NEW
Font size
WorksheetsEsP Quiz Bee Contest
Total questions: 20
Worksheet time: 8mins
1. Ito ay bunga ng ating pag-iisip at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao.
A. KONSIYENSIYA
B. MAKATAONG KILOS
C. DIGNIDAD
D. MORAL NA PAGPAPASIYA
2. Ito ay uri ng kilos na nagmumula sa isip at kilos-loob
A. PANLABAS NA KILOS
B. MABUTING KILOS
C. PANLOOB NA KILOS
D. MAKATAONG KILOS
3. Ang nagpapawangis sa tao sa Diyos ay ang mga kakayahang taglay niya. Ito ay ang mga sumusunod
A. KONSIYENSIYA, LIKAS NA BATAS MORAL AT ISIP
B. ISIP AT KILOS-LOOB, LIKAS NA BATAS MORAL AT KALAYAAN
C. KALAYAAN, KONSIYENSIYA AT LIKAS NA BATAS MORAL
D. ISIP AT KILOS-LOOB, KONSIYENSIYA AT KALAYAAN
4. Ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Dito nakasalalay ang ating pagpili.
A. MORAL DILLEMA
B. LIKAS NA BATAS MORAL
C. MABUTING PAGPAPASYA
PAGGAMIT NG KONSIYENSIYA
5. Anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kaniyang buhay. Ang pahayag na ito ay ayon kay
A. AGAPAY
B. CLINTON LEE SCOTT
C. STO. TOMAS DE AQUINO
D. ARISTOTELES
6. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat isinasabuhay niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
A. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsasakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga.
B. Oo, dahil ang hindi pagasasaskatuparan ay isang maling gawain
C. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito
D. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
7. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madaraig ( invincible ignorance)
A. Pagpapainom ng gamut sa kapatid na may sakit kahit di – tiyak kung makabubuti ito
B. Pagbibigay ng pera sa batang lansangan dahil sa awa ngunit ipinanangsugal niya lamang ito
C. Pagbili sa inaalok na murang gadgets kahit alam mo na ito ay galing sa masama
D. Pagtatapon ng basura ng basta basta dahil wala naming nakalagay na “Bawal magtapon ng basura dito”.
8. Ito ay yugto ng konsensiya na kung saan binabalikan nito ang ginawang paghatol.
A. Alamin at naiisin ang mabuti
B. Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos
C. Pagsusuri ng sarili/pagninilay
D. Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan ng isang sitwasyon
9. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Nagagawa ni Rita ang mamasyal anumang oras niya gustuhin kahit alam niya na may mga taong nag-aalala sa kaniya
B. Sinasabi ni Alex ang lahat ng gusto niyang sabihin kahit makasakit ito ng ibang tao.
C. Inamin ni Lara ang kaniyang pagkakamali at humingi ito ng paumanhin sa kanyang nagawa.
D. Binili ni Jenny ang mamahaling bag kahit naubos na ang budget nito at hindi na rin nakabili pa ng ilang mga kailangan nila sa bahay
10. 1. Si Maria ay napili bilang isang hurado sa patimpalak sa pag awit. Hindi pa man nagsisimula ay nilapitan na ito ng kanyang dating amo na pinagkakautangan niya ng loob sabay sabing “Alam mo na ha, anak ko ang isa sa mga kasali diyan.” Naunawaan naman ni Maria ang kaniyang ibig sabihin. Mabigat man sa loob ni Maria ay binigyan niya pa rin ng mataas na puntos ang anak ng kanyiang dating amo, kahit alam niya na mas magaling naman ang ibang kalahok.
Aling uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang ipinakita dito?
A. Kilos-loob
B. Walang kusang-loob
C. Di-kusang loob
D. Kusang loob
11. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maipluwensiyahan ang kilos-loob.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
A. Gamitin ng tama ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti.
B. Hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob ng tao
C. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip
D. Walang sariling paninindigan ang isip at kilos-loob ng tao
12. Ano ang natutuklasan kapag naisasabuhay ng tao ang tamang paggamit ng isip?
A. KAALAMAN
B. KATOTOHANAN
C. PAGLILINGKOD
D. PAGMAMAHAL
13. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
A. Ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin
B. Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi
C. Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit
D. Magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon
14. Ano ang katangian ang isinasaad sa unang prinsipyo ng likas na batas moral?
A. GAWIN ANG MABUTI, IWASAN ANG MASAMA
B. GAWIN ANG MASAMA, IWASAN ANG MABUTI
C. GAWIN ANG MASAMA AT MABUTI
D. IWASAN ANG MABUTI AT MASAMA
15. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito?
A. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili
B. Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan.
C. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging Malaya
D. Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali
16. Ang pang-sekswal na ng kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon sa layuning
A. Makadama ng kasiyahan at pagmamahal
B. Magkaroon ng anak at pagmamahal
C.Magkaisa at magkaroon ng anak
D. Magkaisa at makadama ng pagmamahal
17. Si Tony ay naparatangan ng plagiarism sa kanilang paaralan. Siya ay kasama sa mga magagaling na manunulat sa kanilang journalism class. May mga katibayan na nagpapatunay na ito ay intensiyunal. Anong prinsipyo ang nalabag niya?
A. Prinsipyo ng Intellectual Honesty
B. Prinsipyo ng Intelectual Property
C. Prinsipyo ng Confidentiality
D. Prinsipyo ng Intellectual Rights
18. Alin sa sumusunod na pagpapahalaga ang susi sa pagbuwag ng Graft and Corruption?
A. Integridad
B. Katapatan at pagkatakot sa Diyos
C. Kabaitan at Pagkamasunurin
D. Pagtitimpi
19. Paano inilalarawan ni Bernard Haring ang maingat na paghuhusga?
A. Wings of Love
B. Eyes of Love
C. Puppy Love
D. Pledge of Love
20. Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig kung may katotohanan nga ito
A. Entrusted Secrets
B. Confidentiality
C. Mental Reservation
D. Moralidad na Pagsisinungaling
