wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IC Fil 2- Sipi at Panipi

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa kaso ng pangongopya ng karapatang intelektwal.

           

 

a)

Modernisasyon

           

b)

Dokumentasyon

          

c)

  Korupsyon

       

d)

     Plagiarismo

2.

Kailangang ikulong sa panipi ang siping mula sa panitikang-bayan, gaya ng salawikain at bugtong at iba pa.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Natapos ang talumpati ng Pangulong Duterte sa pahayag na "Bakit ako narito? Narito ako dahil mahal ko ang aking bansa at mahal ko ang mamamayan ng Pilipinas. Narito ako. Bakit? Dahil handa na akong simulan ang paglilingkod sa bansa."

N

 

a)

Pagsiping palasak

b)

Pagsiping hulihan

c)

Pagsiping palansak

d)

Pagsiping pahulip

4.

Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan ng pagsipi sa isang liham?

a)

Ikulong sa panipi ang bahagi na gustong kunin sa liham.

b)

Isulat sa naka-italiko ang bahagi na gustong bigyan ng pagkilala.

c)

Ikulong sa panipi ang liham mula sa bating pambungad hanggang sa bahagi na kinakailangan.

d)

Ikulong sa panipi ang liham mula bating pambungad hanggang sa huling salita.

5.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ang tamang paggamit ng malaking titik sa pagsipi?

a)

Maliwanag ang pahayag ng pangulong Duterte, "Pagsisilbihan ko ang bawat isa at hindi ang isa lang."

b)

Maliwanag ang pahayag ng pangulong Duterte, "(p)agsisilbihan ko ang bawat isa at hindi ang isa lang."

c)

Maliwanag ang pahayag ng pangulong Duterte, "Pagsisilbihan ko ang bawat isa at hindi ang isa lang."

d)

Maliwanag ang pahayag ng pangulong Duterte, "[P]agsisilbihan ko ang bawat isa at hindi ang isa lang."

6.

Alin sa sumusunod na talata ang may tamang sipi kapag ang unang bahagi ng talata ay hindi kasama sa pagsipi?

a)

"----hindi tayo magkakaroon kailanman ng tunay na pagkakilala sa ating karangalan bilang isang bansa hangga't wala tayong wikang sariling atin."

b)

"hindi tayo magkakaroon kailanman ng tunay na pagkakilala sa ating karangalan bilang isang bansa hangga't wala tayong wikang sariling atin."

c)

"....hindi tayo magkakaroon kailanman ng tunay na pagkakilala sa ating karangalan bilang isang bansa hangga't wala tayong wikang sariling atin."

d)

...hindi tayo magkakaroon kailanman ng tunay na pagkakilala sa ating karangalan bilang isang bansa hangga't wala tayong wikang sariling atin.

7.

Ayon sa nakaraang sipi, dapat napapatnubayan ng kultura ang anumang programang pampolitika't pang-ekonomiya ng bansa upang higit na umangkop sa pangangailangan ng sambayanan.

a)

Tuwirang Pagsipi

b)

Pagsipi na may paalala.

c)

Hindi tuwirang Panipi

d)

Pagsiping Palansak

8.

Sa pagkakataong magkasunod ang isahang at dalawahang panipi, kailangan bang maglagay ng espasyo o patlang sa pagitan ng mga ito?

a)

Kailangan, upang maayos ang daloy ng pangungusap.

b)

Kailangan, upang bigyan ng diin ang gustong ipahiwatig na ideya.

c)

Hindi kailangan, dahil nanatili pa rin ang kahulugan ng pahayag ng salita.

d)

Hindi kailngan upang makatipid ng espasyo sa pagsipi.

9.

Sa usapang dayalogo sa halip na gumamit ng panipi sa diyalogo alin sa sumusunod ang hindi ginagamit?

a)

Paggamit ng kuwit upang maihawalay ang bawat ideya sa usapan.

b)

Paggamit ng gatlang em bilang pananda sa umpisa at dulo ng pangungusap ng isang tauhan.

c)

Paggamit ng malaking titik sa pangalan ng tauhan at tuldok o tutuldok.

d)

Lahat ng nabanggit

10.

Sa larangan ng sulating pang-akademiko mayroon layunin ang paggamit ng panipi. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa layunin na ito?

a)

Pagpapakita ng katapatan at kredibilidad sa isang sulatín

b)

Pagbibigay ng wastong impormasyon.

c)

Pagpapakita ng pagmamahal sa larangan ng pananaliksik.

d)

Pagpapakita ng pagiging modernisado sa larangan ng iba’t ibang sulatin.