NEW
Font size
WorksheetsWeek 3 Quarter 2 - Pamahalaang Sibil
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
1. Ang Batas Tydings-McDuffie ay isa sa mga batas ukol sa Pilipinas na may probisyong ____________________________.
A. pagkilala sa mga sagisag ng Estados Unidos tulad ng bandila.
B. kontrolin ng Estados Unidos ang ekonomiya ng Pilipinas.
C. magpadala ng kinatawan ng bansa sa kongreso ng Estados Unidos.
D. ganap na kalayaan ng Pilipinas pagkatapos ng 10 taon.
2. Ang Misyong OSROX ay pinadala sa Estados Unidos sa kagustuhan ng mga Pilipino na makapagsarili. Kilala ito sa ating kasaysayan bilang?
A. Batas Hare-Hawes-Cutting
B. Pamahalaang Militar
C. Misyong Pangkalayaan
D. Batas Tydings-McDuffie
3. Itinadhana ng Batas Hare-Hawes-Cutting at Batas Tydings-McDuffie ang ____________________________.
A. pagpatupad ng pamahalaang sibil kapalit ng pamahalaang militar
B. pagbigay ng kalayaan pagkatapos ng 10 taong transisyon sa pamamahala
C. mga pinunong Pilipino ang papalit sa pamunuang Amerikano
D. pagtatatag ng Pamahalaang Komonwelt kapalit ng Pamahalaang Militar
4. Anong batas ang nagtakda ng pagtatatag ng Asamblea ng Pilipinas bilang Mababang Kapulungan na kakatawan sa mga Pilipino bilang tagapagbatas.
A. Batas Cooper
B. Batas Jones 1916
C. Batas Gabaldon
D. Batas bilang 1870
5. Ang pagbuo ng Asembleya Filipina ay isa sa paghahanda ng mga Pilipino sa kalayaan. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpakita ng kakayahan ng mga Pilipino sa pamumuno?
A. paglinang ng likhang – kultural laban sa Amerikano
B. pagpapaunlad ng impluwensyang Amerikano sa pamahalaan
C. pagsunod ng mga Pilipino sa patakarang pang-edukasyon ng mga Amerikano
D. pinagbuti ng mga Pilipino ang pamamalakad sa pamahalaan
6. Si Jose Barlin, Obispo ng Naga ang namuno sa dasal nang pinasinayaan ang Asamblea ng Pilipinas sa Manila Grand Opera House noong Oktubre 16, 1907.
Tama
Mali
7. Ayon sa Batas Pilipinas 1902, dapat kilalanin ng Estados Unidos ang kalayaan ng Pilipinas kapag mayroon na itong matatag na pamahalaan.
Tama
Mali
8. Batas Panunulisan (Brigandage Act) noong 1902 na nagpaparusa ng pagkabilanggo sa mga Pilipino na magtatayo o bubuo ng mga samahan at kilusang makabayan.
Tama
Mali
9. Ang Batas Jones 1916 ay nagtatadhana ng kalayaan para sa Pilipinas, subalit hindi nito tiniyak ang takdang taon ng pagbibigay kalayaan.
Tama
Mali
10. Sinasabing ang Batas Tydings-McDuffie ay halos kopya lamang ng Batas Hare-Hawes-Cutting.
Tama
Mali
