wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ANG KONSEPTO NG DEMAND

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ayon sa batas ng demand, anong salik ang pangunahing nakakaapekto sa pagtaas at pagbaba ng demand para sa isang produkto?

a)

Panlasa

b)

Kagusuthan

c)

Presyo

d)

Kalidad ng produkto

2.

Ang pagiging “in” o uso ng isang produkto ay maaaring makapanghikayat ng mas maraming mamimili dahilan upang tumaas ang demand para rito. Tinatawag itong

a)

Substitution Effect

b)

Complementary Effect

c)

Bandwagon Effect

d)

Income Effect

3.

Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng konsyumer sa iba’t-ibang presyo.

a)

Produksyon

b)

Demand

c)

Supply

d)

Ekwilibriyo

4.

Upang masabing demand, dapat nagtataglay ito ng dalawang elemento: gusto at kayang bilhin. Sino sa mga sumusunod ang tumpak na naglalarawan tungkol sa demand?

a)

Si Daniel na isang grade 9 student na nangangarap bumili ng Ferrari sports car

b)

Si Lilyn na inilibre ng kanyang kaklase na kumain ng mamahaling pizza

c)

Si Mark na bumili ng mamahaling sapatos matapos makaipon mula sa allowance

d)

Si Mayet na nangutang para makapanood ng KPOP concert

5.

“Nakatakdang ipatupad ng pamahalaan ang Sin Tax Law na nagpapataw ng mas mataas na buwis sa alak at sigarilyo”. Alin sa mga sumusunod na graph ang tumpak na maglalarawan sa epekto ng nabanggit na sitwasyon sa demand para sa alak at sigarilyo?

a)
b)
c)
d)
6.

Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, maaaring asahan na

a)

Tataas ang demand ng nasabing produkto

b)

Ang dami ng produktong ipinagbibili ay tataas

c)

Ang dami ng produktong ipinagbibili ay bababa

d)

Ang kurba ng suplay ay pupunta sa kanan.

7.

Ang pagtaas sa presyo ng asukal ay maaaring magpataas sa presyo ng kape. Ano ang maaaring paliwanag dito?

a)

Substitution effect

b)

Complementary effect

c)

Income effect

d)

Bandwagon effect

8.

Tumaas ang konsumo ng pamilya ni Jun ng bacon simula ng mapromote sa trabaho. Sa kaso ni Jun, ang bacon ay maituturing na

a)

Normal Goods

b)

Inferior Goods

c)

Substitute Goods

d)

Complementary Goods

9.

May kotse si Jane na kanyang ginagamit pagpasok sa trabaho. Isang araw nabalitaan niyang magkakaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng gasolina susunod na mga araw. Ano ang inaasahang mangyayari sa kasalukuyang demand ni Jane sa gasolina?

a)

Tataas ang kanyang demand

b)

Bababa ang kanyang demand

c)

Walang magiging pagbabago sa kanyang demand

d)

Hindi muna gagamit ng kotse si Jane

10.

Isa itong grapikong paglalarawan ng magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded.

a)

Demand Schedule

b)

Demand Function

c)

Demand Curve

d)

Batas ng Demand