WorksheetsFILIPINO 5 FIRST PERIODICAL TEST
Total questions: 20
Worksheet time: 3hrs 30mins
1. Naglalaro ka nang biglang sabay kang tinawag ng ate at kuya mo upang utusan.
a. Hahayaan ko silang tumawag nang tumawag.
b. Lalapit ako sa kanila at susundin ko ang utos muna ng aking ate.
c. Susundin ko ang inuutos nila pero kakausapin ko sila nang maay-os kung sino ang uunahin ko sa kanila.
d. Lalapit ako sa nanay at magsusumbong.
3.Maggagabi na. Inabutan ka ng malakas na ulan. Wala kang dalang payong. Nakita mo ang iyong kapitbahay na may dalang payong.
a. Magsasabi kung puwede makisabay dahil wala kang dalang payong.
b. Ako ay Iiyak nang malakas.
c. Ipatatawag ko na lamang ang aking tatay o nanay para ako ay sunduin.
d. Hihintayin kong tumigil ang ulan.
4. Umalis ang iyong nanay. Pinagbilin sayo na painumin mo ng gamot ang iyong kapatid na may sakit. Nakalimutan mo itong painumin sa takdang oras. Tinanong ka ng nanay kung nagawa mo ang kanyang ipinagbilin.
a. Sasabihin ko na pinainom ko ng gamot ang aking kapatid para hindi ako mapagalitan.
b. Hihingi ng paumanhin at sasabihin ang totoo.
c. Uunahan ko ng pag-iyak para hindi mapagalitan.
d. Hindi ko papansinin ang aking nanay.
5. Nakasakay ka na sa serbis mong traysikel. Nang magbabayad ka na, wa-la ang iyong pera.
a. Bababa agad at tatakbo nang mabils.
b. Sasabihin sa drayber na kung maaari ay pag-uwi mo ng bahay
c. Sasabihin sa drayber nang pagalit na wala kang pera
d. Iiyak na lamang bigla.
6. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit kung magtatanong ka ng lu-gar?
A. Ano
B. Saan
C. Sino
D. Kailan
7. Aling salita ang gagamitin mo kung nais mong malaman ang petsa ng pasukan?
A. Paano
B. Sino
C. Kailan
D. Ano
8. Kung nais mong humingi ng dahilan o rason, ano ang angkop na salitang gagamitin mo sa pagtatanong?
A. Bakit
B. Ilan
C. Paano
D. Sino
9. Ang salitang Sino ay sumasagot sa tanong na patungkol sa __________.
A. bagay
B. tao
C. lugar
D. pangyayari
10. Nais mong alamin ang bilang ng mga taong gumaling sa sakit na COVID-19. Anong salita ang gagamitin mo sa pagtatanong?
A. Magkano
B. Kailan
C. Gaano
D. Ilan
Maagang gumising si Melba. Tinulungan siyang magbihis ng kanyang ina. Inayos nito ang kanyang uniporme. Iniabot nito ang pares ng malinis na medyas saka lumabas ng silid upang maghanda ng almusal.
Habang kumakain si Melba, ipinaghanda siya ng kanyang Nanay ng baon. Binalot sa plastic at inilagay sa kanyang bag.
Mayamaya handa na si Melba. Humalik siya sa kamay ng kanyang ina at nagpaalam na. “Nagdidilim ang langit, Melba. Dalhin mo ang iyong paying,”ang sabi ng Nanay.
11. Saan pupunta si Melba?
A.sa paaralan
B. sa simbahan
C. sa isang salu-salo
D. sa parke
Maagang gumising si Melba. Tinulungan siyang magbihis ng kanyang ina. Inayos nito ang kanyang uniporme. Iniabot nito ang pares ng malinis na medyas saka lumabas ng silid upang maghanda ng almusal.
Habang kumakain si Melba, ipinaghanda siya ng kanyang Nanay ng baon. Binalot sa plastic at inilagay sa kanyang bag.
Mayamaya handa na si Melba. Humalik siya sa kamay ng kanyang ina at nagpaalam na. “Nagdidilim ang langit, Melba. Dalhin mo ang iyong paying,”ang sabi ng Nanay.
12. Anong uri ng ina ang Nanay ni Melba?
A. pakialamera
B. masungit
C. mapagmahal
D. maarte
13. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari sa kuwento. Ayusin ang mga ito ayon sa wastong pagkasunod-sunod.
1. Tinulungan siya ng kanyang nanay na magsuot ng kanyang uniporme.
2. Habang kumakain si Melba, ipinaghanda siya ng kanyang nanay ng babaunin sa pagpasok.
3. Maagang gumising si Melba.
4. Ipinadala ng kanyang nana yang paying dahil parang uulan.
5. Handa na si Melba sa pagpasok at nagpaalam na sa kanyang nanay.
A. 3-1-5-4-2
B. 3-4-1-5-2
C. 3-2-5-1-4
D. 3-1-2-5-4
14. Ipinagbunyi ng mga tauhan ng bagong pangulo ang kanyang pagkapanalo. Ano ang ibig sabihin ng ipinagbunyi?
A. namatayan
B. nawalan ng pag-asa
C. nalungkot
D. nagdiwang
15. Ang nilutong sinigang ni Maria ay malabnaw. Ano ang ibig sabihin ng malabnaw?
A. makulay
B. hindi malapot
C. masarap
D. hindi malutong
16. Nakalimutan ni Lina ang isang linya ng tula. Ano ang kasalungat ng nakalimutan?
A. nakita
B. naiwan
C. nadala
D. naalala
17. Mayabong ang puno ng narra sa labas. Ano ang kasalungat ng mayabong?
A. buhay
B. namatay
C. dumadami
D. malilim
18. Si Marian Rivera ay isang marikit na babe. Ano ang kasingkahulugan ng marikit?
A. pangit
B. mataray
C. maganda
D. mabait
19. Ang Pilipinas ay isang mapayapang bansa. Ano ang kasingkahulugan ng mapayapa?
A. magulo
B. napakarami
C. maayos
D. mabaho
Sa mga malukong na lalagyan kumakain ang mga Tsino. Sa pagkain, gumagamit sila ng dalawang patpat na may sampung dali ang haba na tinatawag na chopsticks. Nagagamit nila ang mga ito sapagkat sadyang hiniwa-hiwa na ang kanilang pagkain bago pa ito lutuin.
Bigas din angpangunahing butyl na kinakain ng mga Tsino. Karamihan sa kanila ay kumakain ng karne kapag may espesyal na okasyon.
Tsaa ang kanilang iniinom. Ipinalalagay nila na hindi dapat inumin ang tubig na pinakuluan. Nanin iwala silang makakatulong ang tsaa sa pagtunaw ng pagkain.
20. Saan kumakain ang mga Tsino?
A tasa
B pinggan
C malukong na lalagyan
D kutsara
2. Galing kayo ng nanay sa isang mall. May batang umakyat sa sinasakyan ninyong dyip. Pinunasan niya ang iyong sapatos at nanghingi ng barya.
a. Hindi ko siya papansinin.
b. Kakausapin ko ang aking nanay.
c. Sasabihin ko sa nanay na bumaba na kami.
d. Bibigyan ko na lamang siya ng pagkain.
