wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EPP-Agri Q2W1 Formative

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko?

a)

Pinatataba nito ang halaman ng walang gastos.

b)

Pinapaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.

c)

Pinabubuti nito ang hilatsa ng lupa.

d)

Lahat ng nabanggit ay tama.

2.

Kung walang bakanteng lupa o espasyo sa bahay, ano ang

maaaring gawin upang makagawa ng compost?

a)

Eresaykel ang mga lumang gulong ng sasakyan sa

pamamagitan ng pagpapatong-patong para magsilbing

hukay ang mga ito.

b)

Bumili ng lupa sa kapitbahay.

c)

Gamitin ang batyang ginamit ng iyong nanay sa paglalaba.

d)

Maghanap ng malaking kahon para gawing compost.

3.

Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng mga pakinabang ng Fermented Fruit Juice o FFJ maliban sa isa. Alin dito?

a)

Ito ay nagbibigay ng elementong potassium (K) para sa pagpapalaki ng bunga.

b)

Ang Fermented Fruit Juice o FFJ ay nagbibigay ng karagdagang resistensiya sa tanim laban sa insekto.

c)

Ang lupa at mga tanim ay pinatataba ng Fermented Fruit Juice o FFJ.

d)

Pinapaiksi ng Fermented Fruit Juice o FFJ ang buhay ng mga

pananim.

4.

Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko ang unang dapat gawin?

a)

Pagsama-samahin ang mga tuyong dahon, bulok na prutas, gulay, tira-tirang pagkain at iba pang nabubulok na mga bagay.

b)

Araw-araw itong diligan. Lagyan ito ng kahit anong pantakip.

c)

Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim.

d)

Sa hukay ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay hanggang sa umabot ito ng 12 pulgada o 30 sentemetro ang taas.

5.

Bago gamitin ang mga nabulok na bagay tulad ng dahon, gulay, prutas, tirang pagkain at dumi ng hayop ay kailangang palipasin muna ang

______________.

a)

Dalawang araw

b)

Dalawang linggo

c)

Dalawang oras

d)

Dalawang buwan

6.

Upang maging pataba ang mga basura, ito ay pinabubulok muna sa isang lalagyan tulad ng compost pit. Ano ang tawag sa paraang ito?

a)

Basket composting

b)

Basket making

c)

Intercropping

d)

Double digging

7.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng

kahalagahan sa paggamit ng abonong organiko?

a)

Ang paggamit ng abonong organiko ay nakapagbibigay ng sapat na ani at nakatutulong sa pagpapalago ng mga pananim.

b)

Dumarami ang mga insekto sa halamanan kung nilalagyan ng

abonong organiko ang lupa.

c)

Tigang ang lupang nilalagyan ng abonong organiko.

d)

Nakadadagdag sa gawain ang paggawa ng abonong organiko.

8.

Ano ang basket composting?

a)

Paraan ng paggawa ng basket na yari sa yantok.

b)

Paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang lalagyan na tulad din ng compost pit.

c)

Paraan ng paglalagay ng mga halaman sa basket.

d)

Wala sa nabanggit.

9.

Isa sa mga halimbawa ng abonong organiko ay tinatawag na Fermented Fruit Juice o FFJ. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan dito?

a)

Ito ay mula sa pinaghalong muscovado sugar o kalamay at hinog na mga prutas na hindi maasim.

b)

Ito ay mula sa mga nabubulok na dahon, tirang pagkain at dumi ng mga hayop.

c)

Ito ay mula sa pinaghalong paminta, asin at isda.

d)

Lahat ng nabanggit.

10.

Sa anong paraan nagiging pataba o abonong organiko ang mga basura tulad ng dahon, balat ng gulay, prutas at mga tirang pagkain?

a)

Pagpapausok ng basura.

b)

Pagkakalat ng basura.

c)

Pagbubulok ng basura sa isang lalagyan.

d)

Paglilinis ng basura.