WorksheetsANYONG LUPA AT ANYONG TUBIG
Total questions: 14
Worksheet time: 7mins
Ito ay anyong-lupa na may butas sa tuktok.
Bulkan
Burol
Ano ang pinakamataas na anyong-lupa?
Bundok
Talampas
Anyong-Lupa na mas mababa pa kaysa sa bundok.
Pulo
Burol
Ito ay malawak at patag na anyong-lupa. Maaari kang magtanim ng palay, mais, tubo, kamote at iba pang mga gulay rito.
Bulkan
Kapatagan
Ito ay anyong-lupa na nasa pagitan ng mga burol o bundok.
Lambak
Burol
Anyong-lupa na napapaligiran ng tubig.
Kapatagan
Pulo
Patag at malawak na anyong-lupa na nasa tuktok ng bundok o sa isang mataas a lugar.
Talampas
Kapatagan
Ito ay anyong-tubig na nanggaling sa ilalim ng lupa. Maaring ito ay mainit o malamig.
Bukal
Look
Malawak at malalim na tubig-alat na mas maliit pa kaysa sa karagatan.
Lawa
Dagat
Malawak at mahaba na anyong-tubig na dumadaloy mula sa kabundukan patungo sa lawa, iba pang ilog, at dagat.
Talon
Ilog
Ito ay pinakamalalim at pinakamalawak na anyong-tubig.
Karagatan
Bukal
Anyong-tubig na napapaligiran ng lupa.
Lawa
Ilog
Ito ay anyong-tubig na madalas daungan ng mga barko tuwing masama ang panahon.
Look
Karagatan
Tubig-tabang na bumabagsak mula sa mataas ng lugar.
Talon
Bukal
