WorksheetsQ2 ESP WEEK 1 Subukin
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Si Lena ay taimtim na nagdadasal na makakuha siya ng mataas
na marka sa unang markahan. Ito ay ipinangako niya sa
kaniyang ina at ama na nagpapakahirap upang mairaos ang
kaniyang pag-aaral.
TAMA
MALI
Sa pagtupad ng kaniyang mga pangarap, si Danilo ay nangako
sa kaniyang sarili na pagbubutihin ang kaniyang pag-aaral
upang makapagtapos siya na may nakasabit na medalyang
ginto. Dumating ang araw ng pagtatapos at tila dininig ng langit
ang kahilingan ni Danilo na makakuha ng medalyang ginto.
TAMA
MALI
Si Karina ay isang batang madaldal na naghahangad na
makahanap ng isang tunay na kaibigan sa bagong paaralan na
kaniyang pinasukan at nakatagpo naman siya nito. Ngunit sa
kadaldalan niya ay naipagsabi niya ang mga sikreto ng
kaniyang matalik na kaibigan.
TAMA
MALI
Sina Mila at Ana ay matalik na magkaibigan simula noong bata
pa sila. Nangako ang dalawa na magiging magkaibigan sila sa
hirap at ginhawa ngunit matayog ang mga pangarap ni Ana at
gagawin niya ang lahat upang makamtan ito. Sa araw ng
bigayan ng “Report Card” ay matataas ang mga nakuhang
marka ni Mila kaysa kay Ana. Ito ang dahilan upang sirain ni
Ana ang pagkakaibigan nila ni Mila.
TAMA
MALI
Sina Zady at Raul ay palaging naglalaro sa plaza. Isang araw,
naisipan nila na gumawa ng isang pangako na mananatili
silang magkaibigan hanggang sa paglaki nila. Dumating ang
araw na nagkahiwalay ang dalawa dahil sa Maynila na mag-
aaral si Zaldy. Pagkalipas ng ilang taon ay bumalik si Zaldy sa
lugar na kinalakihan nila at halata na malaki ang ipinagbago niya. Isa na rito ay ang pagtanggi niyang maging kaibigang muli
si Raul.
TAMA
MALI
Si Gina ay nanghiram ng aklat sa kaniyang kamag-aral na si
Sonia. Ipinangako niya na isasauli ito sa susunod na araw.
Kinabukasan, maaga pa niya itong isinauli at buong puso
siyang nagpasalamat kay Sonia.
TAMA
MALI
Magkakaroon ng pagsusulit sa EsP. Ipinangako mo sa iyong
kaibigan na tutulungan mo siya sa pag-aaral ng inyong mga
leksyon. Isang araw bago ang pagsusulit ay biglang nagbago
ang iyong isip at hindi mo tinupad ang iyong pangako sa
kaniya.
TAMA
MALI
Kaarawan ng iyong lola sa susunod na linggo at nangako kang
bibigyan mo siya ng keyk. Dumating ang araw ng kaniyang
kaarawan subalit nakalimutan mong bilhan siya ng keyk at ito
ang naging dahilan upang siya ay malungkot.
TAMA
MALI
Mapagbigay ang iyong kaibigan at palagi ka niyang binibigyan
ng pagkain. Ipinangako mo sa kaniya na kapag dumating ang
kuya mo galing sa ibang bansa ay bibigyan mo siya ng mga
tsokolate, ngunit hindi mo na siya naalalang bigyan nang
dumating ang kuya mo.
TAMA
MALI
Sa simula ng klase ay nagkaroon ng sumpaan ang mga mag-
aaral ni G. Santos na hindi na sila gagawa ng kalokohan ngunit
hindi ito natupad sa kadahilanang may iba sa kanila ay
lumiliban sa klase upang maglaro ng computer.
TAMA
MALI
