wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2nd Periodical Review Quiz (Filipino)

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ang pangatnig ay mga kataga o salita na ____ dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsunod-sunod sa pangungusap.

a)

nagsama

b)

nagturing

c)

nag-uukol

d)

nag-uugnay

2.

Alin sa mga sumusunod ang paraan sa pagkakabuo ng isang sanaysay?

a)

Simula, Gitna, Katapusan

b)

Panimula, Gitna, Wakas

c)

Panimula, Kasukdulan, Wakas

d)

Kakalasan, Kasukdulan, Wakas

3.

Ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).

a)

Taludtod

b)

Linyahan

c)

Saknong

4.

Ito ang tawag sa paghahati ng dula. Ginagawa ito upang magkaroon ng pagkakataon ang mga artista na maghanda.

(a)  

5.

Alin sa mga sumusunod ang mga URI ng PANG-UGNAY?

a)

pangngalan

b)

pang-angkop

c)

pang-ukol

d)

pandiwa

e)

pangatnig

6.

Tula mula sa bansang Japan na binubuo ng 17 na pantig.

a)

Soneto

b)

Tanaga 

c)

Haiku

d)

Tanka

7.

Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.

a)

maikling kuwento              

b)

kuwentong bayan

c)

parabula

d)

pabula

8.

Alin sa mga sumusunod ang angkop na pahayag gamit ang tono bilang patunay na masaya ka sa iyong pagbabago?

a)

Nagbago na ako.

b)

Nagbago na ako?

c)

Nagbago na ako!

d)

Nagbago na, ako.

9.

Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito?


“Hindi, akin ang makapal na aklat na iyan!”

a)

Sinasabing hindi sa kanya ang aklat na itinuturo.

b)

Sinasabing siya ang may-ari ng aklat na itinuro.

c)

Sinasabing hindi makapal ang aklat.

d)

Sinasabing makapal ang aklat na itinuturo.

10.

Hi!” sabi ng isa

“I’m Delia Delizo. Just call me Del,” sabi ng isa pa.

Ngunit siya ay nanatili sa isang sulok hanggang tanawin ng aming boss upang takdaan ng mga Gawain. Lihim ko tuloy na tiningnan ang kanyang biodata na naiwan sa lapag.

a)

Unang Panauhang Pananaw

b)

Ikatlong Panauhang Pananaw

c)

Mala-Diyos na Pananaw

11.

Ako ay nalungkot ng nalaman ko ang naging kalagayan mo sa manila. Bakit ayaw mong maniwala sa akin? Nawala ang pagmamahal sa malayo, kundi nasa malapit. Nandito ako naghihintay at patuloy na umaasa…oo Ako!

a)

Unang Panauhang Pananaw

b)

Ikatlong Panauhang Pananaw

c)

Mala Diyos na Pananaw

12.

Ang mga nabanggit ay tatlong bahagi ng dulang tanghalan maliban sa isa?

a)

simula

b)

katapusan

c)

gitna

d)

kasukdulan

13.

Suriin ang pakahulugan ng Tanaga/Tanka/Haiku ayon sa hinihingi nitong kahulugan.

HAIKU ni Natsume Soseki

Sa kagubatan

Hangi’y umaalulong

Walang matangay


Ang salitang umaalulong kung ating iugnay ito sa isang relasyon nag-aaway ang magiging konotasyon nito ay

a)

pupunta ng kasukalan

b)

sumisigaw sa galit

c)

balisang paghihiwalay

d)

nagluluksa sa paghihiwalay

14.

Hinggil sa batas ng paaralan na hindi kukuha ng pagsusulit ang may mababang marka. Ang pag-uugnay na ginamit ay isang..

a)

pangatnig

b)

ingklitik

c)

pang-ukol

d)

pang-angkop

15.

Sapagkat bata ka pa , sumunod ka sa utos ng iyong magulang. Ang pag-uugnay na ginamit ay…

a)

pangatnig

b)

ingklitik

c)

pang-ukol

d)

pang-angkop

16.

Tukuyin kung ang salitang may salungguhit sa pangungusap ay DENOTASYON o KONOTASYON ang kahulugan.


Nangamote sa tumana si Aling Marta

a)

DENOTASYON

b)

KONOTASYON

17.

Tukuyin kung ang salitang may salungguhit sa pangungusap ay DENOTASYON o KONOTASYON ang kahulugan.


Nangamote sa klase si Pepito.

a)

DENOTASYON

b)

KONOTASYON

18.

Ito ay isa pa ring uri ng dula na humahantong sa kasawian o kabiguan ng pangunahing tauhan.

a)

parsa

b)

komedya

c)

melodrama

d)

trahedya

19.

Ito ay ang uri ng dula na nagbibigay ng magaan na pakiramdam sa mga manonood. Hindi pilit at pwersahan ang mga damdaming inihahayag ng mga tauhan dito. Kalimitan ito ay nagbibigay kasiyahan sa mga nanonood.

a)

parsa

b)

komedya

c)

melodrama

d)

trahedya

20.

Tumawag lamang sa 911 ____ may sakuna.

a)

dahil

b)

pati

c)

sakaling

21.

Tumatahol ang mga aso ____ may taong kumakatok sa pinto.

a)

hanggang

b)

kapag

c)

ngunit

22.

Malaki ang aming paaralan _____ lagi itong malinis.

a)

at

b)

dahil

c)

kaya

23.

Matulog ka nang maaga _____ maaga kang magising.

a)

kasi

b)

ngunit

c)

para

24.

Gusto kong sumama sa kanila _____ ayaw ng nanay ko.

a)

dahil

b)

ngunit

c)

sapagkat

25.

Nagtatrabaho sa London si Emily (a)   mas malaki raw ang suweldo ng nars doon.