitan ng dalawang ilog
Lupain sa ibabaw ng dalawang ilog
Lupain sa ibaba ng dalawang ilog
Ito ang sistemang panlipunan sa India kung saan ang bawat tao ay may kinagisnang pangkat o uri sa lipunan.
Caste
Castle
Cartel
Caravan
Ang pinakatanyag na Australopithecus na natuklasan ang mga labi noong 1974.
Lucy
Cro-Magnon Man
Peking Man
Java Man
Sila ang unang hominid na naglakad sa dalawang paa.
Chimpanzee
Ardipithecus
Australopithecus
Homo
Ang kahulugan ng pangalan na ito ay "southern ape".
Ardipithecus
Habilis
Australopithecus
Neandeerthal
Sila ang nagtatag ng relihiyong Hinduismo sa India.
Aryans
Dravidians
Hindus
Maurya
Sa lugar na ito umusbong ang kabihasnang Tsino.
Ilog Ganges
Fujian Province
Ilog na Dilaw
Peking
Ang dinarayong estruktura na iniwan nga mga Inca na matatagpuan sa Peru.
Palenque
Macchu Picchu
Step Pyramid of Kukulkan
Lungsod ng Tikal
Ito ang dahilan kung bakit mummified ang mga katawan ng mga namatay sa sinaunang Ehipto.
Naniniwala sila na ang katawan ay dadalhin ng namatay sa kabilang buhay
Nais nilang makita ng mga susunod na henerasyon ang kanilang mga katawan
Naniniwala sila na maaaring balikan ng espirital na katawan ang pisikal na katawan
Naniniwala sila na magiging diyos sila pag namatay
Tanyag ang kabihasnang ito sa pagsasagawa ng ritwal na pag-aalay ng tao sa kanilang diyos.
Maya
Inca
Aztec
Ehipto
Ang pinakahuling dinastiya ng kabihasnang Tsina.
Ming
Manchu
Yuan
Song
Ang pinakamataas na uri ng mga tao sa lipunang Hindu.
Kshatriya
Vaisya
Brahman
Shudra
Ang pangunahing lungsod na kabihasnang Hindu at siya ring batayan ng pangalan ng kabihasnan.
Harappa
Pataliputra
Mohenjo-Daro
Brahmaputra
Ang tinaguriang “Ang Biyaya ng Ilog Nile”.
Israel
Ehipto
Gresya
Persia
Naging kilala ang dinastiya Zhou sa katawagang ito dahil sa mga kaisipang namulaklak noong panahong ito kagaya ng Confuciusismo at Taoismo.
Gintong Panahon ng Tsina
Gintong Panahon ng mga Dinastiya
Gintong Panahon ng Pilosopiya
Gintong Panahon ng Great Wall
Ang _________ ay ang sistemang panulat ng mga sinaunang Ehipsyo.
Cuneiform
Petroglyps
Hieroglyphics
Calligraphy
Naniniwala ang mga sinaunang Tsino sa konseptong ang dinastiya ay ayon sa kagustuhan ng langit at ang mga emperador nito ay pinili ng langit upang mamuno.
Theocracy
Mandate of Heaven
The Anointed
Theology
Ang tawag sa linya ng mga namumuno na nagmumula sa isang pamilya o angkan.
Dinastiya
Oligarkiya
Demokrasya
Monopolyo
Itinuturing na pinakamatandang kabihasnan na nananatili pa rin sa kasalukuyan.
Kabihasnang Mesopotamia
Kabihasnang Tsina
Kabihasnang Ehipto
Kabihasnang Inca
Ang kauna-unahang sibilisasyong Europa na nagsimula sa Crete mga 2800 BCE.
Peloponesian
Mycenaean
Minoan
Polynesian
Ang itinuturing na duyan ng kabihasnang Europa.
Ehipto
Italya
Israel
Greece
Siya ang may akda ng epikong Iliad at Odessey.
Odesseus
Homer
Achilles
Plato
Ang arkeologo na nakatuklas ng kabihasnang Minoan at siya rin ang nagbigay ng pangalang “Minoan”.
Heinrich Schliemann
Alfred Wegener
Haring Minos
Arthur Evans
Ang sentrong lungsod ng kabihasnang Minoan.
Knossos
Troy
Athens
Pahistos
Ang paraan ng pagsulat ng mga Minoan na hindi pa rin naiintindihan hanggang sa kasalukuyan.
Linear D
Linear C
Linear B
Linear A
Ang klasikal na kabihasnan na umusbong sa Europa ay nagsimula sa isla ng?
Phoenicia
Salamis
Crete
Ionia
Ang tanyag ng pinuno ng Mycenae ayon sa Epiko ng Iliad.
Haring Agamemnon
Haring Minos
Alexander the Great
Achilles
Ambag ng mga Mycenaean sa arkitektura na ang mga pader ay yari sa matataas at matitibay na boulder.
Corinthian
Mosaic
Fresco
Cyclopean
Naging kilala ang kabihasnang ito bilang mahuhusay mga mandaragat at mangangalakal.
Mycenaean
Minoan
Spartans
Grecians
Ang pinakamababa sa uring lipunan ng mga Hindu.
Shudra
Candala
Vaishya
Kshatriya
Ang tawag sa hari ng mga Ehipsyo.
Vizier
Emperador
Hyksos
Paraon
Ang unang monotheistic religion (iisa lamang ang sinasambang diyos) sa mundo at relihiyon ng mga Persian.
Zoroastrianismo
Islam
Judaismo
Hinduismo
Siya ang nakatuklas ng pook ng Mycenae.
Arthur Evans
Lawrence Kholberg
Heinrich Schliemann
David Livingstone
Ang ipinangalan ni Arthur Evans sa sistemang panulat ng mga Mycenaean.
Linear A
Linear B
Linear X
Linear Z
Ang itinuturing na pinakamakapangyarihang diyos ng mga Mycenaean.
Hera
Zeus/Jupiter
Athena
Poseidon
Batay sa mga gawang sining ng mga Minoan, saan nakasentro ang kanilang relihiyon?
Sa mga diyosa
Sa mga baka
Sa mga isda
Sa mga punongkahoy
Ito ay tawag sa mga lalawigan ng Imperyong Persian.
Satrap
Setrap
Satrapy
Surtrap
Ang imperyong ito ay kilala sa mga haring napakalakas at napakalupit.
Assyria
Babylonia
Hittite
Akkadian
Ano ang tawag sa panahong hindi pa naisusulat ang kasaysayan.
Holocene
Prehistoriko
Miocene
Paleolitiko
Nangangaluhugang "ape na nasa lupa".
Australopithecus
Ramidus
Ardipithecus
Homo
Siya ang tumalo kay Darius III ng Persia na naging dahilan ng pagbagsak ng imperyo ng Persia.
Alexander the Great
Cyrus the Great
Nebuchadnezzar
Sargon
